MAGKATUWANG na tinutugis ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police ang grupong responsable sa pagpapasabog ng cellphone detonated improvised explosive device na ikinamatay ng isang lalaki at ikinasugat ng pitong iba pa noong Sabado ng hapon sa Barangay Poblacion sa Datu Piang. Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, spokesman ng 6th Infantry Division, nangyari ang pagsabog bandang alas-3:39 ng hapon sa covered court ng Poblacion Datu Piang sa kasagsagan ng volleyball match. “It was confirmed na IED ‘yung nilagay, component na na-recover ng ating mga EOD…
Read MoreDay: September 19, 2021
WANTED RAPIST INARESTO NG PNP-PRO5 SA NBI JAIL
“WE are not men in uniforms just to be outsmarted,” ani PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na dakpin ng kanyang mga tauhan ang isang pugante sa kasong statutory rape. Ito ay makaraang matunton ang suspek na si Rolly Selos Olaybal alyas “Raul” ng Sitio Libis, San Ysidro, Brgy. San Joseph, Antipolo City, na kasalukuyang hawak ng National Bureau of Investigation dahil naman sa kasong paglabag sa PD 1602 o anti-gambling law. Nang iparating ng Albay Police Provincial Office base sa datos ng Oas Municipal Police Office, sa NBI…
Read MoreBABAENG TULAK DUMARAMI SA CAVITE
CAVITE – Tila dumarami ang bilang ng mga babae na lumilinya na rin sa pagtutulak ng ilegal na droga, patunay rito ang walo na kabilang sa 20 kataong nadakip ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Police Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-2:45 noong Sabado ng hapon hanggang alas-11:50 noong Sabado ng gabi sa apat na lungsod at tatlong bayan sa Lalawigan ng Cavite. Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming tulak na naaresto…
Read MoreHITMAN NG NEGOSYANTE SA LAGUNA, ARESTADO
LAGUNA – Arestado ang umano’y hitman na sangkot sa pamamaril sa isang negosyante sa Calamba City noong Miyerkoles. Nilalapatan pa ng lunas sa ospital ang biktimang si Elpidio Fernandez, 51-anyos, ng B3, L1, PH1, South Ville 6, Barangay Kay-anlog, dahil sa tama ng bala sa ulo. Ayon sa ulat kay P/Col. Arnel Pagulayan ng Calamba City Police Station, nakita sa CCTV footages ang pamamaril sa biktima ng suspek na si John Marco Sandoval at isang kasama nito noong Setyembre 15 habang sakay ng motorsiklo bandang alas-3:15 ng hapon. Nang matukoy ng mga…
Read More4 MANGINGISDA, NASAGIP SA BATAAN
APAT na mangingisda na mahigit 48 oras nang nagpapalutang-lutang sa dagat na sakop ng Mariveles, Bataan ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy matapos masiraan ng makina ang kanilang sinasakyang fishing boat noong Setyembre 16, 2021. Sa report na isinumite kay Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Adeluis Bordado, ni Philippine Navy Fleet, Public Affairs chief, LCdmr. Ryan Luna, nakatanggap sila ng distress call hinggil sa fishing boat na dalawang araw nang stranded sa gitna ng laot. Mabilis na nagsanib-pwersa ang dalawang barko ng Philippine Navy, ang BRP Jose…
Read MoreAksyon ng DOH-Calabarzon sa Quezon hospital NAIPONG BANGKAY INIIMBESTIGAHAN
INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Health-Calabarzon ang mga nadiskubreng bangkay na nakatengga sa isang bahagi ng Quezon Medical Center sa lungsod ng Lucena. Pahayag ito ni DOH-Calabarzon director Eduardo Janairo sa isang panayam sa ABS-CBN, kung saan ipinalabas ang footage ng mga bangkay na nagsisimula na umanong mabulok, na kuha ng isang nagmamalasakit na kawani ng ospital. Ito’y sa kabila ng kautusan ng DILG at DOH na ang mga namatay sa COVID-19 ay kailangang ma-disposed sa loob lamang ng 12 oras. Sinabi ni Dir. Janairo na ang gusto ng karamihan…
Read MoreALERT LEVEL 4 SA NCR POSIBLENG MA-EXTEND
MAAARING i-extend o palawigin ng dalawa pang linggo ang ipinatutupad na COVID-19 Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR) na magtatapos sa katapusan ng Setyembre kung magiging mababa ang resulta ng COVID-19 infections. “Hopefully kapag nagawa natin ito sa mga susunod na araw, matapos na ‘yung katapusan sa buwan na ito, maaari pa itong i-extend ng two more weeks bago natin tunay na makita kung ano talaga ‘yung naging epekto nito sa ating mga datos,” ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla. Ang Kalakhang Maynila…
Read MorePROTEKSYON SA SEAFARERS ISINULONG NG DOLE
ISINUSULONG ngayon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang dagdag na proteksyon at pagkilala sa mga mandaragat sa pag-amyenda sa 15-taon nang ‘maritime convention’ ng International Labor Organization (ILO). Pahayag ito ni Secretary Bello sa harap ng mga lider sa pagdaragat sa London nitong nakaraang Linggo bilang keynote speaker ng International Meeting on Future-Proofing of the Maritime Labour Convention of 2006. Iginiit ni Bello na malabo ang isinasaad ng umiiral na ILO statute sa pagbibigay ng tamang trato at proteksyon sa mga mandaragat anoman ang…
Read MorePACQUIAO, PAMBATO NG PDP-LABAN SA 2022
TINANGGAP ni Senador Manny Pacquiao ang nominasyon sa kanya ng paksyon nina Senador Koko Pimentel na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bilang presidential candidate sa 2022 national elections. Ito ay matapos siyang i-nominate ng iba’t ibang regional representatives ng partido sa isinagawang national assembly. Isinagawa nina Pimentel ang kanilang national assembly dalawang linggo matapos ang anunsyo ng PDP-Laban wing nina Energy Secretary Alfonso Cusi kasama na sina Senador Bong Go at President Rodrigo Duterte ang kanilang presidential at vice-presidential candidates. Tinagurian din ng partido si Pacquiao bilang…
Read More