RED-TAGGING BUHAY SA MARCOS JR. ADMIN

PATULOY ang pangre-red tag sa mga kritiko ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang paniniwala ni House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro kasabay ng pagkastigo kay National Security Adviser Eduardo Año dahil sa patuloy umano nitong pagpapalaganap ng disinformation at pangre-red tag. Ginawa ni Castro ang pahayag matapos sabihin umano ni Año na “nobody is above the law” kaugnay ng pagkondena ng mga ito sa sentensyang ipinataw sa kanila ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 sa kasong…

Read More

Sa Pharmally-POGO link kay Du30 RISA GUSTO LANG MAGPAPANSIN – PANELO

PARA kay dating presidential spokesman Salvador Panelo, isang malinaw na ‘media mileage’ ang intensyon ng pahayag ni Senator Risa Hontiveros na iniuugnay si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na Pharmally anomaly at illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Malinaw aniya na nais ni Hontiveros na mapakinabangan ang nasabing usapin para sa kanyang ‘political plans’ sa hinaharap. “Her apparent intention is to malign the character of PRRD and at the same time she wants to be politically relevant and preparing to run for a higher office. She always want to…

Read More

Miru-Comelec deal tadtad ng ‘red flags’ GARCIA PINAKO-CONTEMPT SA KORTE SUPREMA

(JULIET PACOT) HINILING kahapon ni dating Congressman Edgar Erice na i-contempt ng Korte Suprema si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia. Kaugnay ito ng P18 billion kontrata ng Comelec sa Miru para sa automated elections. Nauna nang sinabi ni Garcia na mapipilitan silang bumalik sa mano-manong botohan kapag ibinasura ng Korte Suprema ang kontrata sa Miru para sa 2025 midterm elections. Sa tatlong pahinang mosyon, iginiit ni Erice na dapat iginagalang ang magiging desisyon at hindi binabalaan ang Kataas-taasang Hukuman. Noong nakalipas na Abril ay nagsampa rin si…

Read More

DATING OFW DUMULOG SA AKO-OFW DAHIL SA LUMOLOBONG TIYAN

AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP HINDI naman buntis ang ating kabayani, ngunit patuloy ang paglaki ng kanyang tiyan na halos nahihirapan na siyang lumakad dahil sa bigat nito. Dumulog si OFW Estrelita sa AKO-OFW upang humingi ng tulong para sa pagpapa-examine sa doctor ng kanyang lumolobong tiyan. Agad naman kumilos ang AKO-OFW Kuwait Chapter upang magpadala ng kaunting halaga para sa gastusin sa pagpapa-CT Scan at consultation sa doctor. At ayon sa doctor, kailangan na ang agarang pagpapa-opera dahil posible nang pumutok at kumalat ang impeksyon sa loob…

Read More

TULONG NINA CONG. DE JESUS AT KAP GAMBOA SA BRGY. PULONG SANTOL, PORAC, PAMPANGA!

TARGET NI KA REX CAYANONG Ito ang ipinakikita ng Barangay Pulong Santol, Porac, Pampanga, sa kanilang lingguhang clean-up drive na pinangunahan ni Kapitan Romy Gamboa, kasama sina Kagawad Rico Santos at Ramon Mercado, mga barangay tanod, at mga miyembro ng 4Ps. Ang kanilang pagtutulungan ay isang patunay na kapag nagbubuklod ang komunidad, mas magiging malinis at maayos ang kapaligiran. Hindi lamang sa kalinisan nagtatapos ang pagtulong ng Barangay Pulong Santol. Ang kanilang mga programa ay umaabot pa sa iba’t ibang aspeto ng pangangailangan ng mga residente. Kamakailan, sa pakikipagtulungan ng United…

Read More

PAGGALANG SA MGA MAGULANG AT NAKATATANDA

At Your Service ni Ka Francis ANG paggalang sa mga magulang o nakatatanda ay nagsimula sa salitang latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay “paggalang o pagtingin muli” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa isang tao o bagay. Kilalang-kilala tayong mga Pilipino sa magkakaibang kultura, paniniwala at kaugalian, ngunit ang talagang nagpapakilala sa atin ay ang natatanging paraan ng pagbibigay respeto sa mga tao, partikular na sa mga matatanda. Katangian nating mga Pinoy na magsanay ng kabutihan sa murang edad. Ang…

Read More

BI, NBI PINAKILOS VS PEKENG BIRTH CERT NATIONWIDE

INATASAN ng chairman ng House committee on dangerous drugs ang Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) na suyurin ang buong bansa sa pekeng birth certificate na inisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga Chinese national. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kautusan matapos matuklasan ng NBI na hindi lamang 200 kundi 1,200 ang pekeng birth certificate na ibinigay sa mga Chinese national mula 2016 sa Sta. Cruz, Davao del Sur. “Kelangan umaksyon ang ating BI at NBI. Tingnan ang lahat ng…

Read More

18 ELITE MARINES SUMASABAK SA RIMPAC WAR GAMES

LABING-WALONG elite members ng Philippine Marines ang sumasabak ngayon sa ginaganap na Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise 2024 sa Hawaii Islands at Southern California, USA. Inihayag kahapon ni Marines Public Affairs Office Chief Captain Marites Alamil na makasasama ng mga sundalong Pinoy ang mga miyembro ng United States Marine Forces Pacific (USMARFORPAC) at iba pang marines at naval infantry sa naturang exercise. Ipinagmalaki pa ng Philippine Marines na ang Rim of the Pacific ay ang pinakamalaking international maritime exercise kung saan nagsasama-sama ang mga military forces mula sa iba’t-ibang…

Read More

3 INDIBIDWAL ARESTADO SA ORGAN TRAFFICKING

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal na sangkot umano sa organ trafficking sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, nakatanggap ng reklamo ang NBI-NCR hinggil sa mga indibidwal na sangkot umano sa kidney organ trafficking. Bumibili umano ang mga ito kidney ng tao sa halagang P200,000. Ngunit lumipat umano ng tirahan ang mga suspek hanggang sa matunton ng mga awtoridad sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan. Sa tulong ng Social Welfare and…

Read More