DILG sa mga alkalde PAGSALUBONG SA BAGONG TAON TIYAKING LIGTAS

INATASAN ng Department of Interior Local Government (DILG) ang mga alkalde na tiyaking ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon. Sa isang kalatas, hiniling ni DILG Sec. Eduardo Año sa mga alkalde ng 144 lungsod at 1,498 munisipalidad ang mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan kaugnay ng pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa merkado, gayundin ang pagpapaputok ng baril na posibleng ikamatay o ikasugat ng sino mang tatamaan ng ligaw ng bala. Bukod sa mga alkalde, mahigpit din ang tagubilin ng Kalihim sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire…

Read More

PCSO, IGINAWAD ANG P67-M SA 5 AHENSYA NG PAMAHALAAN

Sa pamumuno ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Royina Marzan Garma, pormal na iginawad itong Martes, Disyembre 28, sa limang ahensya ng pamahalaan ang P67,074,210.96 bilang bahagi ng Mandatory Contributions. Ang kabuang halagang nabanggit ay hinati sa limang benepisyaryo: Philippine National Police (PNP), Commission on Higher Education (CHED), Dangerous Drugs Board (DDB), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Sports Commission (PSC). Bagama’t hindi nakadalo si Garma, naging matagumpay ang programa na ginanap sa PCSO Conservatory Building sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Pinangunahan ang naturang…

Read More

OCTA Research survey 9% LANG NG CLASS A-B-C VOTERS PABOR KAY LENI; 63% PABOR KAY BBM

PATULOY na nangunguna sa mga survey si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasabay nito ay nakakuha rin siya ng pinakamataas na suporta sa Class A-B-C voters na aabot sa mahigit 60 porsyento sa pinakahuling resulta ng survey ng OCTA Research. Sa naturang survey na isinagawa nitong Disyembre 7-12 sa 1, 200 respondents, lumalabas na 63 percent mula sa Class A-B-C o ang mga botanteng negosyante at propesyunal, ang nagsabing iboboto si Marcos sa pagka-pangulo kung ngayon gagawin ang eleksyon. Malaki pa rin ang inilamang…

Read More