MAAARING i-extend o palawigin ng dalawa pang linggo ang ipinatutupad na COVID-19 Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR) na magtatapos sa katapusan ng Setyembre kung magiging mababa ang resulta ng COVID-19 infections.
“Hopefully kapag nagawa natin ito sa mga susunod na araw, matapos na ‘yung katapusan sa buwan na ito, maaari pa itong i-extend ng two more weeks bago natin tunay na makita kung ano talaga ‘yung naging epekto nito sa ating mga datos,” ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla.
Ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim ng Alert Level 4, “second-highest alert level,” dahil mataas o tumataas ang case counts at tumataas ang utilization rates ng kabuuang COVID-19 beds at intensive care beds.
Ang Granular lockdowns ay maaaring ipatupad sa ilalim ng nasabing alert level.
Ang pilot implementation ay tatagal ng hanggang Setyembre 30. (CHRISTIAN DALE)
