SA kabila ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea (WPS), patuloy na iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG) na ilegal ang mga aksyon ng Chinese Coast Guard (CCG) at paglabag ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan isa ang China sa lumagda. Kasunod ito ng ginawang pagpalit ng binansagang “Monster ship” ng China nitong Sabado, Pebrero 1 sa China Coast Guard vessel 3304 na ilegal na nag-operate malapit sa Zambales. Sinabi ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore…
Read MoreDay: February 3, 2025
KUMAKAIN SA CANTEEN SA RIZAL, NIRATRAT
RIZAL – Hindi na natapos ng isang lalaki ang kanyang almusal nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek habang kumakain sa isang canteen sa Sitio Harangan, Brgy. San Isidro sa bayan ng Rodriguez nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Johndel”, 25-anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Rodriguez. Ayon sa report ng Rodriguez Police, bandang alas-2:20 ng madaling araw nang dumating ang dalawang armadong lalaking sakay ng isang motorsiklo at biglang tinutukan ng baril ang mga nasa loob ng kainan. Nagawa namang makatakbo ng biktima patungo sa…
Read MoreLALAKI TODAS SA PAMAMARIL SA KALSADA SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa gitna ng kalsada sa Brgy. District 4, sa bayan ng Balayan sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat ng Balayan Police, bandang alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kalsada at may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kinilala ang biktimang si alyas “Leo”, 39, binata, walang trabaho, at residente ng Brgy. District 1, Balayan, Batangas. Ayon sa salaysay ng isang residente mula sa Sitio Ina ng Awa, Brgy. District 4, nakita…
Read More40 SOCMED PERSONALITIES IPINATAWAG NG KAMARA
PINADALHAN ng imbitasyon ng Tri-Committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang may kuwarentang social media personalities o mga tinatawag na vloggers, sa pagsisimula ng kanilang imbestigasyon sa pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon. Bukas, Pebrero 4, 2025 ay sisimulan na ng Tri-Comm na binubuo ng committee on public order and safety, public information at information and communications technology ang kanilang imbestigasyon. Ayon kay Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, layon ng kanilang imbestigasyon na alamin ang epekto sa publiko ng fake news at maling impormasyon na ikinakalat sa social…
Read MoreDAGDAG BENEPISYO SA MGA LOYAL NA MIYEMBRO NG PHILHEALTH, IGINIIT
ISINUSULONG ni Senador Loren Legarda ang panukala na naglalayong bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga matagal nang miyembro ng PhilHealth. Sa kanyang Senate Bill 2964, nilalayon ni Legarda na kilalanin ang mga tapat na nagbabayad sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng PhilHealth Member Recognition Program (PMRP). Alinsunod sa ipinapanukalang programa, magkakaroon ng point-based reward system kung saan ang mga miyembrong matagal nang nagbabayad ng premium ay makakakuha ng puntos. Saklaw nito hindi lang ang kanilang mga susunod na bayad kundi maging ang mga naibayad nila sa loob…
Read MorePAGKATAO NG KANDIDATO ‘DI PANGAKO GAWING BASEHAN SA PAGBOTO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TATLONG buwan na lang at eleksyon na! Ambilis ng panahon, pero mabagal naman magtrabaho ang mga inihalal na politiko. Eto na naman sila. Maglulubid ng mga pangako para makopo ang boto ng publiko. Ang ibang botante ay maagap kapag halalan ang usapan. Ngayon nga, tulad ng dati, nakapili na sila ng iboboto nilang kandidato. Handa na. Iba na ang maliksi. Pero, sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na siyam sa 10 botante ay nagsabing susuportahan nila ang mga kandidatong magtagataguyod para sa paglikha ng…
Read MorePIYANSA NG FOREIGN INMATES SA BI, FOR SALE?
BISTADOR ni RUDY SIM “TATLONG milyong piso” para sa pansamantalang kalayaan ng isang Chinese national? Ito ang usap-usapan ngayon na kumakalat sa loob ng piitan ng warden facility ng Bureau of Immigration kung saan nakakulong ang iba’t ibang dayuhang may kinahaharap na iba’t ibang kaso. Ayon sa nakarating sa atin na tsismis sa loob ng piitan, naging kagulat-gulat ang halaga na ibinayad umano ng isang nagngangalang WANG WENJING. Nang ito ay magkwento sa kanyang kasamahan inmates para ito makalaya sa pamamagitan ng bail o piyansa, ay nagbayad umano ito ng…
Read MoreSALUDO KAY VP SARA DUTERTE
TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng mga hamon ng kasalukuyang panahon, napatunayan ni Vice President Sara Duterte ang kanyang kakayahang maglingkod nang may malasakit at mabisang aksyon para sa ikabubuti ng bawat mamamayan ng bansa. Ang kanyang mga programa at inisyatiba ay patunay ng kanyang dedikasyon sa pagsulong ng edukasyon, seguridad, at paghubog ng mas matibay na kinabukasan para sa mga Pilipino. Isa sa pinakamakabuluhang mga hakbang ni VP Duterte ay ang pagtuon sa pagpapatatag ng sektor ng edukasyon noong siya naging kalihim ng DepEd. Noon ay inilunsad niya…
Read MorePagsusulong sa Animal Welfare
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MAHALAGANG usapin sa bansa ang pangangalaga ng kapakanan ng mga hayop dahil hindi maikakailang marami pa ring mga tao na nagmamalupit sa kanila. Noong 2020, iniulat ng Compassion and Responsibility for Animals (CARA) Welfare Philippines ang 3,000 kaso ng pagmamalupit sa hayop at kabilang sa mga karaniwang anyo ng pang-aabuso ang pambubugbog, pagsipa, pagsunog, at pagkatay sa mga hayop. Hindi natin maikakaila na malapit ang loob ng maraming Pilipino sa mga hayop. Mula sa ating sariling mga alagang hayop hanggang sa mga hayop sa lansangan,…
Read More