“ANG ‘di pagsunod sa simpleng regulasyon ay maaaring magdulot ng kapahamakan. Halimbawa: nito lamang ginamit ang Ninoy Aquino Stadium (isang sports venue) para sa “patawag” ni Mr. Francisco Domagoso kahit ang permit noon ay para lang sa sports events. Anong nangyari? Nagsiksikan, nagkagulo, may senior citizen na na-heat stroke, patay! Si Konsehal Apple Nieto nagpa-bingo sa kalsada, may batang nasagasaan. Patay. Mananagot ang mga dapat managot.” Ito ang inihayag ni Manila public information office chief Atty. Princess Abante, nang kanyang batikusin ang isang social media post ukol sa fake memo…
Read MoreDay: February 7, 2025
P2.7-B SHABU MULA PAKISTAN NASABAT
MAHIGIT 400 kilograms ng crystal meth, o shabu, na P2.7 billion ang halaga mula sa Pakistan, ang nakumpiska sa operasyon noong Enero, ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, agad nilang inimpormahan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla makaraang matanggap ang intelligence report mula sa foreign counterpart, ang hinggil sa parating na drug shipment mula sa Karachi, Pakistan. Dagdag ni Santiago, bumuo si Remulla ng task force na kinabibilangan ng NBI, Bureau of Customs, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)…
Read MoreBUMOTO PABOR SA IMPEACHMENT NI VP SARA, HINDI AKO-OFW PARTY-LIST
NILINAW ng AKO-OFW Party-list na hindi sila ang partido ng mga OFW na bumoto para ma-impeach si Vice President Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kasunod na rin ito ng mga post sa social media na nagpapakita ng galit sa hakbang ng OFW Party-list sa pangunguna ni Marissa del Mar. Ayon kay AKO-OFW party-list chairman and 1st nominee Dr. Chie Umandap, magkaiba ang AKO-OFW Party-list sa OFW Party-list. Aniya, lubos siyang nababahala na baka isipin ng mga OFW na ang kanyang party-list ang nagdesisyon sa pagboto para ma-impeach si…
Read More2 TERORISTA NAPATAY SA SAGUPAAN SA SAMAR
DALAWANG miyembro ng Communist Terrorists Group (CTG) ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army habang iba’t ibang war materials ang nasamsam sa serye ng sagupaan na naganap sa liblib na bahagi ng Barangay Sto. Niño, Paranas, Samar, ayon sa ulat ng militar kahapon. Ayon sa 8th Infantry Division, nagkasa ng focused military operation ang kanilang tropa kasunod ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa presensya ng armadong kalalakihan na nagsasagawa ng extortion activities sa nasabing barangay. Nangyari ang unang sagupaan bandang alas-5:00 ng umaga nang masabat ng Army…
Read MoreMARTSA PARA SA KALIKASAN NILARGA SA PAGBILAO
HIGIT 2,000 katao na binubuo ng mga taga-simbahan, environmentalists, estudyante, at grupo ng mamamayan ang lumahok sa “Lakad Dasal ng PAG-ASA para sa Kalikasan” na nagsimula sa simbahan ng Pagbilao, Quezon, para tutulan ang mga aktibidad na sumisira sa kalikasan sa kanilang bayan. Ang martsa ay inorganisa ng Mamamayan Laban sa Korapsyon at Quarry (MLQ) at naglalayong ipanawagan ang pagtigil sa mapanirang quarrying, korupsyon sa pamamahala ng likas na yaman, at ang paggamit ng fossil fuels tulad ng coal. Sa kanilang pahayag, binanggit ng MLQ ang Laudate Deum ni Pope…
Read MoreMANDANAS INAKUSAHANG DESPERADO, GUMAGAMIT NG PEKENG SURVEY FIRM
PINARATANGAN si Batangas Gov. Hermilando Mandanas ng kanyang mga kritiko na desperado at gumagamit na ng pekeng survey company para palakasin ang kanyang kandidatura bilang vice governor ng lalawigan. Sa survey ng One Research Philippines Inc. (ORPI), malaki umano ang lamang ni Mandanas sa karera sa pagka-bise gobernador. Pero sa pagsasaliksik, lumilitaw na walang kahit anong detalyeng makikita sa internet tungkol sa ORPI. Ang Facebook page nito ay ginawa lang noong Enero 18 at hindi naman mabuksan ang kanilang website na http://www.oneresearchphinc.com/. Malayong-malayo ito sa ibang survey firms gaya ng…
Read MorePulis vs pulis MISTER PATAY KAY MISIS
PATAY ang 43-anyos na pulis nang barilin ng kanyang misis na isa ring pulis sa garahe ng kanilang bahay sa Brgy. Cuayan, Angeles City noong Lunes ng gabi. Kinilala ni PMajor Dexter Ebbat, chief of police ng Angeles City Police Office (ACPO), ang biktimang si Police Chief Master Sergeant Jayson Mariano, miyembro ng PNP na nakatalaga sa City Investigation and Detection Management Unit ng ACPO, residente ng nasabing lugar. Kinilala naman ang suspek na si Police Staff Sergeant Karen Mariano, 34, misis ng biktima, miyembro rin ng PNP na nakatalaga…
Read MorePINAKAMAHAL NA URI NG KAHOY, TINANGKANG IPUSLIT
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang isang kilo ng agarwood, itinuturing na pinakamahal na uri ng puno o kahoy, na tinangkang ipuslit palabas ng bansa. Ayon sa ulat, nasabat ang outbound cargo na naglalaman ng rare and highly valued agarwood na tinatayang nagkakahalaga ng P750,000, sa warehouse sa Pasay City na ilalabas sana ng bansa. Ang nasabing uri ng kahoy na itinuturing na endangered ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay mahigpit na ipinagbabawal na ibenta lalo na…
Read MorePAJ OFFICIALS NANUMPA SA TUNGKULIN KAY USEC. TADURAN
NANUMPA sa kani-kanilang tungkulin ang mga bagong opisyal ng Philippine Agricultural Journalist Inc. (PAJ) kay Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Niña Taduran nitong Miyerkoles ng umaga. Nag-pledge ng commitment at unity para gampanan nang buong husay ang kani-kanilang posisyon ng mga bagong opisyal ng PAJ. Nagpahayag din ang grupo ng kanilang kahandaan para ipatupad ang mission at vision ng PAJ na may kaakibat na dedication para makatulong sa ninanais ng pamahalaan na magkaroon ng sapat na pagkain sa bawat hapag kainan. Ang Induction Ceremony ay ginanap sa Emancipation Lounge…
Read More