Dapat palayasin sa Palasyo – netizens DISPLAY OF POWER NI FL LIZA PINALAGAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) Maldita, bastos at mayabang. Ilan lang ‘yan sa mga paglalarawang ibinato ng netizens sa maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng viral na eksena sa tradisyunal na Vin D’Honneur o Wine of Toast sa Palasyo ng Malakanyang kamakalawa ng gabi. Matapos ang flag raising at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal, pinangunahan ng mag-asawang Marcos ang Vin D’Honneur na dinaluhan ng matataas na opisyal ng gobyerno, dating presidential families, miyembro ng Kongreso, hudikatura, diplomatic corps, at private sector. Ngunit sa isang pagkakataon…

Read More

LOYALTY CHECK PAKAY NG BAGONG PILIPINAS HYMN?

NANINIWALA ang isang miyembro ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pang-loyalty check ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa local executives ang Memorandum Circular (MC) No. 52 o pagsama sa Bagong Pilipinas hymn sa kanilang lingguhang flag ceremony. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, hindi kasama ang Local Government Units (LGUs) sa mga inoobligang sumunod sa nasabing MC kundi hinihikayat lamang ang mga ito na tumalima. “Ine-encourage lang ang mga LGUs (na sumunod). Ano ba ‘to, checking? Tsinesek ba niya kung sino kaya sa mga LGU…

Read More

RED-TAGGING FLYERS NG AFP PWEDENG MAUWI SA ARBITRARY LABELING – CHR

NAGPAHAYAG ng labis na pag-aalala ang Commission on Human Rights (CHR) sa ulat na namahagi ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng “red-tagging pamphlets” sa mga estudyante sa kamakailan lamang na seminar na idinaos sa Taytay Senior High School sa Rizal. “The pamphlets seemed to point out that the recruiters of the Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) “could be found at protests” and are “teaching people to despise government,” ayon sa CHR. Sa isang kalatas, sinabi ng CHR na ang pamamahagi…

Read More

Ibayong pag-iingat paalala ni Tolentino sa mga mangingisda, sundalo ‘NO TRESPASSING’ POLICY SA WPS NAKAUMANG NA

PINAG-IINGAT ni Senador Tol Tolentino ang mga mangingisda at sundalong nagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas laban sa posibleng dagdag na panggigipit ng China. Mula bukas, June 15, ipatutupad ng China ang polisiya nito na hulihin at ikulong ng isang buwan ang sinomang papasok sa itinuturing nilang teritoryo. “Ipagdasal natin ang ating mga sundalo at mangingisda laban sa walang tigil na paninikil ng China. Sa Zambales at sa Palawan, at hindi lang yung sa BRP Sierra Madre,” diin ni Senador Tol. Dagdag pa ng senador, dapat nang patibayin ang naval defense…

Read More

MAGING PILIPINO SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang selebrasyon ng taunang paggunita ng Araw ng Kalayaan pero hindi makalaya sa mapaglarong utak ng mga Pinoy ang panaghoy ni Pangulong Marcos Jr. na maraming kabataan ngayon ang hindi alam ang kasaysayan ng GomBurZa. Sabi ng Pangulo, nakalulungkot isipin na marami sa mga kabataan ngayon ang hindi kilala ang GomBurZa. Nakalimot na sila sa lahat ng pinagdaanan ng ating bansa upang magkaroon ng kasarinlan, aniya pa. Ang GomBurZa ay pinaikli para sa mga pangalan ng mga martir na paring sina Mariano Gomez, Jose…

Read More

KAHUSAYAN NINA PBBM AT SPEAKER MARTIN SA PAGTUGON SA EL NIÑO

TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng matinding epekto ng El Niño sa rehiyon ng Cagayan Valley, muling ipinakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang malasakit sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang apektado ng tagtuyot. Sa isang programa sa Ilagan City Community Center nitong Lunes, Hunyo 10, personal na nag-abot ng tulong ang Pangulo sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng kalamidad na ito. Hindi matatawaran ang dedikasyon ng administrasyon sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad. Kasama sa mga ipinamahaging tulong ang mga makinaryang pangsaka…

Read More

POLICE FORCE SINALUBONG NG ITAK SA KOJC RAID, 6 TIMBOG

ANIM na supporters ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ang arestado matapos salubungin ng itak ang mga pulis na magsisilbi ng arrest warrant sa Davao City. Ayon sa Police Regional Office XI, sa kasagsagan ng pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga pulis laban kay Quiboloy sa Glory Mountain sa Brgy. Tamayong, Calinan, Davao City, hinarang ang mga awtoridad ng mga tagasuporta ng pastor kaya inaresto ang anim sa mga ito. Sinugod din umano ng mga nahuling lalaki ang mga pulis gamit ang kanilang mga itak. Dalawang menor-de-edad…

Read More

P595-M SMUGGLED CIGARETTES, GINUTAY-GUTAY

PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga ang pagsira sa mahigit P595 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa inuupahang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City nitong Hunyo 13. Bunsod ito ng pinaigting na anti-smuggling campaign sa Region 9 at BARMM na nagresulta sa pagkumpiska at pagsira sa mahigit 8,816 cases at 1,014 reams ng ismagel na sigarilyo. Nasabat ang nasabing kontrabando sa pamamagitan ng maritime patrol operations sa iba’t ibang lugar sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi mula Nobyembre 2023 hanggang Abril 2024. Ang mga sigarilyo ay…

Read More

BULKANG KANLAON NAKATAAS PA RIN SA ALERT LEVEL 2

NAKATAAS sa alert level 2 status ang bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes. Nabatid sa Phivolcs, iniulat ang isang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan nitong Huwebes. Iniulat din ng Phivolcs ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may 300 metrong taas at ang pamamaga ng bulkan. Sinabi pa sa Phivolcs, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ). Hindi rin pinahihintulutan ang paglipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok…

Read More