NAGSAGAWA ang ATEACHER partylist ng isang makulay at masiglang motorcade sa Lungsod Ng Maynila upang ihatid mismo ang mga programang ikabubuti ng sambayanang Pilipino.
Buong suporta rin ang inihayag ng halos lahat ng mga barangay chairman at lokal na opisyal para sa nominadong si Virginia Rodriguez sa darating na May 12 National and Local elections.
Ang Ateacher na nangunguna ngayon sa poll surveys ay umiikot sa iba’t ibang siyudad sa bansa upang personal na ihatid sa mamamayan ang mga programang tunay na nakatutulong sa bawat Pilipino na hindi humihingi ng kapalit.
Buong pusong nagpapasalamat naman si Ms. Rodriguez sa ipinakitang pagsuporta sa ATEACHER partylist ng mga barangay chairman at mga MANILENO sa pamamagitan ng pagboto rito bilang kinatawan ng maliliit na mamamayan tulad ng mga guro, estudyante, magsasaka, at ordinaryong tao sa eleksyon sa Lunes.
Nakiisa sa motorcade sa buong Kamaynilaan ang daang-daang riders at sinalubong sila ni Rodriguez ng mga confetti.
Tiniyak naman ni Ms. Rodriguez na makaaabot sa kanila ang mga ipinangako nito na walang Pilipinong magugutom.
