Sa kondisyong full capacity kada biyahe TRANSPORT GROUPS: WALANG DAGDAG-PASAHE

WALA pang ginagawang pagbawi ang transport group na Pasang Masda sa petisyong dagdag-pasaheng inihain sa hangaring maibsan ang epektado ng lingguhang taas-presyo sa krudo. Paglilinaw ni Pasang Masda president Obet Martin, babawiin lamang nila ang inihaing petisyon para sa P3 dagdag-pasahe sa mga pampasaherong dyip kung pahihintulutan ng pamahalaang ibalik sa full capacity ang kanilang operasyon, kasabay ng cash subsidies na ipinangako ng Department of Transportation (DOTr) sa isang pulong sa Kamara nitong nakaraang linggo. “Nire-request na naming gawing 100% ang aming capacity para naman po kumita ang mga jeepney…

Read More

PANGINGISDA TAYMPERS MUNA MULA DISYEMBRE

BATANGAS – Inilalatag na ng mga grupong makakalikasan ang anila’y mga panuntunan kaugnay ng taunang tigil-pangingisda sa mga karagatang sakop ng Batangas upang bigyang daan ang paglaki ng mga yamang dagat sa taong 2022. Kasabay ng isang pulong sa pagitan ng Batangas Marine Protected Area at Bantay Dagat Network, inilunsad na rin ang temang “Panandaliang Sakrupisyo, Pangmatagalang Benepisyo” bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa dalawang buwang “closed season” na hudyat ng pansamantalang pagtigil ng anomang pangingisda sa mga anyong tubig sa nasabing lalawigan. Nakatakdang magsimula ang tigil-pangingisda sa unang…

Read More

MR ISASAMPA SA SC KONTRA RECLAMATION

MAGSASAMPA ng Motion for Reconsideration (MR) sa Supreme Court (SC) si Senator Cynthia Villar dahil sa pagbibigay nito ng “go-signal” na i-reclaim ang lugar ng Manila Bay sa Las Piñas at Parañaque kasabay ng apela sa High Court na magkaroon ng iba at “fresh appreciation” sa environmental impact assessment (EIA) rules. Patuloy na pinaninindigan ni Villar na magdudulot ng malawakang pagbaha ang anomang reclamation project sa mga nasabing lugar dahil mahaharang nito ang daloy ng tubig mula sa anim na ilog sa Manila Bay. Ang mga ito ay ang: 1.…

Read More

MENTAL HEALTH GAWING PRAYORIDAD – ROBES

UMAPELA ang isang mambabatas sa gobyerno na bigyan ng prayoridad ang isyu sa mental health ng mga Filipino sa gitna ng tumataas na kaso ng depresyon at pagpapakamatay dahil sa COVID-19 pandemic. Ginawa ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes ang panawagan sa online forum ng Philippine Press Institute (PPI) na may temang “Nakakaloka, A Silent Pandemic: The Impact of Covid-19 on mental health” kung saan siya ang guest speaker. Sinabi ni Robes na marami siyang natanggap na ulat sa isyu ng kalusugang pangkaisipan sanhi ng kawalan ng…

Read More

Direktiba ng DSWD sa koop P7M KALTAS SA AYUDA IBALIK SA BENEPISYARYO

INATASAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang kooperatibang nangasiwa sa pagpapamahagi ng halos P7 milyong ayuda sa ilalim ng programang Livelihood Assistance Grant (LAG) na agad ibalik ang kinaltas nitong bahagi sa halagang laan para sa mga benepisyo mula sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan. Partikular na tinukoy ng DSWD ang Magic 7 Cooperative na umano’y mas malaki pa ang kinaltas na pera kumpara sa aktuwal na natanggap ng mga benepisyaryo. Sa isang virtual press conference, mismong si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) officer-in-charge Atty.…

Read More

CONTRACTOR, KA-LIVE-IN UTAS SA GUN FOR HIRE

BATANGAS – Patay ang isang contractor at ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Alitagtag sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Allan Hosena, 47, at Veronica Boragay, 61, kapwa residente ng Brgy. Dominador East, Alitagtag. Batay sa report ng Alitagtag Police, nasa labas ng kanyang bahay ang lalaki nang dumating ang mga suspek at malapitan itong pinagbabaril. Nakatakbo pa sa loob ng bahay ang biktima subalit hinabol ito ng suspek at doon muling pinagbabaril.  Nakita rin ng suspek…

Read More

BOC PINURI SA SUNOD-SUNOD NA RAID

PINURI ni ACT-CIS party-list at Benguet Rep. Eric Yap ang Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, bunsod nang sunud-sunod at matagumpay na raid na isinagawa ng mga ito sa tatlong bodega sa Metro Manila at Subic, Zambales na nagresulta sa pagkakasamsam ng milyun-milyong halaga ng mga imported na gulay at mga produkto na ilegal na ipinuslit sa bansa. Nabatid na noong Oktubre 13, inimbestigahan ng BOC – Port of Manila sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang iba’t ibang illegally imported…

Read More

PULIS PATAY SA GUN BUY-BUST OPS NG PNP BICOL

PATAY ang isang pulis na hinihinalang sangkot sa gunrunning activities, nang makipagbarilan sa inilunsad na entrapment operation sa Placer, Masbate noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP-Police Regional Office 5 chief, P/Brig. General Jonnel C. Etomo, nauwi sa palitan ng putok ang entrapment operation na ikinasa ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), at mga kawani ng PNP-PRO5 laban sa pulis na sangkot umano sa pagbebenta ng hindi lisensyadong baril. Ayon sa impormasyon mula sa PNP-IMEG, sa pamumuno ni P/BGen. Flynn Dongbo, kinilala ang…

Read More

PNP-PRO5 ABALA SA PREPARASYON SA HOLIDAY SEASON

NAGLATAG ang PNP Bicol, sa pamumuno ni Police Brigadier General Jonnel C. Estomo, ng mga paghahanda para sa paparating na ang holiday season upang tiyakin ang seguridad ng bawat mamamayan at katahimikan ng rehiyon. Bahagi ng paghahanda ng PNP Bicol ang maximum deployment ng pulisya sa mga lugar na inaasahang madalas puntahan at dagsain ng mga tao. Paiigtingin din ang police visibility at mobile patrol upang ganap na masubaybayan ang mga kaganapan sa bawat komunidad sa Bicol. Pag-iibayuhin din ang paglalatag ng checkpoint at chokepoint na naglalayong siguruhin na mabantayan…

Read More