Bacolod, are you ready for a festive rock experience kasama ang BingoPlus?!

Maki-saya with BingoPlus, the biggest comprehensive entertainment and amusement platform in the Philippines, as it brings a fun-filled and entertaining Masskara Festival 2024! Maki-rock and dance sa BingoPlus Day Masskara Festival Music Fest on October 20 sa Bacolod City Government Center. Abangan ang mga paborito mong performers tulad ng YML, G22, at VXON from 1:00 PM to 06:00 PM sa BingoPlus stage pre-show. Wag din palampasin ang mga paborito mong artista sa main show tulad nila Moira Dela Torre, KZ Tandingan, TJ Monterde, Franco, at BingPlus male endorser “Papa P”…

Read More

VP SARA NILAGLAG NG AFP SA USAPIN NG CONFI FUNDS

MISTULANG nilaglag ng mga opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Vice President Sara Duterte matapos itanggi ng mga ito na may natanggap silang confidential funds ng Department of Education (DepEd) sa kanilang Youth Leadership Summit (YLS). Sa pagdinig ng House committee on government and public accountability, pawang kinumpirma ng mga opisyal ng Philippine Army (PA) na sina Col. Manaros M. Boransing, Lt. Col. Carlos B. Sangdaan Jr., Col. Magtanggol G. Panopio at Maj. General Adonis R. Bajao na walang nakuhang intelligence funds para sa kanilang YLS activities…

Read More

Sa kabila ng kaliwa’t kanang ayuda GUTOM, KAHIRAPAN TALAMAK PA RIN

(BERNARD TAGUINOD) HINDI naiibsan ng mga ayudang ipinamumudmod ng pamahalaan ang gutom at kahirapan sa bansa. Puna ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, patuloy na nagdudusa sa gutom at kahirapan ang sambayanang Pilipino lalo na ang food producers sa Mindanao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Binanggit niya ito sa paggunita sa World Food Day noong Miyerkoles. “The hunger crisis in the Philippines, especially in Mindanao, has been worsening,” ani Zarate base na rin sa mismong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Inihalimbawa nito…

Read More

REWARD MONEY UGAT SA PAGPATAY KAY ESPINOSA?

KUMBINSIDO ang isang miyembro ng Quad Committee na ang reward money na makukuha ng mga pulis sa bawat drug suspect na mapapatay ang dahilan kung bakit pinatay sa loob ng kulungan si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. “Iyong puzzle po ninyo, kaya nag-apply sila ng search warrant para makapasok at mapatay nila iyong tao. May reward iyong patay, eh. Iyong buhay, wala, eh,” ani Antipolo City Rep. Romeo Acop. Ginawa ni Acop ang pahayag habang ginigisa sa Quad Comm investigation si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region…

Read More

FOOD SECURITY NAMEMELIGRO SA PAGKAUBOS NG MAGSASAKA

KUNG hindi masusuportahan at mabibigyan ng subsidiya ang mga magsasaka ay nanganganib na tuluyan nang maubos ang mga nagsasaka sa Pilipinas at halos lahat ng kakainin ng sambayanang Pilipino ay imported o kakailanganin na angkatin na sa mga kalapit na bansa. Ito ang inihayag nina Senador Imee Marcos at dating senador Panfilo Lacson nang dumalo sa 10th World Pandesal Day sa 85-year-old Kamuning Bakery Café noong Miyerkoles. Ayon kay Marcos, habang sinasabing lumiliit ang unemployment rate sa Pilipinas at dumarami ang trabaho ay nauubos naman ang mga magsasaka dahil karamihan…

Read More

CIF INAABUSO; BATAS PINAREREBISA SA KAMARA

PANAHON na para rebisahin kung paano ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang Confidential and Intelligence Funds (CIFs) dahil inaabuso na umano ito. Kasabay nito, pina-subpoena na ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua ang anim na tauhan ni Vice President Sara Duterte matapos hindi dumalo sa pagdinig ng komite sa CIF ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Kabilang sa pina-subpoena sina Atty. Zuleika T. Lopez – Chief of Staff ni Duterte; Atty. Lemuel…

Read More

SEDITION VS QUIBOLOY LAWYER, 12 PA ISINAMPA

NAGSAMPA ng reklamong sedition at inciting to sedition ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban sa lawyer ni KOJC Pastor Apollo Quiboloy at mahigit 12 iba pa. Nag-ugat ito sa naging hakbang ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong Agosto nang pigilan ang tangkang pag-aresto ng mga pulis sa puganteng pastor. Kasama rin sa inireklamo ni Brig. General Nicolas Torre ang iba pang lider at kasapi ng KOJC na sina Eleanor Cardones, Carlo Catiil, Jeffrey Celia at ang dating…

Read More

DELICADEZA NAMAN D’YAN SEN. BATO — SOLON

UMAASA ang isa sa apat na chair ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa extra-judicial killings (EJK) na magkakaroon ng konting delicadeza si Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Ginawa ni House committee on public order and safety chairman Rep. Dan Fernandez ang pahayag matapos ianunsyo ni Dela Rosa na magpapatawag ito ng motu-proprio investigation sa madugong war on drugs noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. “Delicadeza na lang sana ang pairalin ni Sen. Bato. For me it is highly inappropriate for him, the chief enforcer of the drug war, to…

Read More

QUIMBO BINATIKOS SA PAKIKIALAM SA PAMAMAHAGI NG AYUDA

INULAN ng batikos si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo matapos makunan ng video na namimigay ng cash ayuda na galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa viral video na pinost ng isang Krizette Laureta Chu, makikita ang nakangiting si Quimbo habang binibilang ang ayuda bago iabot sa isang benepisyaryo. Inilarawan ng isang netizen ang ginawa ni Quimbo bilang galawang trapo, kasabay ng panawagan sa mga taga-Marikina na huwag magpabudol sa mambabatas at huwag magpasilaw sa ayudang ibinibigay nito na galing sa buwis ng taumbayan. “Sa una…

Read More