POLITICAL ATTACKS NG KAMARA ‘DI UBRA KAY VP SARA

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) BIGO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na maidiin sa kanilang political attacks si Vice President Sara Duterte. Ganito ang lumilitaw sa pahayag ni VP Sara na dahilan kung bakit hindi na niya idinepensa ang 2025 budget ng kanyang tanggapan na nagkakahalagang PHP2.037 billion. Matatandaang paulit-ulit ang sagot ng bise presidente na ‘I would like to forgo the opportunity to defend the budget in the question and answer format.’ I will leave it up to the House to decide on the budget submitted” sa Aug. 27 budget hearing…

Read More

Kontra baha, pagguho: SMDA BILL IPASA NA – REP. NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) INULIT ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang panawagan para sa pagpasa ng panukala na lilikha ng isang body na mangangasiwa sa konserbasyon at mamahala ng 500-kilometer haba ng Sierra Madre. Ang panawagan ni Nograles ay matapos makita ang lawak ng napinsala ng Sierra Madre dulot ng bagyong Enteng sa aerial inspection na ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “I hope that the President’s recent statement about Sierra Madre’s deforestation will serve as a nudge in the right direction for us in Congress to prioritize the…

Read More

APPROPRIATIONS CHAIR PUMALAG SA AKUSASYON NI VP SARA

PUMALAG si House Appropriations Chairman Elizaldy Co sa mga akusasyon ni Vice Pres. Sara Duterte na siya at si House Speaker Martin Romualdez lang ang may hawak ng pambansang pondo. Diretsahang sinagot ni Cong. Co ang akusasyon ni VP Sara at sinabing, “Again, malaking pambubudol na naman nila yan. Akala siguro nila hindi matalino ang taumbayan.” Paliwanag pa ni Co, imposible ang paratang ni VP Sara dahil, “Ang Committee on Appropriations po ay may miyembro na 139 at ang vice chairmen ay 36.” Dagdag pa ni Co, dadaan din sa…

Read More

“YORME’S CHOICE” NANUMPA SA AKSYON DEMOKRATIKO

(JOCELYN DOMENDEN) TULOY na ang labanang Honey-Isko sa darating na local elections matapos manumpa sa isang simpleng pagtitipon ang “Yorme’s Choice” at Team Aksyon Manila sa partidong Aksyon Demokratiko (Aksyon) sa Sheraton Hotel Manila. Pinangunahan ni Aksyon President, former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang oathtaking na sinaksihan naman ni Aksyon Chairperson Ernest Ramel, Jr. Ilan sa mga nanunumpa sina dating 2nd district Congressman Carlo Lopez at 5th district Congressman Amado Bagatsing. Nanumpa din ang dating broadcaster at aktres na si Chi Atienza, anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza…

Read More

PAHAYAG NI ALICE GUO NA WALANG PINOY NA TUMULONG SA KANILANG MAKATAKAS SA BANSA, HINDI KAPANI-PANIWALA

HINDI kumbinsido sina Senador Sherwin Gatchalian at Senate President Francis Escudero sa pahayag ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na walang Pilipinong tumulong sa kanya para makatakas palabas ng bansa. Sinabi ni Gatchalian na imposibleng makalabas ng bansa nang walang sinumang tutulong sa kanila bukod sa isa anyang nag-facilitate ng kanilang biyahe mula sa pagsakay ng yate at paglipat ng barko bago nakarating sa Malaysia. Sa susunod anyang pagdinig, iisa-isahin niya ang naging inconsistencies sa mga pahayag nina Alice at Shiela kaugnay sa naging pagtakas nila sa bansa. Nanindigan…

Read More

KASABWAT NI GUO SA PAGTAKAS TINUTUKOY NG NBI

KINUMPIRMA kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi nila tinatantanan ang pagtukoy sa mga kasabwat ng pinatalsik na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagtakas nito palabas ng Pilipinas. “Hindi rin po kami naniniwala na walang kasabwat even official or private person na tumulong kay Alice para makalabas,” pahayag ni NBI Director Jaime Santiago sa pagdalo nito sa Pulong Balitaan ng Manila City Hall Reporters Association (Machra) na ginanap sa Harbor View. Nilinaw rin ni Director Santiago na hindi sila nagsabing may kasabwat si Guo sa BI,…

Read More

RIDER HUMAMPAS SA TRUCK, PATAY

NAMATAY noon din sa pinangyarihan ng insidente ang isang motorcycle rider makaraang masagi ang plastic barrier at humampas sa isang trailer truck sa eastbound lane ng Quirino Avenue sa panulukan ng Anak Bayan Street, Paco, Manila nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Ruiz Niexiel Ganna, nasa hustong gulang. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng trailer truck na si Archie Luarez. Base sa ulat ni Police Corporal Riddick Fajardo, may hawak ng kaso, na pinangasiwaan ni Police Major…

Read More