CAVITE – Arestado ang tatlong indibidwal na pawang nasa listahan ng street level individuals (SLI) ng pulisya, makaraang makumpiskahan ng tinatayang P102,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Dasmariñas Component City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Rizaldy”, “Christopher”, at “Narel”. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 gabi, nagsagawa ng buy-bust operation mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office (PPO), at Dasmariñas CPS sa Sitio Humayao, Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite…
Read MoreDay: November 9, 2024
6-ANYOS HINALAY NG TIYUHIN
QUEZON – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11648 o statutory rape ang isang 42-anyos na construction worker matapos na halayin ang 6-anyos na batang babaeng anak ng kanyang hipag sa Brgy. Pilaway, sa bayan Infanta. Ayon sa report ng Infanta Police, nangyari ang panghahalay sa bahay mismo ng suspek dakong alas-6:00 ng gabi noong Huwebes. Batay sa imbestigasyon, pumasok ang bata sa kuwarto ng suspek para kumuha ng biscuit subalit nang palabas na ito ay pumasok din ang tiyuhin at inihiga ang biktima sa kama saka ginahasa. Pinalabas lamang…
Read MoreBULACAN NAGPADALA NG P2-M AYUDA SA BICOL, BATANGAS
LUNGSOD NG MALOLOS – Nagpaabot ng P2 milyong tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Kristine’ sa Bicol at Batangas. Sa virtual meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Council na ipinatawag ni Gobernador Daniel Fernando, ipinasa ang tatlong resolusyon para sa nasabing halaga ng tulong na kukunin mula sa 2024 Local Disaster Risk Reduction and Management Fund. Sa rehiyon ng Bicol, kabilang sa tinukoy na bibigyan ng tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan ng Albay at ang pamahalaang lungsod ng Naga. Ayon…
Read MoreHIGH SCHOOL STUDENT, TUMALON MULA 4TH FLOOR
CAVITE – Patay ang isang babaeng high school student makaraang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng kanilang eskuwelahan sa General Trias City noong Huwebes ng hapon. Hindi naman binanggit sa ulat kung ilan taon at kung anong grade na ang biktimang estudyante ng Gov. Ferrer Memorial National High School. Isinugod ang biktima sa Gen Trias Medicare Hospital ngunit hindi umabot nang buhay. Ayon sa ulat, nakitang umakyat ang biktima sa ikaapat na palapag ng isang gusali ng kanilang paaralan sa Brgy. Pinagtipunan, Gen. Trias City Cavite, at naglakad sa…
Read MoreMAGSASAKA GINILITAN SA MABAHONG ABONO
QUEZON – Walang awang ginilitan sa leeg ang isang magsasaka ng kanyang kapitbahay dahil lamang sa mabahong amoy ng abono na ginagamit nito sa kanyang gulayan sa bayan ng Infanta sa lalawigan. Kinilala ng Infanta Police ang biktimang si Rigor Otilla, 34-anyos, residente ng Brgy. Binulasan. Ayon sa report ng Infanta Police, dakong alas-7:30 ng umaga nang makasagutan nito ang 46-anyos na kapitbahay na si alyas “Ricky”. Nabatid na nagrereklamo ang suspek dahil hindi raw nito gusto ang masangsang na amoy ng fertilizer na ginagamit ng biktima sa kanyang mga…
Read MoreP52-B NALUGI SA GOBYERNO SA TOBACCO, VAPE SMUGGLING TAON-TAON
NAWALAN ng kita ang gobyerno mula sa tobacco at vape smuggling na nagkakahalaga ng P52 billion taun-taon. “We’re losing P35 billion in tobacco and the vape would probably be about P17 billion,” ang sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa idinaos na Senate interpellation sa panukalang 2025 budget ng departamento. Kagyat naman na itinala ni Senator Grace Poe, sponsor ng budget ang rekord na ito. Sinabi ni Poe na ang tobacco at vape products importers ay dapat magparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang approval seal…
Read MoreGOBYERNO MAKATITIPID NG PHP 3 BILLION
ITO ay kung hindi na ipagpapaliban pa ang Bangasamoro Autonomous region for Muslim Mindnao parliamentary election na planong gawin na lamang sa susunod na taon. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia, malaki ang masasayang na pondo ng gobyerno kung sakaling hindi isabay ang BARMM parliamentary election sa nakatakdang May 2025 midterm elections. Ginawa ni Garcia ang pahayag bilang tugon sa inihaing panukalang batas para ipagpaliban ang halalan sa rehiyon. Subalit nilinaw ni Comm. Garcia na nakahanda ang Comelec na sumunod anomang oras na ipag-utos ang pagdaraos…
Read MoreTS ‘MARCE’ PALABAS NA NG PAR; ‘NIKA’ BINABANTAYAN NG PAGASA
DALAWANG beses na nag-landfall sa area ng Cagayan si Typhoon Marce (international name Yinxing) bago tinahak ang landas palabas sa area of responsibility ng Pilipinas subalit napanatili nito ang kanyang typhoon category kaya nakataas pa rin ang mga storm warning signal sa maraming lugar sa Hilagang Luzon hanggang kahapon, ayon sa state weather bureau. Subalit isa pang low pressure ang binabantayan ng PAGASA na posibleng maging isang ganap na bagyo oras na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility at tatawaging TS Nika. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk…
Read MoreLALAKI PATAY SA BUNDOL NG 2 MOTORSIKLO
DEAD on the spot ang isang 36-anyos na lalaki makaraang mabundol ng dalawang magkasunod na motorsiklo nitong Biyernes ng madaling araw sa northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue at Tecson Street, Tondo, Manila Kinilala ang biktimang si Wilson Mallari, residente ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo. Ayon sa ulat ni Police Corporal Rudolf Riddick Fajardo kay Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-12:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente. Napag-alaman, habang naglalakad ang biktima nang…
Read More