RAPIDO NI TULFO ALAM kaya ng TINGOG at OFW party-lists, na nagsasagawa ng pagdinig ngayon sa isyu ng abandonadong balikbayan boxes sa Kamara, ang lawak ng problemang ito? Napaisip ang inyong likod matapos na malaman po natin ang pagbibigay ng sampung libong pisong (P10K) financial assistance sa mga kababayan nating OFWs na tinawag ng ating mga mambabatas na mga biktima ng scam. Ilang mga kababayan natin na dating OFWs sa Saudi Arabia, ang dumalo sa naunang pagdinig. At sila rin ang mga naunang nabigyan ng sampung libong pisong cash assistance.…
Read MoreDay: January 16, 2025
MAY MGA ‘DINAGA’ RAW SA RALLY FOR PEACE
CLICKBAIT ni JO BARLIZO BUGBOG sa mga pinagdedebatehang isyu ngayon ang madlang Pinoy. Nangunguna siyempre dyan ang tanong kung dapat ba o hindi na i-impeach si Sara Duterte. Natapos na ang rally na bagaman ipinagdiinan na para sa kapayapaan ay marami ang hindi kumbinsido dahil balatkayo lamang daw ito ng tunay na pakay na walang iba kundi depensahan ang inuusig na Bise Presidente. Heto nga at maraming ikinakasa na susunod na mga rally na pabor naman sa impeachment. Pero aminin natin nasa kamay ng mga mambabatas ‘yan kung lalarga o…
Read MoreGUN BAN OPERATIONS, MAS PAIIGTINGIN NG PNP – GEN. FAJARDO
TARGET NI KA REX CAYANONG HABANG papalapit ang 2025 midterm elections, patuloy na pinalalakas ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya laban sa ilegal na mga gawain, partikular na ang mga lumalabag sa ipinaiiral na election gun ban. Ayon kay Police Regional Office 3 Director at PNP Spokesperson P/BGen. Jean Fajardo, umabot na sa 31 ang nahuling mga lumabag sa gun ban, kasama sa mga nahuli ang mga sibilyan, security guards, isang appointed government official, at isang miyembro ng militar. Ang mga ito ay nahuli sa iba’t ibang checkpoints at…
Read MoreTIWALA NI FIRST LADY, SINISIRA NG BI DEPCOM?
BISTADOR ni RUDY SIM SA pagpasok ng bagong taon, tila walang ipinagbago ang maruming kalakaran sa Bureau of Immigration, kung saan ang slogan nito na “Bagong Immigration” ay isa na lamang scam. Paano kaya mababago ang hindi naging magandang imahe sa publiko ng ahensya kung ang isa sa pinakamataas na opisyal dito ay lantaran ang pambababoy sa BI, na nagpapakita ng isang hindi magandang halimbawa sa mga ordinaryong empleyado rito. Sinasabi ng karamihan sa BI na itong si Deputy Commissioner Atty. Daniel Laogan ay inilagay sa puwesto ni First Lady…
Read MoreSa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Bureau of Quarantine BRIAN POE SUPORTADO ANG MGA FRONTLINER
(Evelyn Ruiz, Ronald Christian Antenor — Health Education and Promotions Officer, FPJ Panday Bayanihan Partylist’s First Nominee — Brian Poe, and Director Roberto Salvador Jr.) MANILA – Ipinahayag ni Brian Poe, unang nominado sa FPJ Panday Bayanihan partylist, ang suporta para sa mga frontliner sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Bureau of Quarantine (BOQ) noong Martes, Enero 7. Binanggit ni Poe ang kritikal na papel ng BOQ sa pangangalaga ng pampublikong kalusugan, lalo na sa harap ng umuusbong na nakahahawang sakit gaya ng monkeypox at Human Metapneumovirus. “Ang BOQ ay…
Read MorePagkasibak ni Rep. Zaldy Co bilang chairman ng House appropriations panel ikinatuwa ng netizens
MAYNILA – Tila ipinagbunyi ng mga netizen ang pagkatanggal ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co bilang chairman ng House Committee on Appropriations. Ito’y matapos ipanukala ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na gawing bakante ang puwesto ng appropriations committee chair, na inaprubahan din ni House Speaker Martin Romualdez. Opisyal na tinanggalan si Co ng kanyang titulo bilang tagapangulo ng komite sa muling pagbubukas ng sesyon Kongreso noong Lunes, January 13, 2025. Nagbigay rin naman ng pahayag si Co noong Lunes at sinabing kusa niyang binakante ang kanyang posisyon…
Read More2 PATAY, 20 SUGATAN SA AKSIDENTE SA BULACAN
BULACAN – Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang 20 ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang modernized jeepney at sumalpok sa kasalubong na tricycle bago mahulog sa gilid ng tulay sa MacArthur Highway, Brgy. Iba O Este, sa bayan ng Calumpit noong Martes ng hapon. Base sa panimulang imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-1:40 ng hapon nang mawalan umano ng preno ang isang CARMEXSS E-Jeep na may plate no. NIF2746 at minamaneho ni alyas “Orlando”, 53, residente ng Santo Tomas, Pampanga. Ang nasawing mga biktima ay kinilalang sina “Johnny”, 44,…
Read More121 STRANDED PASSENGERS SA TAWI-TAWI SINAGIP NG NAVY
NASA 121 stranded passengers ang sinagip ng mga mga tauhan ng Philippine Navy sa isinagawang maritime search and rescue operation sa iniulat na nawawalang ML J Sayang 1, na naglalayag papuntang Turtle Island, Tawi-Tawi mula Zamboanga City. Sa ipinarating na ulat sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Ezpeleta, natagpuan ng mga tauhan ng Hukbong Dagat lulan ng BRP Jose Loor Sr., ang distressed vessel, may 5.4 nautical miles west ng Siklangkalong Island, Tawi-Tawi. Sakay ng passenger vessel ang 106 passengers at 15 tripulante,…
Read More2 SUSPEK SA RENT-TANGAY SA ANTIPOLO ARESTADO
ANTIPOLO – Arestado ang dalawang suspek sa rent-tangay modus matapos matunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng sasakyan dahil sa GPS (Global Positioning System) nito, noong Enero 14, 2025 sa Sitio Tanza 1, Brgy. San Jose sa lungsod. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun ang mga suspek na sina alyas “Bads,” 28-anyos, at alyas “Josh,” 20-anyos. Ayon sa ulat, Enero 12, bandang alas-dos ng umaga, nagkasundo sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City ang biktimang may-ari ng van at mga suspek na rentahan ang sasakyan ng isang araw at gagamitin anila…
Read More