QUEZON – Natagpuang patay ang isang mangangakyat ng niyog makaraang mahulog sa Barangay Malabanban Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan. Kinilala ang biktimang si alyas “Leobin”, 46-anyos, residente ng Brgy. Malabanban Norte. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nahulog umano ang biktima mula sa niyog na kanyang inaakyat. Huling nakita ang biktima dakong alas-2:00 ng hapon habang nagtatrabaho bilang mangangakyat ng niyog. Natagpuan ng kanyang kapatid ang walang-buhay na biktima sa ilalim ng puno ng niyog bandang alas-7:00 ng umaga noong Martes. Base sa paunang ulat, maaaring aksidente ang sanhi…
Read MoreDay: January 16, 2025
DATING ARMY OFFICER KINASUHAN NG SEDITION
SINAMPAHAN ng kasong inciting to sedition ng pamunuan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang dating Philippine Army officer kaugnay ng operasyon noon laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy at iba pa sa Davao City. Si dating Army captain Clemente Enrique, kilala rin bilang “Dado” at “Iking” online ay ipinagharap ng kasong inciting to sedition ni CIDG chief Police Brig. Gen. Nicholas Torre III sa Department of Justice kaugnay sa paglabag umano nito sa Article 142 of the Revised Penal Code or Inciting…
Read MoreHINDI LISENSYADONG ONLINE GAMING INIREREKLAMO
INIREREKLAMO ng maraming tao ang isang kumpanya na nagngangalang Procap International. Ayon sa mga reklamo, nanghihikayat ang mga opisyales nito na mag-invest ang publiko sa naturang kumpanya upang kumita ng malaking interes, na sa ilang buwan lamang at dodoble na ang investment. Diumano, ang negosyo ng Procap ay online gaming, kung saan siguradong mananalo ang investors nito, at ang slogan pa nito ay “win once, win for life.” Ngunit sa pagsasaliksik, noong Agosto 28 ng nakaraang taon ay kinansela na ng Securities and Exchange Commission ang rehistro ng Procap sa…
Read MoreNAIS MAGPAALIS SA PANGALAN NI MARCY TEODORO SA BALOTA, TAGA-CAGAYAN DE ORO?
TUBONG Cagayan de Oro, at hindi taga-Marikina City, ang lalaki na nais ipatanggal ang pangalan ni Mayor Marcy Teodoro sa balota bilang kandidatong kongresista ng Unang Distrito ng siyudad. Ito ang napag-alaman sa pagsasaliksik ng vlogger na si Eric Songcuan ukol sa katauhan ni Bencyrus Ellorin, na nagpapakilalang chairperson ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment. “He’s from Cagayan de Oro. He went to Xavier University at Ateneo de Cagayan. I don’t know what he’s doing here, what’s his business in doing this,” wika ni Songcuan. Kinuwestiyon din ni…
Read MoreKAPABAYAAN NG GRAB-MOVE IT SA SCREENING PROCESS ITINURONG UGAT NG MATAAS NA KASO NG AKSIDENTE
BINATIKOS ng isang grupo ang motorcycle taxi na Move It dahil sa kapabayaan nito sa screening process na nagresulta sa mataas na bilang ng aksidente. Isinumite ni Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys, sa hearing ng Senate Committee on Public Services ang affidavit ng ilang riders kung saan inamin nila na kinuha sila ng Move It nang hindi sumasailalim sa skills assessment at field training. Ang Grab Philippines ang may-ari ng Move it. “Move It po iyong pinasukan nila. In fact, nandito po iyong riders na kasamahan ng ibang…
Read MorePa-dinner ni LAM wala raw pulitika ‘SOSYALAN’ LANG SA MALACAÑANG
ITINANGGI ng mga senador na may kinalaman sa pulitika ang pag-iimbita ni Unang Ginang Liza Marcos para sa isang dinner sa Malacañang. Base mismo sa post na ibinahagi sa Facebook ng Unang Ginang, nagkaroon sila ng dinner nitong Lunes, January 13 . Dito ay nagkaroon din ng pagkakataong makapulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza ang ilang senador at kanilang mga asawa. Ginanap ang dinner sa Bahay Pangulo na official residence ng First Family sa Malacañan Complex. Ngunit wala sa nasabing dinner sina Bato Dela Rosa,…
Read MoreDEPED BUKAS SA MGA MUNGKAHI KAUGNAY NG CSE PROGRAM
NAGSAGAWA ng press conference sa Senado si dating chief justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng agam-agam nito sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) program ng DepEd. (DANNY BACOLOD) BUKAS ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa anomang mungkahi kaugnay sa viral video na tumatalakay sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) program na inihain sa Senado. Tinukoy ni DepEd Secretary Sonny Angara ang video na ipinalabas ng Project Dalisay Facebook page sa ilalim ng National Coalition for the Family and the Constitution (NCFC) kung saan tinututulan ng mga kilalang personalidad ang ilan…
Read More6M PRINTED BALLOTS NG COMELEC NASAYANG
(JOCELYN DOMENDEN) MAGDARAGDAG ang Commission on Elections (Comelec) ng makina para mapabilis ang pag-imprenta ng mga balota para sa midterm election matapos masayang ang anim na milyong naimprenta dahil sa desisyon ng Korte Suprema na isama ang pangalan ng mga idineklarang nuisance candidates. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kailangan nilang matapos ang pag-iimprenta ng balota hanggang Abril 14. Pangamba lamang ng komisyon na baka may panibagong TRO na ilalabas ang Korte Suprema sa mga susunod na araw dahil may mga nakabinbin pang mga petisyon sa kanila. Sinimulan na…
Read More