ANG HOUSE BILL 9800 NG ACT-CIS PARTY-LIST

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na ang edukasyon ay itinuturing na pundasyon ng progresibong lipunan at tagapagsulong ng pagbabago. Isa itong mahalagang bahagi ng bawat indibidwal, sapagkat nagbubukas ito ng mga pintuan ng kaalaman, kakayahan, at oportunidad. Sa pamamagitan ng edukasyon, nabibigyan ang mga mag-aaral ng kakayahan na maunawaan ang kanilang sarili at ang kanilang paligid. Ito’y isang proseso ng pagtuklas, pagsusuri, at pag-unlad ng kanilang mga abilidad at kasanayan. Ang edukasyon ay hindi lamang naglalayon na punan ang mga iskolar ng impormasyon kundi pati na rin ang…

Read More

113 LOYALTY AWARDEES, POST GRADUATE 58 CUSTOMS OFFICERS, BINATI NI RUBIO

BINATI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang 113 loyalty awardees at 58 customs officers na nakakumpleto ng kanilang post-graduate degrees noong 2023, sa ginanap na 4th flag-raising ce­remony ng Bureau of Customs (BOC) para sa taong 2024. Sa kanyang mensahe, inihayag ni Rubio ang kanyang pagbati at paghanga sa dedicated officers ng BOC. Sinabi ni Rubio na, “I have been thinking about the best way to extend my appreciation, but no words will suffice to express my profound gratitude for your hard work and dedication. One…

Read More

Paglaban sa smuggling palalakasin 2024 BOC P959-B COLLECTION TARGET, SISIKAPING ABUTIN

PINAGTIBAY ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang pangako ng bureau na maabot ang kanilang P959 billion collection target para sa calendar year 2024, at inihayag na pinaigting ang pagsisikap laban sa smuggling, sa pagbisita ni Finance Secretary Ralph G. Recto sa BOC noong Enero 24, 2024. Binalangkas ni Commissioner Rubio ang mga estratehiya ng bureau upang ma­dagdagan ang koleksyon ng 15 hanggang 20% ngayong 2024 sa pamamagitan ng pagi­ging mapagbantay at patuloy na pagpapabuti sa mga proyekto ng modernisasyon. Aniya, susi sa mga inis­yatibang ito ang…

Read More

MGA PROGRAMANG NAKATUTULONG SA MARAMING PILIPINO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO WALANG mabilis na solusyon para agarang mapabuti ang buhay ng napakarami pang Pilipino. Ayon sa isinagawang survey ng OCTA Research noong nakaraang buwan, bahagya namang bumaba nitong huling tatlong buwan ng 2023, ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap. Katumbas ito ng 45 porsyentong Pilipino o 11.9 million, na mas mababa nang kaunti sa 46 porsyento o 12.1 milyong Pilipino noong Oktubre. Pero kung usapin naman ng involuntary hunger ang titingnan, tumaas ito sa 14 porsyento o nasa 3.7…

Read More

HACIENDA NG MGA YULO EXEMPTED SA CARP?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TATLUMPU’T limang taon nang lumalaban ang mga magsasaka para sa kanilang karapatan sa binubungkal na lupa sa mga bayan ng Coron at Busuanga. Mga lupang sinasaka na habambuhay man nilang bungkalin ay hindi magiging kanila. Hindi rin kayang puwersahin ng Republic Act 6657, o ang Comprehensive Agrarian Reform Law, ang pamilyang pilit na umaangkin sa Yulo King Ranch na sumasakop sa 40,000 hectares sa loob ng mga bayan ng Busuanga at Coron sa lalawigan ng Palawan. Ayon sa isang career official ng Department of Environment and…

Read More

RAMDAM N’YO NA BA ‘SHRINKFLATION’?

EDITORIAL LUMIIT ba ang sukat o nabawasan ang laman ng mga produktong binibili mo? Huwag nang magtaka dahil totoo ang “shrinkflation” sa bansa. Ang “shrinkflation” ay patagong dagdag-presyo sa pamamagitan ng pagbabawas ng laman ng produkto pero pareho lang ang presyo. Nauna nang nagbabala ang Department of Trade and Industry sa mga manufacturer na bawal ang “shrinkflation”, ngunit kumambyo. Wala raw nakikitang mali ang DTI sa parehong presyo ng ilang produkto kahit nabawasan ang laman ng mga ito basta huwag hahantong sa labis na singil. Ayon kay Trade Assistant Secretary…

Read More

9 TERROR GROUP MEMBERS PATAY, 4 SUNDALO SUGATAN SA SAGUPAAN

PATULOY na binabantayan ng Philippine Army ang apat nilang mga tauhan na malubhang nasugatan matapos ang dalawang araw na pakikipagsagupa sa hanay ng Dawlah Islamiyah terror group, na ikinamatay ng siyam na terorista sa Lanao del Sur. Ayon sa ulat na ipinarating kay Army Commanding General Lt. General Roy Galido, nakasagupa ng kanilang 3rd Scout Ranger Battalion, na nasa ilalim ng 103rd Infantry (Haribon) Brigade, 1st Infantry Division, ang isang malaking grupo ng mga armadong kasapi ng Dawlah Islamiyah sa Barangay Tapurong, Piagapo, Lanao del Sur. Nagresulta ito sa serye…

Read More

SHELLFISH SA 8 BAYBAYIN KONTAMINADO NG RED TIDE

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na umiwas kumain ng shellfish gaya ng tahong, talaba at alamang dahil walong baybayin sa bansa ang kontaminado ng red tide. Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang nasabing mga shellfish mula sa baybayin ng Dauis at Tagbilaran sa Bohol, Dumaquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Lianga Bay sa Surigao del Sur, San Benito sa Surigao del Norte, Milagros sa Masbate, San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar. Pinag-iingat ng ahensya ang pagkain ng mga…

Read More

CAYETANO UMAPELA SA MGA MAMBABATAS UKOL SA PEOPLE’S INITIATIVE

“LET’S not burn the house down.” Ito ang apela ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives at sa Senado nitong Biyernes sa gitna ng pagtatangka ng Kamara na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI). Sa isang panayam sa media pagkatapos ng groundbreaking ceremony ng mga bagong crime laboratories ng Philippine National Police kung saan siya ang guest speaker, sinabi ni Cayetano na kasing-halaga ng proseso ang resulta sa Charter amendment. “What I learned in politics is simple — it’s not…

Read More