CONTRACTOR, KA-LIVE-IN UTAS SA GUN FOR HIRE

BATANGAS – Patay ang isang contractor at ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Alitagtag sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Allan Hosena, 47, at Veronica Boragay, 61, kapwa residente ng Brgy. Dominador East, Alitagtag.

Batay sa report ng Alitagtag Police, nasa labas ng kanyang bahay ang lalaki nang dumating ang mga suspek at malapitan itong pinagbabaril.

Nakatakbo pa sa loob ng bahay ang biktima subalit hinabol ito ng suspek at doon muling pinagbabaril.

 Nakita rin ng suspek ang babae sa loob ng bahay at binaril din ito.

Kapwa dead on the spot ang mga biktima dahil sa mga tama ng bala ng kalibre .45 na baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Awayan sa construction business ng mga biktima ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa krimen.

Ayon pa sa pulisya, posibleng mga hired killer ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

153

Related posts

Leave a Comment