BBM BINALAAN SA POLITICAL ACCOMMODATION SA DEPED

BAGAMA’T wala pang pinapangalanan kung sino ang ipapalit kay Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd), binalaan ng isang mambabatas sa Kamara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na huwag gawing pambayad pulitika ang nasabing posisyon. Sa press conference kahapon ng Makabayan bloc, sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na napaka-importante ang nasabing ahensya kaya hindi aniya dapat ito ipagkatiwala sa politikong pinagkakautangan ng loob ni Marcos noong nakaraang eleksyon. “Kung magtatalaga ng Secretary of Education sana naman huwag political accommodation. Baka kung sino-sino na naman ang…

Read More

Kaya binu-bully Pilipinas GOBYERNO CORRUPT, WEAK

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ITINURO ng dating kalihim ng Department of National Defense (DND) ang pagiging mahina ng Pilipinas at talamak na korupsyon sa gobyerno kaya hindi nirerespeto ng ibang mga bansa at binu-bully ng China. Ang pinakahuling pambabraso ng Chinese Coast Guard ay nagdulot umano ng mga pagkasugat ng ilang mga sundalong Pilipino kaya mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP), DND at Department of Foreign Affairs (DFA). Ngunit ayon sa dating kalihim ng DND at National Security Adviser sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na…

Read More

Base sa PISA assessment ESTUDYANTENG PINOY MAHINA SA CREATIVE THINKING

NAHUHULI na ang mga estudyante ng Pilipinas pagdating sa ‘creative thinking’ kumpara sa mga estudyante sa ibang bansa. Sa katunayan, makikita ito sa 2022 cycle ng Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan sinukat ang ‘creative thinking’ o “ability to generate, evaluate and improve ideas to produce original and effective solutions, advance knowledge and create impactful expressions of imagination” ng isang 15 taong gulang na estudyante. Sa iskor na 14, ang Pilipinas ay nasa 60 rank mula sa 62 mga bansa at ekonomiya na sumali sa assessment. “Students in…

Read More

PAGLAGANAP NG TUBERCULOSIS NAKABABAHALA

MATAGAL nang nilalabanan ng Pilipinas ang mga infectious disease at naglunsad na ang pamahalaan – partikular ang Department of Health (DOH) ng mga programa para maiwasan ang mga casualty. Sa datos na tinipon ng Statistica, isang global organization na gumagawa ng statistical research, ang respiratory ailment ay nangungunang killer infectious disease sa bansa. Partikular na ipinahiwatig dito na ang Tuberculosis o TB, isang nakakahawang sakit sa baga. Ang TB ay mabilis na naililipat sa ibang tao sa pamamagitan ng hanging hininga kapag ang may TB ay umubo, bumahin o dumura.…

Read More

Para magpaputok sa Ayungin Shoal PINAS INUUROT NG CHINA

PLANO ng China na kumagat ang mga tauhan ng Philippine Navy sa kanilang bitag at mapilitan ang mga sundalo na unang magpaputok upang sa huli ay masisi sakaling mauwi ang tensyon sa West Philippine Sea sa shooting war kasunod ng nangyaring kaguluhan sa pinakahuling rotation and resupply mission sa may Ayungin Shoal nitong Lunes. Ayon kay Commodore Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesperson on West Philippine Sea, may mga nakaalalay na missile boat ang China subalit hindi nila ginagamit. “Because this should never get into a shooting war but they…

Read More

BLINKEN, MANALO NAGPULONG SA INSIDENTE SA AYUNGIN SHOAL

PINAG-USAPAN nina U.S. Secretary of State Antony Blinken at Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo ang naging aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS), kapwa tinawag ng mga ito na ‘escalatory.’ Kinondena ng Britain, Canada at Estados Unidos ang hakbang ng Tsina kung saan ipinag-uutos nito na ikulong ang trespassers nang walang paglilitis na naging epektibo noong Hunyo 15. Inaangkin ng Tsina ang halos buong WPS kabilang na ang Second Thomas Shoal, kung saan pinapanatili ng Pilipinas ang isang warship, ang Sierra Madre, na nakasadsad simula pa noong 1999 para…

Read More

SEX ORGY ORGANIZER HULI SA ECSTASY BUY-BUST OPS SA PASIG

TIMBOG ang notorious na ecstasy drug pusher at kilalang organizer ng sex orgy sessions sa isang buy-bust operation na ikinasa ng National Capital Region Police Office, Special Operations Unit (NCRPO-SOU) nitong Miyerkoles ng gabi sa Pasig City. Kinilala ang suspek na si Jade Christian Regalario alias “Jade” ng No. 6 Tyler Street Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal. Sa ulat, ikinasa ng NCRPO-SOU, sa pamumuno ni P/Lt. Michael Maraggun, ang buy-bust operation matapos makatanggap ng impormasyon sa kanilang tipster na si Regalario ay nasa area at nagsasagawa ng kanyang kalakal. Dinamba…

Read More

GULONG NG TRUCK SUMABOG, KAGAWAD PATAY

CAGAYAN – Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isang tauhan ng vulcanizing shop matapos mauwi sa kamatayan ng motorcycle rider na isang barangay kagawad, ang pagsabog ng gulong ng truck na bino-vulcanize nito sa lalawigan. Kinilala ang vulcanizing crew na si Edison Garcia, 44-anyos, residente ng bayan ng Camalaniugan ng nasabing lalawigan Habang ang biktima ay kinilalang si Demi Balianca, 67-anyos, barangy kagawad ng Cullit, Lal-lo, Cagayan. Ayon kay PCapt. Jessie Alonzo, hepe ng Camalaniugan Police, matinding napinsala ang katawan ng biktima nang sumabog ang gulong ng…

Read More

RANK 8 MWP REGIONAL LEVEL, HULI SA CAMSUR

NAGTUNGO sa probinsya ng Camarines Sur ang mga operatiba ng Silang Municipal Police Station (MPS) upang maaresto ang isang rank no.8 most wanted person, regional level, sa kasong murder noong Miyerkoles ng gabi. Nasa kustodiya na ng Silang MPS ang suspek na si alyas “Jim”, ng Brgy. Balubad 1st, Silang, Cavite. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Silang MPS na ang suspek ay nagtatago sa Barangay Manguiring, Calabanga, Camarines Sur. Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Andy S. De Vera, ng Regional Trial Court Branch…

Read More