Speaker Martin, Cong. Cotandem sa pagkontrol sa budgetKICKBACK SA GOV’TPROJECTS SA KAMARABINUKING NI VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA kumpirmasyon sa malaon nang bulong-bulungan na may kickback ang mga mambabatas sa mga government project, ang pasabog kamakalawa ni Vice President Sara Duterte na may ilang taga-Kamara ang lumapit sa kanya at nanghihingi ng parte. Sa isang taped interview na inilabas noong Lunes, mahaba ang salaysay ni Duterte na may kinalaman pa rin sa pagdinig ng Kamara sa 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP). Aniya, nagulat siya nang lumapit sa kanya ang ilang taga-House of Representative para manghingi ng parte, matapos mailaan…

Read More

50 PERCENT NG MGA NAKAIMBAK NA LAPTOP SA BODEGA NG DEPED, NAILABAS NA

KINUMPIRMA ni Education Secretary Juan Edgardo Angara sa Senado na nailabas na sa bodega ang 50 porsyento na ng mahigit 1.5 milyong laptops na nakaimbak ng may apat na taon o mula pa noong 2020. Subalit, sa mga nadiskubre anyang malalaking classroom furnitures, 10 porsyento pa lamang ang kanilang nailalabas mula sa mga warehouse. Sa pagtalakay ng Senate SubCommittee on Finance D sa proposed 2025 budget ng DepEd, sinabi ni Angara na katuwang nilang naglabas ng mga laptops at iba pang kagamitan ang Philippine Air Force, ilang ahensya ng gobyerno…

Read More

P14-M REWARD PARA KAY QUIBOLOY, ET AL IBIBIGAY SA INFORMANTS – PNP

SINABI ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na ang hindi matukoy na bilang ng mga impormante ang makatatanggap ng P14 milyong pabuya para sa pagbibigay ng impormasyon na naging dahilan ng pagkakaaresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy at apat na iba pa. Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na tinalakay ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, PNP chief Police General Rommel Marbil, at Police Regional Office 11 director Police Brigadier General Nicolas Torre III ang reward…

Read More

Impeachment ng Kamara kay VP Sara POLITICAL SUICIDE ‘YAN — ALVAREZ

(BERNARD TAGUINOD) GANITO inilarawan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kung matutuloy ang pagpapa-impeach ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Vice President Sara Duterte na ibinoto aniya ng mahigit tatlumpu’t dalawang milyong Pilipino. Ayon sa mambabatas, nakababahala ang magiging epekto ng pagpapa-impeach kay Duterte, hindi lamang sa political landscape sa Pilipinas kundi maging sa demokrasya sa bansa lalo na’t hindi aniya ito para sa interes ng sambayanan kundi para sa pulitika lamang. Ipinaliwanag ng dating House speaker at kaalyado ng mga Duterte na ang bise presidente ang itinuturing na…

Read More

2 TULAK NASABAT SA NAVOTAS

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon kay Navotas Police chief, P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ni alyas “Pilay”, 48, sa lungsod kaya isinailalim nila ito sa pagmamanman. Pagkaraan ay ikinasa ng SDEU, sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr., ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-2:19 ng madaling araw nitong Miyerkoles sa Lourdes Compound, Brgy.…

Read More

DATING CARETAKER NG PNP-SAF, TIMBOG SA BARIL

ISINELDA ng mga tauhan ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, ang isang dating caretaker ng PNP-SAF, dahil sa pagpapaputok ng baril sa sa Ermita, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Clande Jr., 46, sinampahan ng kasong indiscriminate firing at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, habang ang kasama nitong si alyas “Cleo”, 50-anyos, ay sinampahan ng kasong obstruction of justice. Ayon sa ulat ng Jorge Bocobo Police Community Precinct, sakop ng Police Station 5, bandang alas-9:55 ng gabi,…

Read More

DIRECT FLIGHT PATUNGONG PARIS, LONDON BUBUKSAN

NANINIWALA ang Department of Tourism na hindi lamang makadaragdag sa trabaho kundi sa paglago ng turismo at ekonomiya ang binuksang direct flight mula Manila patungong Paris, France, at London, England. Inaasahan din na maraming resort at hotel ang naghahanda para sa pagdami ng mga European tourist na magtutungo sa bansa. Ayon kay Tourism Sec. Christina Garcia Frasco, nagsagawa na rin siya ng pakikipag-ugnayan sa French Embassy para iparating ang pagkakaroon ng direct flight sa dalawang bansa. Sa ngayon ay nasa Top 8 ang arrival ng mga European tourist sa bansa…

Read More

DELIVERY MAN DINUKOT, PINATAY NG ‘5 POLICE OFFICERS’?

MAGKATUWANG na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Carmona City Component Police Station at Tanauan City Police Station, hinggil sa insidente ng umano’y pagdukot at pagkamatay ng isang Foodpanda delivery man at pagkakasugat ng isang online seller. Kinilala ang namatay na si John Mark Samonte, 24, habang sugatan ang kasama nitong si Marithe Ashley Tila, 21. Nagsasagawa naman ng dragnet operation ang pulisya sa isang itim na Mitsubishi Montero na may plakang NCK 5430, na ginamit ng mga suspek, at isang itim na Toyota Wigo na may plakang ABT 2885, na pagmamay-ari…

Read More

NA-DEPRESS SA ASTHMA, GOITER; GINANG NAGBIGTI

CAVITE – Hinihinalang dahil sa karamdamang asthma at goiter na nagdulot ng depresyon, ang dahilan ng pagbibigti ng isang 33-anyos na ginang sa Trece Martires City noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Roxan, may asawa, ng Package 2, Sunshine Ville, Brgy. Cabuco, Trece Martires City. Ayon sa ulat, bandang alas-6:20 ng umaga nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima ng kapatid nitong si Raymark, sa kanilang bahay sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite. Ayon kay Raymark, ang sakit na goiter at asthma ng biktima na nagdulot ng depresyon,…

Read More