MALALAMAN na kung saan ginamit ni Vice President at dating Department of Education (DepEd) secretary Sara Duterte ang kanyang intelligence at confidential funds matapos atasan ng Kamara ang Commission on Audit (COA) na isumite ang mga dokumento ukol dito. Sa pagdinig ng House committee on appropriations sa budget ng COA sa susunod na taon, inatasan ni Marikina Rep. Stella Quimbo, presiding chairman ng nasabing komite, ang kanilang report kung saan nagamit ni Duterte ang kanyang confidential at intelligence funds. Ginawa ni Quimbo ang kautusan matapos walang tumutol sa mosyon ng…
Read MoreDay: August 15, 2024
P64 kada araw na pagkain, insulto NEDA PINAGTATAKPAN DATOS NG POBRENG PINOY
NANINIWALA ang isang mambabatas na may pagtatangkang takpan ang totoong datos ng mahihirap sa Pilipinas. Kasabay nito, kinastigo rin ng opposition solon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang National Economic and Development Authority (NEDA) matapos sabihin na P64 kada araw lang ang kailangan ng isang Pinoy sa loob ng isang araw sa pagkain para makawala sa food poverty. “Saang planeta kaya nabubuhay ang mga taga-NEDA para sabihin ito? Nasubukan na ba nilang mabuhay na P64 lang para sa pagkain sa buong araw ang gagastusin tapos sasabihin na di ka na…
Read MoreALICE GUO, 2 PA ‘SINAMPAL’ NG TAX EVASION NG BIR
SINIPA na sa pwesto, sinampahan pa ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Department of Justice (DOJ) kasama ang dalawang iba pa. Kabilang sa kinasuhan sina Jack Uy at Rachelle Joan Malonzo Carreon, corporate secretary ng Baofu Inc. Sa isang press briefing, sinabi ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., nag-ugat ang kaso sa binentang shares mula sa korporasyon nitong Baofu Land Development Inc. kay Jack Uy sa halagang P500,000 libong piso. “We have filed a case for tax…
Read MoreWala pang pinapasok na investment MAHARLIKA 7-BUWAN NANG NGANGA
KINUMPIRMA ni Finance Secretary Ralph Recto na wala pang pinaglalagakang investment ang Maharlika Investment Corporation, pitong buwan matapos itong likhain. Sa pagpapatuloy ng briefing ng Development Budget Coordination Committee sa Senado kaugnay sa proposed 2025 national budget, sinabi ni Recto na umaasa silang bago matapos ang taon ay magkaroon na ng desisyon ang MIC kung saan magsisimulang maglagak ng puhunan. Ipinaliwanag ni Recto na sa ngayon ay kumpleto na ang board ng MIC na kinabibilangan ng Development Bank of the Philippines, Landbank of the Philippines, Finance Secretary at ang mga…
Read MoreHuwag puro dakdak – Digong KAMARA HINAMONG MAGLABAS NG EBIDENSYA
(CHRISTIAN DALE) HINIKAYAT ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Lunes ang mga kongresista na kinokonsidera na pagsamahin ang mga imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) crimes, illegal drugs, at ang kanyang giyera laban sa ilegal na droga na magpakita ng ebidensiya sa kanilang alegasyon. Sa ulat, noon ding Lunes ay nagbigay ng kanyang talumpati si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., sinundan naman nina Cong. Joel Chua at Cong. Patrick Michael Vargas, ng isang resolusyon na nagpapanukala na pagsamahin ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng committee on drugs, public…
Read More100 CATCH BASIN ILALATAG NG QC LGU KONTRA BAHA — DRRMMO
PARA labanan ang baha, aabot sa 100 catch basin ang ilalagay ng Quezon City government sa iba’t ibang binabahang lugar sa lungsod upang maiwasan ang pagbaha sa panahon na may nararanasang bagyo ang bansa, partikular na ang Metro Manila. Sa ginanap na QC Journalist Forum, sinabi ni Peachy de Leon spokesperson ng Department of Risk Reduction Management Office (DRMMO) ng Quezon City, nasa planning stage na sila ngayon sa pagsasagawa ng drainage masterplan kasama ang mga barangay, homeowners association at iba pang stakeholders upang matiyak na mareresolba nito ang mga…
Read MorePARADA NG PINOY OLYMPIANS DINUMOG
DINAGSA ng mga taga-Maynila at non-Manilenos ang buong kahabaan ng ruta ng Victory Parade ng 2 times gold medalist na si Carlos Yulo at iba pang Pinoy athlete sa katatapos lamang na Paris 2024 Olympics. Mula sa Aliw Theater, binaybay ng victory parade ang Roxas Boulevard, P. Burgos, Finance Road, Taft Avenue, Quirino hanggang sa Rizal Memorial Coliseum. Lahat ng nag-aabang sa kalsada ay may hawak ding mga tarpaulin ng pagbati sa tagumpay ni Yulo at watawat ng Pilipinas habang iwinawagayway at sinasabayan ng dagundong ng tambol. *Rizal Memorial Coliseum…
Read MoreAUG. 4 IDEDEKLARANG ‘CARLOS YULO DAY’ SA MAYNILA
IDEDEKLARA ng lungsod ng Maynila ang Agosto 4 bilang “Carlos Yulo Day”, ang double gold Olympic medalist na residente ng Leveriza sa Malate, Manila, na nakatakdang parangalan sa Manila City Hall sa Lunes, Agosto 19. Ito ang napag-alaman mula kay Mayor Honey Lacuna na nagsabi na sila ni Vice Mayor Yul Servo ay nasa proseso na ng paghahanda para sa dalawang mahalagang pagtitipon para bigyan ng pagkilala ang true-blue Manileño na nagdala ng karangalan hindi lamang sa mga kapwa Manileños kundi sa buong bansa. Ayon kay Lacuna, ang Manila City…
Read MoreOP ANG LP
DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG saya talaga ng pulitika sa Pilipinas dahil parang teleserye ang nangyayari sa pagitan ng mga Duterte at Marcos na mula sa pagiging dating magkaalyado ay tuluyang naghiwalay ng landas na imposibleng magkabalikan muli. Araw-araw ay inaabangan ang mga bagong kabanata hinggil sa political war ng dalawang pamilyang ito na may kanya-kanyang supporting team kaya hahaba pa ang teleserye na puwedeng pamagatan bilang “Anong Nangyari sa Atin?” o kaya “Hindi naman tayo ganito dati”. Mas mahaba ito sa mga teleserye o kaya sa movie series sa…
Read More