DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI ako umaasa na magkakaroon ng accountability ang public officials sa maling paggasta sa pera ng bayan na mula sa buwis na binabayaran ng sambayanang Filipino para patuloy na gumana ang gobyerno. Tuwing may natutuklasang kontrobersya sa illegal na paggamit ng pera ng bayan tulad ng kinahaharap ngayon ni Vice President Sara Duterte hinggil sa P125 million confidential funds na ibinigay sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ginastos sa loob ng 19 araw lang, ang laging panawagan ng iilan, uulitin ko, iilan, ay…
Read MoreDay: September 18, 2023
PNP NALUSUTAN NA NAMAN NG RIDING IN TANDEM?
KAALAMAN ni MIKE ROSARIO HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang babaeng lawyer matapos siyang pagbabarilin ng riding in tandem sa Bangued, Abra kamakailan. Si Atty. Maria Sanita Liwliwa Gonzales-Alzate ay pinagbabaril ng riding in tandem habang nasa loob ng kanyang puting Mitsubishi Mirage G4 na kotse na nakahinto sa harapan ng kanilang bahay sa nasabing lalawigan. Matapos ang pamamaril ay agad na dinala sa pagamutan si Atty. Gonzales-Alzate subalit nalagutan ito ng hininga. Dahil sa pangyayaring ito ay bumuo ng isang special investigating task group ang PNP-Abra Provincial…
Read MoreWIN-WIN SOLUTION SA TAAS PRESYO NG MGA BILIHIN UMUBRA KAYA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO INIHAYAG ni House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez na susubukan niyang humanap ng “win-win solution” para sa mga tao at sa oil industry upang pansamantalang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. Ito ang binanggit ni Romualdez sa pakikipag-usap niya sa oil players kasama ang House Committee on Energy sa Batasang Pambansa Complex kahapon, Lunes. Ayon sa kanya, hirap na ang lahat dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin dulot ng mga oil price hike pero dikta kasi rin ‘yan…
Read MoreMatapos manood ng F1, concert naman BBM PURO ‘GOODTIME’ – NETIZENS
BINATIKOS ng netizens ang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na nakatakdang maghandog ng konsyerto ang Palasyo ng Malacañang sa mga guro sa darating na Oktubre 1, 2023. Ito na ang ikatlong gaganaping Konsyerto sa Palasyo (KSP). Sa Facebook post ng PCO, inimbitahan nito ang publiko na makisaya sa “Konsyerto sa Palasyo para sa Mahal Nating mga Guro” ngayong selebrasyon ng National Teachers’ Month. Mapapanood umano nang live ang naturang programa sa official Facebook page ng KSP at iba pang State-run social media platforms. Ang kauna-unahang KSP ay isinagawa noong…
Read MoreTinablan sa mga batikos? BIYAHE ABROAD IDINIPENSA NG MAG-ASAWANG MARCOS
DINEPENSAHAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza ang madalas nilang pagbyahe sa labas ng bansa. Ang katwiran ng Pangulo, kailangan ng Pilipinas ang maraming investments para palakasin ang ekonomiya ng bansa matapos ang pandemya. Tinatayang may 16 foreign trips na ang nagawa ng Pangulo simula Hunyo 2022. Ang pahayag pa rin na ito ng Punong Ehekutibo ay matapos na ipahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bumagsak ang foreign direct investment ng 20.4% hanggang $3.91 billion sa first half ng 2023 kumpara sa $4.91 billion sa kaparehong…
Read MoreElectoral reforms tinalikuran – Atty. Chong SUPPORTERS NILAGLAG NI BBM
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) WALA nang maaasahang electoral reforms sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mistulang pag-abandona sa mga sumuporta sa kanya. Ayon kay Atty. Glen Chong, matapos nilang ipaglaban noon ni Marcos Jr. na magkaroon ng electoral reform sa bansa ay nawala na ito sa agenda ngayong nanalo na ang Pangulo. Sa vlog ni Maharlika noong nakalipas na Hunyo, unang inilabas ni Chong, dating kinatawan sa Kongreso ng lalawigan ng Biliran, ang kanyang himutok sa tila pagtalikod ni Marcos Jr. sa kanilang ipinaglaban. Simula 2010…
Read MoreSA PANONOOD LANG NG F1 MABILIS SI BBM – SOLON
PINATUTSADAHAN ng isang mambabatas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mabilis lang ito kapag inimbitahang manood ng F1 sa Singapore pero mabagal umaksyon kapag kapakanan na ng sambayanang Pilipino na ang pag-uusapan. Pahayag ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaugnay ng panibagong oil price increase na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw, September 19, kaya aabot na sa P70 ang halaga ng bawat litro ng diesel. Ayon sa mambabatas, matagal na silang nanawagan kay Marcos na maglabas ng sertipikasyon para ipasa agad ang mga panukalang batas…
Read MoreSa pag-arangkada ng e-TURO ng RYR Innovation ELEMENTARY PUPILS HIGHTECH NA SA 2024
ASAHAN na ang pagiging hightech ng mga mag-aaral sa elementarya sa susunod na pagbubukas ng klase sa 2024 dahil na rin sa inilunsad na pilot program ng e-TURO sa lalawigan ng Romblon noong Abril 11, ngayong taon. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Louie Ryan Rivera-Rafanan, CEO ng RYR Innovation, kalahati ng 82 lalawigan sa bansa, ang nakaaalam na sa e-TURO. Binigyang-diin ni Rafanan na kailangan makasabay ang mga mag-aaral na Pinoy sa digital world para hindi mapag-iwanan ng ibang mga bansa sa pagiging hightech. Sa ngayon aniya ay patuloy…
Read More15 WAR VETERANS KINILALA SA BULACAN
LABING-LIMANG buhay na Bulakenyong beterano ang kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 641-T’2023 na kumikilala sa katapangan at mahalagang partisipasyon ng mga beterano sa World War II sa ginanap na “Ika-80 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan Military Area (BMA) at Paggawad ng Parangal sa mga Beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig” kamakailan sa Bustos Gymnasium at BMA Park sa Bustos, Bulacan. Labing-isa sa 15 miyembro ng Veterans Federation of the Philippine (VFP) ang dumalo at tumanggap ng plake ng pagkilala at kopya ng resolusyon kabilang sina…
Read More