MINDANAO NIYANIG NG MAGNITUDE 6.6 EARTHQUAKE

AGAD nag-abiso ang Office of Civil Defense sa mga lalawigan sa Mindanao na asahan ang mararamdamang aftershocks kasunod ng pagyanig sa kanilang lugar dulot ng magnitude 6.6 earthquake kahapon ng umaga. Sa ibinahaging ulat ng PHIVOLCS sa OCD-National Disaster Risk Reduction Management Council, tumama ang magnitude 6.6 earthquake sa ilang lalawigan ng Mindanao. Naranasan ito bandang alas-9:39 kahapon ng umaga, at natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 434 km sa timog-silangan ng Balut Island, Municipality of Sarangani, Davao Occidental. May lalim itong 122 kilometers at sinasabing tectonic ang pinagmulan.…

Read More

ALERT LEVEL 3 NAKATAAS SA BULKANG MAYON

BUNSOD ng pag-alboroto, itinaas sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Sinabi ng Phivolcs, nakapagtala ng apat (4) na volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan at mabagal na pagdaloy ng lava sa bunganga nito na may habang 3.4 km sa Bonga Gully. Ayon pa sa Phivolcs, nakapagtala rin 82 rockfall events sa bunganga ng bulkan at 3 pyroclastic density. Nabatid pa sa ulat, namataan ang panandaliang pamamaga ng bulkan at ang patuloy nitong pag-aalburoto. Dahil dito, mahigpit…

Read More

IBA’T IBANG AHENSYA SA NAIA, NAGKAISA PARA SA SEGURIDAD

NAGKAISA ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang palakasin ang security awareness tungo sa kaligtasan ng mga biyahero. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group Director Police B. General Jack Wanky, ang layunin ng kanilang grupo ay upang maging maayos at masiguradong ligtas sa kapahamakan ang lahat ng mga pasahero na papasok at palabas sa NAIA. Ito’y naisakatuparan matapos ang nangyaring insidente kung saan isang hindi kilalang suspek ang naghagis ng molotov bomb sa parking area ng NAIA Terminal 3 noong nakaraang…

Read More

BARIKADA NG CHINA SA SCARBOROUGH BINAKLAS NG PCG

BUNSOD ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ng National Task Forces on West Philippine Sea, sinisid at inalis ng mga underwater operatives ng Philippine Coast Guard ang iniladlad na floating barrier ng China papasok sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. Ayon sa ulat na ibinahagi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng National Task Force for the West Philippine Sea ng PCG, isinagawa ng kanilang mga tauhan ang operasyon kamakalawang gabi. Kinumpirma ni Commodore Tarriela, ang pag-alis sa barrier ay alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos at…

Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA FAKE BOC FB ACCOUNTS, SCAM

NAGPALABAS muli ng babala ang Bureau of Customs – Port of Subic kaugnay sa nagpapanggap na mga empleyado ng ahensya gamit ang fake Facebook account para makapanloko ng mga biktima. Ang unscrupulous individual ay kasalukuyang nag-o-operate ng isang mapanlinlang na Facebook account sa ilalim ng pangalang “Felicia Recarte” na nagpapanggap na isa siyang empleyado ng BOC Port of Subic. Layunin nito na makapanloko at makahingi ng pera mula sa mga indibidwal na walang pag-aalinlangan. Nilinaw naman ng pamunuan ng BOC Port of Subic na mahigpit silang sumusunod sa official communication…

Read More

BOC PINURI NI PBBM SA KAMPANYA VS SMUGGLING

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang Bureau of Customs (BOC) sa malakas nilang paninindigan laban sa smuggling, sa isinagawang matagumpay na turnover ng P42 milyong halaga ng bigas sa piling government agencies at benepisyaryo noong nakaraang Martes, Setyembre 19, 2023. Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng 42,180 sako ng bigas sa piling mga benepisyaryo sa Zamboanga City at Tu­ngawan, Zamboanga Sibugay. Ang iba pang natitirang mga sako ng bigas ay inilaan sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao at ipamamahagi sa sandaling malaman ng Department…

Read More

NASABAT NA P31.5-B SMUGGLED GOODS HIGHEST-EVER RECORD NG BOC

NAKAPAGTALA ng highest-ever record ang kasaluku­yang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling matapos na makasabat ang ahensiya ng tinatayang P31.5 bilyong halaga ng iba’t ibang mga kalakal. “Ang bureau, under the leadership of Commissioner Bienvenido Rubio, has already got the highest seizure, in a terms of smuggling, nag-resulta na po ito sa P31.5 billion (pesos worth) na various commodities, ito po iyong highest-ever record po ng Bureau of Customs, considering na hindi pa po tapos ang taon,” ani BOC Director Verne Enciso sa isang forum sa Que­zon…

Read More

POLITICAL WILL VS SMUGGLERS, CARTELS ANG NARARAPAT – KMP

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO MANANATILING namamayagpag ang mga smuggler at cartel sa mga produktong agrikultura partikular sa bigas dahil walang political will si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ito ang sinabi ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa pamumuno ni Danilo Ramos, chairman ng KMP, dahil puro pitik lamang ang ginagawa ng pamahalaan laban sa mga sindikato na pumapatay sa lokal na mga magsasaka at nagpapahirap sa mga Pilipino. Ayon pa sa grupong ito, kailangang magkaroon ng political will at sinseridad ang Pangulo para labanan ang talamak na…

Read More

PANIBAGONG ONLINE SCAM ISINUMBONG SA AMIN

RAPIDO ni PATRICK TULFO MULI na naman kaming nakatanggap ng mga reklamo na may kinalaman sa online scam. Ayon sa complainants na nanggaling pa sa lalawigan ng Bulacan, nakilala nila ang umano’y scammer sa pamamagitan ng social media. Ang scam ay tinawag na paluwagan kung saan ang perang ipinasok ng mga biktima ay malaki ang tubo. And since I am no stranger to scams, pinagsabihan po ng inyong lingkod ang mga biktima na tinawag kong “willing vicitims”. Dahil kahit na alam ng mga ito ang panganib na kanilang pinasok ay…

Read More