(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
TINIYAK ni Atty. Vic Rodriguez na patuloy siyang maglilingkod sa bayan bilang pribadong mamamayan kasabay ng hiling ng patuloy na suporta ng taumbayan sa administrasyong Marcos Jr.
Pag-amin ni Rodriguez, hindi na siya bahagi ng administrasyong Marcos – “I confirm that I have completely exited the administration of President Bongbong Marcos, after having spoken to him at length about my wish to spend most of my time with my family… a very personal decision that was happily made.”
Taliwas naman sa mga naglabasang ulat sa telebisyon, radyo at pahayagan, iginiit ng dating Executive Secretary ni Marcos Jr. na siya na mismo ang nagbitiw sa pwesto bago pa man humugong ang usap-usapan sa Administrative Order No. 1 na hihirang sana sa kanya bilang presidential chief of staff.
Ang dahilan — sapat na panahon para makapiling ang kanyang pamilya.
Nang tanungin kung bakit nanahimik sa mga patutsada laban sa kanya, sinabi niyang mas matimbang para sa kanyang manatiling malinis ang konsensya – “I take solace in the legal aphorism.
Men in public life may suffer under a hostile or unjust accusation; the wound can be assuaged with the balm of a clear conscience.'”
Wala rin aniya siyang nakikitang dahilan para ibulalas sa publiko ang anomang pag-uusap nilang dalawa ng Pangulo.
“The fundamental reason for this is the fact that all communications that have transpired between the President and myself are absolutely privileged, something which I shall continue to honor in full recognition of and respect to both the Office of the President and the Office of the Executive Secretary.”
Nito lamang nakaraang Martes, mismong si bagong Executive Secretary Lucas Bersamin ang nagligwak sa impormasyon hinggil kay Rodriguez.
Ani Rodriguez, mas mabuting manahimik na lang sa kabila ng mga patutsada, pambabastos at walang basehang alegasyon.
Sa kanyang paglisan sa Palasyo, lubos naman ang pasasalamat ni Rodriguez sa Pangulo.
“It has been an honor to have been given the chance to serve the country. Ako po ay patuloy na maglilingkod bilang pribadong mamamayan sa abot ng aking munting kakayahan. Atin pong suportahan si Pangulong Bongbong Marcos at ang ating bansang Pilipinas,” pagtatapos ni Rodriguez.
Umani naman ng papuri ang pahayag ni Rodriguez, na kinilala ng netizens sa kanyang suporta kay Pangulong Marcos at paglilingkod sa bayan.
“For standing with the President through thick and thin, we salute you. And if ever you want to run for the Senate someday, we will support you like how you did with Apo PBBM,” sabi ni Revelyn Uchale Almonte sa komento nito sa social media.
“You are a man of grace and wisdom. You have my respect and support. God be with you, Atty. Vic Rodriguez,” sabi naman ni Bobbie BabyNadhja DeLeon.
Sagot naman ni Ibyang Dic: “Yes, Atty. Vic we will support PBBM’s admin until his last day in office by 2028. We know you truly care for this country and our President. Good wishes for you and your whole fam.”
Dinumog ng pasasalamat, paghanga, at pagsuporta si Rodriguez dahil sa pagpapakita nito ng katapatan, integridad at pagka-propesyunal sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na natatanggap nito.
