3K PULIS MAGBABANTAY SA ELEKSYON SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa halos 3,000 puwersa ng seguridad at katuwang na mga ahensiya ng pamahalaan, ang ipakakalat sa buong lalawigan bilang paghahanda sa National Midterm and Local Election sa Mayo 12.

Sa pangunguna nina Acting Provincial Director Police Colonel Dwight E. Alegre at Atty. Mitzele Veron Morales-Castro, Provincial Election Supervisor, isinagawa ng Cavite Police Provincial Office (PPO) ang send-off ceremony sa mga awtoridad, katuwang ang mga opisyal mula sa AFP, PCG, SWAT, BFP at RSU at iba’t ibang advocacy support groups, na ginanap sa Camp Gen. Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite.

Layon ng seremonya na ipakita sa komunidad na handa ang pulisya, katuwang ang AFP at iba pang mga ahensiya ng gobyerno na tutulong sa nalalapit na eleksiyon.

Halos 3,000 puwersa, kabilang ang 2,453 na pulis, 57 na sundalo, 21 na Coast Guard members, 46 na bumbero at 257 mula sa support groups, ang ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Cavite para magbantay sa isasagawang halalan sa lalawigan.

(SIGFRED ADSUARA)

67

Related posts

Leave a Comment