PETISYON NI BANTAG SUPALPAL SA CA

SINUPALPAL ng Court of Appeals (CA) ang petition for certiorari na inihain ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag para ideklarang inosente siya sa kasong pagpatay kay broadcast-journalist Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa at iba pa noong 2022. Base sa ipinalabas na resolution ng CA 2nd Division na nilagdaan ni Associate Justice Ronald Merlin, tahasan nitong ibinasura ang apela ng dating opisyal sa katwirang dapat munang ihain ang petisyon o apela sa tanggapan ng general prosecutor para sa pagsusuri bago ang pag-endorso sa Office of the Solicitor General (OSG).…

Read More

DU30, DELA ROSA IIMBITAHAN SA EJK HEARING SA KAMARA

IIMBITAHAN ng House committee on justice sina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa isinagawang pagdinig sa extra judicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war-on-drugs. Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng komite kahapon, 26 ina, lola at anak ng mga biktima ng EJK ang humarap kung saan madamdaming idinetalye ng mga ito ang karumal-dumal na sinapit umano ng kanilang mga mahal sa buhay sa kamay ng mga pulis. Unang tinanong ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang mga abogado ng Rise Up na tumutulong sa mga kaanak…

Read More

PAG-AALAGA SA PROTECTED AREAS ISINULONG NI VILLAR

TINUKOY ni Sen. Cynthia Villar ang kahalagahan ng innovative approaches at collaborative efforts para sa ating mga protektadong lugar. Dumalo bilang Guest Speaker ang chairperson ng Senate committees on environment and natural resources sa 3rd National Protected Area Conference na inorganisa ng DENR–Biodiversity Management Bureau (BMB) na ginanap kahapon sa Crowne Plaza Hotel sa Quezon City. (DANNY BACOLOD) 36

Read More

BABAE TUMALON SA RILES NG LRT 1

SANDALING naantala ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT- 1) nang tumalon at umupo sa gitna ng riles ng tren ang isang babae sa southbound lane sa Doroteo Jose, Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila nitong Martes ng hapon. Masuwerte namang walang masamang nangyari sa hindi pa nakikilalang babae na edad 40 hanggang 50-anyos. Base sa ulat ng management ng Light Rail Manila Corporation, bandang alas-12:42 ng hapon nang mangyari ang insidente. Sa Facebook post na in-upload ng isang netizen, bigla umanong tumalon at umupo sa gitna ng riles ang pasaherong…

Read More

Niluluto sa midterm elections? 3 DUTERTE SA SENADO

POSIBLENG sama-samang tumakbo sa Senado ang tatlo sa kanilang pamilya ayon kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay VP Sara, kinokonsidera ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo bilang senador gayundin ang mga kapatid niyang sina Davao City 1st District Rep. Paolo “Polong” at Davao City Mayor Sebastian “Baste”. Noong 2021 ay nagpahayag na rin ang dating pangulo ng planong pagtakbo sa Senado. Ayon pa kay VP Sara, napipisil nila si Mayor Baste na patakbuhin sa pagka-presidente sa 2028 habang siya ay nagbabalak bumalik bilang alkalde ng Davao…

Read More

Duterte ginagamit sa publicity – Baste BONG GO, TUSO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINALAAN ng ilang netizens ang publiko sa ‘galawang Bong Go’ na anila’y isang tuso. Reaksyon ito sa social media kaugnay pa rin ng mga patutsada ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte kay Sen. Bong Go kamakailan. Para sa ilan, maitutulad sa sugal na magaling maglaro si Go at alam nito kung saan pupusta. Ang pagiging tuso umano nito ang dahilan kaya ito tumagal sa poder ng dating Pangulo. Sa Hakbang ng Maisug rally kamakailan sa Pampanga, may halong hinanakit at panunumbat ang mga tirada ni…

Read More

LOOKOUT BULLETIN VS GUO INIUTOS NG DOJ

IPINAG-UTOS kahapon ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration (BI) na maglabas ng look-out bulletin laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa. Ito’y upang tiyakin na hindi sila makagagalaw ng anomang labag sa panuntunan ng batas matapos ang pagsasampa rito ng mga kasong kriminal sa korte. Natanggap ni BI Commissioner Norman Tansingco ang nasabing kautusan noong June 21 upang masiguro na hindi rin tatakas palabas ng bansa ang nasuspindeng alkalde kasama ang isang Guo Hua Ping at 17 iba pa. Sa nasabing kautusan, inalerto ang…

Read More

Netizens kay Speaker Martin: Pera mo ba ‘yan? ROMUALDEZ RICE AMOY KORUPSYON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMIKOT kahapon sa social media ang mga larawan ng Romualdez rice na ipinamamahagi umano ng kampo ni House Speaker Martin Romualdez. Maraming netizens ang tumaas ang kilay dahil malinaw anilang maaga itong pangangampanya. Ngunit ang pinakamahalagang tanong anila ay kung saan galing ang pondong ibinili ng bigas at anong kalidad nito. Kung nagmula anila sa sariling pera ni Romualdez ay walang problema ngunit kung galing sa kaban ng bayan ay malinaw na isang uri ito ng korupsyon. “Ano ba ang lasa ng “Romualdez rice?” LASANG NAKAW…

Read More

KUWAIT BUKAS NA ULIT PARA SA OFWs

AKOOFW ni DR. CHIE UMANDAP MAGKAHALONG tuwa at pangamba ang naramdaman ng mga OFW sa Kuwait matapos na mapabalita ang muling pagbubukas ng pinto ng bansang Kuwait para sa mga OFW mula sa buwan ng Hulyo ngayong taon. Maraming mga konektado sa recruitment industry ang tila nagpiyesta sa kaligayahan dahil nga naman sa matagal na pagkawala ng malaking sektor na kanilang pinagkakakitaan. Bagaman marami sa kanila ay hindi naman nahinto sa negosyo dahil kumuha sila ng kapalit na mga aplikante mula sa Nepal, India at Africa, pero ayon na rin…

Read More