DALAWANG African, kabilang ang isang babae, ang hinarang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang tangkaing pumasok sa bansa at nagpanggap na Canadian citizens. Batay sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, na isinumite ni Bureau of Immigration, Port Operations chief, Atty. Carlos Capulong, ang dalawang pasahero ay dumating sa NAIA Terminal 3 noong Setyembre 25 lulan ng Emirates airlines galing Dubai. Ayon kay Capulong, ang dalawa ay nagpakita ng pekeng Canadian passports sa immigration officers subalit pinagdudahan ang kanilang travel documents. Kinilala ang lalaking…
Read MoreDay: October 5, 2022
BARANGAY HALL SA SAMPALOC NATUPOK
INIULAT ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection na isang barangay hall ang tinupok ng apoy nitong Miyerkoles ng umaga sa Sampaloc, Manila. Ayon sa BFP, bandang alas-8:21 ng umaga nang sumiklab sunog sa loob ng Barangay Hall sa Brgy. 412, Zone 42 sa Legarda Street sa Sampaloc. Nabatid kay Chairwoman Filomerna Cingco, bagama’t walang nasaktan sa sunog, ang kanilang mga gamit tulad ng computers, CCTV monitor, laptops at mga papeles ay napinsala dahil nabasa sa pagbomba ng tubig ng mga fire track at fire volunteers. Nagsimula umano ang sunog sa…
Read MoreDONATION BOX NILIMAS, VENDOR ARESTADO
NABIGONG tangayin ng 23-anyos na binata ang laman ng donation box sa isang simbahan noong Lunes ng gabi sa Quezon City. Arestado ang suspek na kinilalang si Erwin Calicdan Concepcion, 23, residente ng Disiplina Village, Bignay, Valenzuela City, makaraang ireklamo ng Parish administrator ng Simbahan na si Mary Novy Siasat Delos Reyes, 30-anyos. Batay sa report ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas- 6:35 ng gabi nang mangyari ang insidente sa St. Peter Parish Church sa Brgy. Batasan Hills, ng nasabing lungsod. Sa inisyal na imbestigasyon…
Read MorePAGHAHANDA SA BSKE TULOY – COMELEC
WALANG maling nakikita ang Commission on Elections (Comelec) kung ipagpapatuloy ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 5 sa gitna ng napipintong pagpapaliban ng halalan sa Oktubre sa susunod na taon. “In truth, it is clear that we are not prohibited from preparing in advance for the elections. We can prepare early for the elections. This is why, initially, our plan is to really continue preparing,” pahayag ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia. Ayon pa kay Garcia, magagamit pa rin ang mga supply at paraphernalia na bibilhin para sa…
Read MoreECSTASY NASAMSAM NG BOC, PDEA
TINATAYANG P858,500 halaga ng ecstasy, isang uri ng party drugs, ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency. Huli naman sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at BOC-Port of Clark sa Parañaque City ang claimant ng smuggled party drugs. Base sa ulat, may kabuuang 505 piraso ng methylenedioxymethamphetamine, commonly known as ecstasy, na may kabuuang halagang P858,500, ang nakumpiska. Sa ibinahaging ulat ni BOC Commissioner Felimon Yogi Ruiz, dumating ang ilegal na droga sa bansa noong Setyembre 30 na nakalagay…
Read MoreCOVID TRANSMISSION SA SCHOOLS BUBUSISIIN NG DEPED, DOH
MAKIKIPAG-UGNAYAN ang kampo ni Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire sa Department of Education ( DepEd ) ukol sa umano’y COVID-19 transmission sa mga eskuwelahan simula nang magbalik ang face-to-face classes. Ayon kay Vergeire, handa na silang makipag-ugnayan sa DepEd upang mapagsama-sama at mapag-isa ang datos dahil ang kanila aniyang reporting ay hindi pa rin kumpleto sa ngayon. “Inaayos po pa nila ‘yung reporting nila– so ‘yung kanilang numero or statistics that they have right now is under reported,” sabi ni Vergeire sa press briefing. Dagdag pa nito, ibinabase ng…
Read MoreContractor ng dam idedemanda ng NIA PAGLUBOG NG BULACAN PINANGANGAMBAHAN
LUBOS na pinangangambahan ang nakaambang perwisyo sa milyong residente ng lalawigan ng Bulacan sa sandaling bumigay ang isang bahagi ng Bustos Dam na napinsala, dalawang taon na ang nakaraan. Panawagan ng Sangguniang Panlalawigan ng naturang probinsya sa National Irrigation Administration (NIA), obligahin ang ITP Construction, Inc. at Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd. para kagyat na ayusin ang sirang rubber bladder sa Bay 5 ng Bustos Dam lalo pa’t pasok pa sa warranty na nakapaloob sa kontrata ang pagkukumpuni ng dambuhalang imbakan ng tubig. Ayon sa Sangguniang Panlalawigan, hindi dapat…
Read MoreMAG-ASAWANG NPA SUMUKO
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao – Bunsod ng pangamba sa kanilang buhay at kaligtasan, nagdesisyon ang mag-asawang kasapi ng communist terrorist group (CTG) na iwaksi na ang armadong pakikibaka at magbalik-loob sa gobyerno sa pamamagitan ng pagsuko sa mga tropa ng 5th Special Forces Battalion sa Brgy. Ned, Lake Sebu, South Cotabato. Kinilala ang sumuko na si alyas “Loloy”, isang political instructor, kasapi ng Platoon Madrid ng South Regional Command Daguma, at misis nitong si alyas “Lalay”, isang medic sa nasabing pangkat, kapwa sa ilalim ng Far South Mindanao Region.…
Read MoreP1-M TINANGAY NG NAKAPUTING VAN
LAGUNA – Tinatayang P1 milyong cash ang natangay ng hindi kilalang mga armado makaraang holdapin ang general manager ng isang gaming company habang sakay ng kanyang kotse sa provincial road sa Barangay Calumpang sa bayan ng Liliw sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Garry Boy Vallejo, general manager ng Gallotech Venture Inc. Batay sa report ng Liliw Police, hinarang ang biktima ng mga suspek na armado ng baril na sakay ng isang puting van habang ito ay bumibiyahe patungo sa Sta. Cruz, Laguna dakong alas-2:00 ng hapon…
Read More