(BERNARD TAGUINOD) ‘INSENSITIVE’ para sa grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang P20 million na gastos sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa July 22. “This is so insensitive to the everyday struggles of Filipinos that is the main agenda of the SONA. This isn’t the MET gala. This is the Marcos brand of vlogger governance: dazzle your audience to hide the real, rotten state of the nation,” ani Renee Co, executive vice president ng Kabataan party-list. Unang sinabi ni House Secretary…
Read MoreDay: July 11, 2024
MAGNITUDE 7.1 LINDOL TUMAMA SA SULTAN KUDARAT
NIYANIG ng magnitude 7.1 earthquake ang bayan ng Palimbang sa lalawigan ng Sultan Kudarat nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naganap ang tectonic earthquake ng alas-10:13 ng umaga. Batay sa update ng Phivolcs, natukoy ang lokasyon ng lindol eksaktong 05.75°N, 123.08°E – 133 km S 67° W ng Palimbang. Unang iniulat na ang lindol na tumama sa Sultan Kudarat ay nasa magnitude 6.5, at may depth of focus na 651 kilometers. Ayon sa tala ng Phivolcs na naramdaman din ang Intensity IV sa…
Read MorePAGCOR, BUKAS SA PAGPAPATUPAD NG TOTAL BAN SA POGO
KINUMPIRMA ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na bukas sila sa posibilidad ng pagpapatupad ng total ban sa mga POGO sa bansa kasunod ng mga naiuulat na krimeng dulot nito. Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Tengco na nakahanda silang sumuporta kung magpapasya ang Malakanyang na palayasin na sa bansa ang mga POGO. Ang tanging iniisip lamang anya nila ay ang posibleng mawawalang revenue mula sa POGO at ang trabaho para sa may 200,000 manggagawa nito. Una nang inirekomenda ni Finance Secretary Ralph Recto sa Malakanyang ang pagpapatupad ng total ban…
Read MoreFISHING BOAT BINANGGA SA LAOT, 1 MISSING
INATASAN ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L. Gavan, ang BRP Sindangan (MRRV-4407) na magsagawa ng search and rescue (SAR) operation para sa nawawalang mangingisdang Pilipino sa karagatan ng southeast ng Sampaloc Point sa Subic, Zambales. Sinabi ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, ang Filipino fishing boat, FBCA John Robert, ay binangga ng hindi pa natutukoy na sasakyang-dagat, dahilan para ito ay lumubog. “47-year-old Robert Mondoñedo survived the incident but his brother, Jose Mondoñedo, remains missing,” sabi ni CG Rear Admiral Balilo. Noong Hulyo…
Read MoreP4P KONTRA KONSYUMER AT KONTRA PROGRESO
BISTADOR RUDY SIM KAILANGAN nating ilabas ang katotohanan tungkol sa Power 4 People (P4P) coalition at ang dahilan kung bakit sila mismo ang magdudulot ng problema sa ating mga konsyumer. Katulad ng sinabi ko sa nakaraang kolum, nangunguna ang P4P sa pagkontra sa pagkakaroon ng karagdagang suplay ng kuryente sa Pilipinas at paborito nga nilang banatan ang Meralco. Tila ang gusto ng grupong ito ay matulad ang Meralco sa ibang problemadong distribyutor ng kuryente sa bansa, na hindi kayang suportahan ang pangangailangan ng mga konsyumer. Todo kontra itong Power 4 Pundido…
Read MoreSORRY ‘DI KAILANGAN SA PAGTATAKDA NG HANGGANAN, SIKAT MAN O HINDI
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAHALAGANG malaman natin ang kahalagahan ng respeto at pagkapribado. Umaasa ang miyembro ng BINI na si Aiah Arceta, na igagalang ng mga tao ang kanilang personal space, matapos ang isang insidente sa Cebu kamakailan sa break ng grupo pagkatapos ng kanilang “BINIverse” concert. Gayunpaman, nag-viral sa social media ang isang video kung saan mukhang napakalapit ng isang lalaki kay Arceta habang naglalakad ito sa isang bar kasama ang kanyang mga kaibigan. Nangyari rin umano ito sa isa pang miyembro ng BINI na si Maloi…
Read MoreANG PABUYA NI DILG SEC. BENHUR ABALOS PARA SA IKADARAKIP NI PASTOR QUIBOLOY
TARGET NI KA REX CAYANONG ANG komunidad ay nananatiling isang mahalagang bahagi ng pundasyon ng ating criminal justice system. Iginiit nga ng Department of Justice (DOJ) ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat sektor sa lipunan, kabilang ang pribadong sektor, sa pagganap ng kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan at hustisya. Isang kontrobersyal na isyu ngayon ang P10 milyong pabuya mula sa pribadong sektor para sa agarang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ. Ang alok na ito ay nagbunsod ng mga katanungan mula sa kampo ni…
Read MoreP35 DAGDAG MINIMUM WAGE SA NCR HINDI SAPAT SA MANGGAGAWA
BAGAMAN isang positibong hakbang ang dagdag P35 sa minimum wage sa Metro Manila ay hindi ito sasapat para sa araw-araw na gastusin ng mga manggagawa. Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, isinaalang-alang din ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pagpapasya sa wage hike ang kakayahan ng mga employer. Sinabi ni Javier na sa mga susunod na dagdag pasahod, dapat ay sapat na para sa mga nagtatrabaho, at “sustainable” o mapananatili at masusuportahan ng mga employer at nagnenegosyo. Mas mainam din aniya kung…
Read More3 PANG EX-CABINET MEMBERS DINADAWIT SA IREGULARIDAD
TATLO pang miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang idinadawit sa iba’t ibang anomalya. Ibinunyag ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco sa Senate hearing kamakailan na si dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque ay lumapit sa kanya para ipakiusap ang isang POGO site at maayos ang problema nito. Ayon kay Tengco, noong July 2023, nagtungo si Roque sa PAGCOR para ayusin ang atraso ng Lucky South 999. Si dating Economic Adviser Michael Yang naman ay ipinaaaresto na ng Kamara matapos hindi siputin ang hearing ng komite ng dangerous drugs…
Read More