TUMANGGAP ng pagkilala mula sa Amerika Prestige Awards ang negosyante at philanthropist na si Sara Discaya bilang “Empowered Philippine Businesswoman for 2025” dahil sa kanyang hindi matatawarang commitment na makapagbigay ng positive impact sa mundo.
Kabilang si Discaya sa ilang kababaihan sa mundo na kinilala ng Amerika Awards dahil sa pagseserbisyo publiko.
Si Discaya o mas kilala sa tawag na “Ate Sara” ay kilala sa pagtulong sa mga nangangailangan upang mapagbuti ang kanilang pamumuhay.
Ayon kay Sam Azurel, presidente at founder of Amerika Prestige Awards, binibigyang-pagkilala nila ang remarkable achievements ng kababaihan na kilala sa kani-kanilang larangan. Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa mga Pinay na hindi lamang naging matagumpay sa kanilang larangan kundi nag-alay rin ng oras para maisulong ang kanilang adbokasiya.
“Once again, we would like to express our most sincere congratulations for the accomplishments you are being recognized for this year and look forward to seeing you at the Amerika Prestige Awards Night,” ayon kay Azurel.
Ang paggawad ng parangal kay Discaya ay gaganapin sa May 24, 2025 sa Church of Scientology Valley sa Los Angeles, California.
Si Discaya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration sa La Consolacion College sa Maynila at kasalukuyang Vice President, CEO at marketing manager ng WAY MAKER GENERAL; Contractor. Si Discaya ay tumatakbong alkalde sa Pasig City sa layong higit na mapagserbisyuhan ang mahihirap.
