Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0.2189 kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa pagbaba ng mga singil sa generation at transmission. Para sa mga pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P44 na kabawasan sa kanilang kabuuang bill. Nagpaalala rin si Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga na ugaliin ang matalino at masinop na paggamit kuryente lalo na at papalit ang panahon ng tag-init. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Meralco website (www.meralco.com.ph) o ang mga opisyal…
Read MoreDay: January 14, 2025
Kapos na kapos ang nakukuhang healthcare benefits ng senior citizens sa Pasig — Pasig Senior Citizens Federation
KULANG na kulang umano ang mga healthcare program at benefits na nakukuha ng mga senior citizen sa Pasig sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyan nitong alkalde na si Vico Sotto. Pahayag ito ng Federation of Pasig Senior Citizens Association na nagsabing ang isa sa mga pinaka- kailangang serbisyo ng mga matatandang Pasigueño ay ang serbisyong pang-medikal. “Pag-avail ng healthcare at iba pang medical services ang pangunahin namin problema sa kasalukuyang administrasyon,” pahayag ni FPSCA president Alexander Arreola. Dagdag nito: “Major concern namin na mga senior citizens dito Pasig ay ang…
Read More2 ex-BFAR officials, nagpiyansa sa 4 graft cases kaugnay ng maanomalyang P2-B VMS project
NAGPIYANSA ang dalawang dating mataas na opisyal ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) para sa apat na kaso ng graft na isinampa laban sa kanila ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y iregularidad sa P2-bilyong vessel monitoring system (VMS) project noong 2018. Naglagak ng tig-P360,000 na piyansa sina dating DA Undersecretary for Fisheries at BFAR National Director Eduardo B. Gongona at dating BFAR National Director Demosthenes R. Escoto sa Antipolo City Regional Trial Court (RTC) kapalit ng pansamantala nilang kalayaan. Itinakda ng korte ang kanilang…
Read MoreHALOS 2M NAKIISA SA NATIONAL PEACE RALLY
(JESSE KABEL) HUMIGIT kumulang dalawang milyon ang nakiisa sa National Peace Rally ng Iglesia ni Cristo kahapon sa Quirino Grandstand sa Maynila. Sa initial estimate na ibinahagi ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, bandang alas-11:00 ng tanghali ay mahigit 1.2 milyon na ang crowd estimate sa Quirino Grandstand. Una rito ay tiniyak ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines-Joint Task Force NCR na magpapakalat sila ng sapat na pwersa para tumulong sa pangangalaga at pagsasaayos ng peace rally. Nakipag-ugnayan din ang PNP, AFP, National…
Read MoreKASAYSAYAN NG AMA MAUULIT KAY PBBM?
MAUULIT lang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ang karanasan ng sambayanan na hindi pinapanagot ang mga nagkakasala sa bayan kaya maging sunud-sunuran lang ang Kongreso sa kanya. Ginawa ni dating Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casino ang pahayag dahil walang senyales na aaksyunan ng Kongreso ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte at mapanagot ito sa paglustay sa pera ng bayan. “The accountability of public officials should not lie at the whims of President Marcos,” ayon sa dating mambabatas kaya kailangang aksyunan ng Kongreso ang impeachment case…
Read MoreP25-M PARA SA DEMOLITION JOB VS VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NASA P25 milyon ang paunang pondo na ginamit ng mga kalaban para siraan si Vice President Sara Duterte. Bahagi ito ng pagbubunyag ni VP Sara sa pagharap sa kanyang Filipino supporters sa Tokyo, Japan, noong weekend. Naniniwala si VP Sara na patuloy ang pagbuhos ng pera ng kanyang mga kalaban para pabagsakin siya. “Kasi noong nangyari ‘yon, noong 2023 doon sa budget sa Department of Education and Office of the Vice President, sinabihan na ako no’ng kilala ko, kaibigan ko sa loob ng PR industry ng…
Read MoreLGUs kinalampag NATAPOS NA DEADLINE MAY POGO PA RIN
(CHRISTIAN DALE) HINIKAYAT ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang pag-iinspeksyon upang matiyak na tuluyang mapupuksa ang natitirang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. “Mensahe ito sa lahat ng LCE [local chief executives], husayan n’yo trabaho, siguraduhin n’yong inspeksyunin n’yo lahat ng mga building. Kayo rin ang mananagot kung mahuli namin na pinasok n’yo mga building at hindi kayo nag-report sa amin,” ang sinabi ni Remulla. Ipinalabas ni Remulla ang babala matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang pasilidad sa Barangay Tambo,…
Read MoreP3.3-M ALAHAS NADEKWAT SA BAHAY NG NEGOSYANTE
QUEZON – Mahigit P3.3 milyong halaga ng mga alahas at relo ang natangay ng mga kawatan mula sa bahay ng isang negosyante sa Brgy. Bulakin, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Nadiskubre ang insidente ng pagnanakaw bandang bandang alas-6:00 ng umaga, matapos makita ng biktimang si Ramon Gomez Talusan, 69-anyos, retiradong empleyado at residente ng Paseo Acacia, Hacienda Escudero, Phase 1, na nasa labas na ng kanilang bahay ang kanyang shoulder bag at backpack na dati ay nakalagay sa loob ng kanyang bahay. Ayon sa imbestigasyon,…
Read MoreBINATA PATAY SA TARAK NG SENIOR CITIZEN
CAVITE – Patay ang isang 25-anyos na binata makaraang saksakin ng kaalitang isang 63-anyos na senior citizen sa Bacoor City noong Linggo ng hapon. Kusang loob na sumuko ang suspek na si alyas “Danilo”, residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, na responsable sa pagpatay sa biktimang si alyas “Josh”, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. San Nicolas 3 Extension, Bacoor City kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, biglang pinagsasaksak ng suspek…
Read More