MAGKAANGKAS SA MOTORSIKLO NATUMBOK, 1 PATAY

patay

CAVITE – Namatay ang isang lalaki habang nilalapatan ng lunas ang isa pang biktima nang banggain sa likurang bahagi ang kanilang motorsiklo ng isang Isuzu rebuilt jeepney sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kapwa isinugod sa ospital sina Mark Vincent Delos at RJ Ocampo, kapwa nasa hustong edad, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang una. Kinilala naman ang driver ng Isuzu Rebuilt jeepney na may plakang RF G985, na si Niño Lumagui, nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 nang mangyari ang insidente sa…

Read More

Statesmanship pinuri ng netizens ATTY. RODRIGUEZ PATULOY NA MAGLILINGKOD SA BAYAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TINIYAK ni Atty. Vic Rodriguez na patuloy siyang maglilingkod sa bayan bilang pribadong mamamayan kasabay ng hiling ng patuloy na suporta ng taumbayan sa administrasyong Marcos Jr. Pag-amin ni Rodriguez, hindi na siya bahagi ng administrasyong Marcos – “I confirm that I have completely exited the administration of President Bongbong Marcos, after having spoken to him at length about my wish to spend most of my time with my family… a very personal decision that was happily made.” Taliwas naman sa mga naglabasang ulat sa telebisyon,…

Read More

FOREIGN NATIONS NAKIISA SA PAGKONDENA SA LAPID SLAY

NAKIBAHAGI rin sa pagkondena ang iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng kanilang embahada sa Pilipinas sa pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid. Kasabay nito, hinimok ng mga Embahada ng Canada at Netherlands, na kapwa tagapangulo ng Media Freedom Coalition in the Philippines, ang gobyerno ng Pilipinas na tiyaking makakamit ang katarungan at ligtas ang mga mamamahayag. Sinang-ayunan naman ito ng Embassy ng France at Micronesia. Nananawagan din ng hustisya para kay Mabasa ang Foreign Correspondents Association of the Philippines. Samantala, nagpulong na ang binuong Special…

Read More

CELLPHONE SUSI SA 34 MISSING SABUNGERO

sabong

MATAPOS ang isang taon, palaisipan pa rin ang kinaroroonan ng nasa 34 nawawalang sabungerong pinaniniwalaang dinukot at pinaslang kaugnay ng di umano’y game fixing sa patok subalit ilegal na e-sabong. Gayunpaman, naniniwala si Major General Eliseo Cruz na tumatayong Philippine National Police (PNP) Director for Investigation and Detection Management na malaki ang maitutulong ng mga telecommunications company para ganap nang matukoy ang mga malalaking tao sa likod ng naturang mga insidente. Ani Cruz, higit na kailangan ang kooperasyon ng mga telecom firms para halukayin ang talaan ng mga mensahe at…

Read More

INFLATION SUMIPA SA 6.9%

(JESSE KABEL/BERNARD TAGUINOD) ITINURO sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pagbilis ng galaw ng inflation rate sa bansa, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA). Nabatid na pumalo sa 6.9% ang pag-angat ng inflation noong Setyembre na mayroong average o kabuuan na 5.1% simula Enero ng taong kasalukuyan. Ayon kay Undersecretary Dennis Mapa, national statistician at civil registrar general ng bansa, bumilis ang antas ng paggalaw ng bilihin nitong Setyembre kumpara noong August 2022 na mayroon 6.3%. Ayon pa kay Mapa, pangunahin sa mga kadahilanan ay ang…

Read More