CLICKBAIT ni JO BARLIZO BAKIT ang isang payak at simpleng bayan ay nakaladkad sa kontrobersyang birth certificate for sale para sa lokal o dayuhan? May kwento raw na maikakabit dito. Ang Lake Mainit ay matatagpuan sa Surigao del Norte. Noong 2021, ayon sa imbestigasyon, may nagngangalang David Lee Zarate ang nagpakilala na doktor at nag-aalok ng mga donasyong medical supplies at equipment na galing sa World Medical Relief Incorporated (WMR), isang charitable organization na base sa Michigan, U.S.A. Ang nasabing kompanya ay may partner dito sa Pilipinas, ang The World…
Read MoreDay: November 17, 2023
SI CONG. SONNY LAGON AT ‘ALAGANG NANAY’ NI PINEDA
TARGET ni KA REX CAYANONG NAGLABAS kamakailan ng resulta ang RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ng pagsusuri sa job performance ng party-list representatives ng ika-19 Kongreso. Pasok dito si Cong. Sonny “SL” Lagon na mayroong 82.4% na rating na naglagay sa kanya sa ika-8 na puwesto sa 63 ng kanyang mga kasamahan sa party-list. Ito ay isang matibay na patunay sa patuloy na sipag at dedikasyon ng Ako Bisaya Party-list sa pamumuno ni Lagon lalo na sa pagbibigay ng serbisyong para sa sambayanan. Sa pangyayaring ito, pinatutunayan ng…
Read MoreLTO LUGI NG P37-B
MAKARAANG umabot sa mahigit P37 bilyon ang pagkalugi sa kita sana ng pamahalaan, ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘No Registration, No Travel’ Policy para mapilitan ang mga delingkwenteng may-ari ng sasakyan na magparehistro. Nabatid mula kay Mendoza ang mahigpit na pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy matapos na ang pagsusuri sa datos ng ahensya ay nabunyag na 65% ng mga sasakyang de-motor sa bansa ay nauuri bilang delinquent, o ang mga may-ari ng alinmang sasakyan, na…
Read MoreCHR NILINAW ANG POSISYON KAUGNAY SA ABORTION
NAGLABAS na ng opisyal na posisyon ang Commission on Human Rights kaugnay sa usapin ng abortion. Ito ay makaraang ipagpaliban ng Senado ang pagtalakay sa kanilang proposed 2024 budget nang hindi makapagbigay ng malinaw na stand sa isinusulong na decriminalization ng abortion. Sa sulat na ipinadala ng CHR kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nanindigan ang ahensya na tutol sila sa abortion maliban na lamang sa mga kaso na kinakailangan itong gawin for medical reasons. Pirmado nina CHR chairperson Richard Palpal-latoc, Commissioners Beda Epres at Monina Zenarosa ang sulat. Ipinaliwanag…
Read MoreNTF-ELCAC PINABUBUWAG NG UN SPECIAL RAPPORTEUR
POSIBLENG misinformed si UN Special Rapporteur Dr. Ian Fry sa tunay na mandato ng NTF-ELCAC kaya’t inirekomenda ang pagbuwag sa task force. Ito ang binigyang-diin ni Senador Ronald Bato dela Rosa sa pagsasabing posibleng si Fry na ang pinaka-misinformed na dayuhan na nagtungo sa bansa. Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Reconciliation and Unity, sinabi ni dela Rosa na posibleng ang naririnig lamang ng rapporteur ay ang mga impormasyong ipinararating sa kanya ng mga kritiko ng gobyerno at hindi napapakinggan ang pamahalaan.…
Read MoreIMPEACHMENT VS SARA MAUGONG SA KAMARA
PINAG-UUSAPAN na umano ng mga congressman ang pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte dahil sa P125 milion confidential funds na ginastos nito sa loob lamang ng 11 araw noong 2022. Ito ang kinumpirma ni House Deputy Minority Leader France Castro subalit ‘premature’ o hindi pa hinog sa panahon kaya may mga mambabatas ang hindi pa seryoso sa pagpapatalsik kay Duterte. “The supposed talks on impeachment now are mere discussions of some congressmen and not a serious move against Vice-President Sara Duterte,” ani Castro, kung saan maging sa kanilang grupo ay…
Read MoreMIF MAGIGING ‘PERSONAL WALLET’ NG CRONIES NI BBM
MAGIGING “pesonal wallet” lamang umano ng cronies at kabarkada ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil pinalabnaw ang kapangyarihan ng Audit Committee na magbabantay sa investment ng Maharlika Investment Corporation (MIC). Ito ang opinyon ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas matapos mabusisi ang bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 o Republic Act (RA) 11945. “Maharlika Fund’s new IRR waters down the powers of the Audit Committee, makes public funds a ‘personal wallet of cronies’,” ani Brosas, dahil…
Read More5 PASAHERO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA
QUEZON – Nailigtas ng lokal na mga mangingisda ang limang pasahero ng isang bagka na lumubog sa karagatan sakop ng bayan ng Polillo sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa report ng Philippine Coast Guard – Southern Tagalog District, patungo sa port sa Real, Quezon ang motorbanca upang mag-deliver ng isda nang abutan ito ng masungit na panahon sa karagatan malapit sa Sitio Macnit, Brgy. Languyin, Polillo dakong alas-3:00 ng hapon. Sakay nito ang limang mangingisda na kinilalang sina Engelbert Negrite, Buddy Torres, Botan Espesua, Renzy Naredo at…
Read More2 PATAY SA PAMAMARIL SA LOOB NG BUS
NUEVA ECIJA – Patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring pamamaril na ikinamatay ng dalawang pasahero ng tumatakbong Victory Liner bus sa bayan ng Carranglan sa lalawigang nito, noong Miyerkoles ng hapon. Ayon kay Police Chief Master Sergeant Vincent Castañeda ng Carranglan Police, may lead na sila sa kaso, bagama’t hindi pa aniya pwedeng ilabas habang patuloy pang nangangalap ng iba pang mga impormasyon. Hawak na rin nila ang dash cam video kung saan nakita ang pamamaril ng dalawang suspek na isang naka-camouflage at isang naka-face mask.…
Read More