NILINAW ng AKO-OFW Party-list na hindi sila ang partido ng mga OFW na bumoto para ma-impeach si Vice President Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Kasunod na rin ito ng mga post sa social media na nagpapakita ng galit sa hakbang ng OFW Party-list sa pangunguna ni Marissa del Mar.
Ayon kay AKO-OFW party-list chairman and 1st nominee Dr. Chie Umandap, magkaiba ang AKO-OFW Party-list sa OFW Party-list.
Aniya, lubos siyang nababahala na baka isipin ng mga OFW na ang kanyang party-list ang nagdesisyon sa pagboto para ma-impeach si VP Sara.
Dagdag pa ni Umandap, dapat ay sumangguni muna si Marissa del Mar sa OFW sector para hingin ang kanilang posisyon sa naturang isyu. Kabilang sa taliwas na posisyon ng AKO-OFW Party-list kay Cong. Marissa Del Mar ang tila pagsuporta nito na gawing legal ang online sabong na mariing tinututulan ng OFWs.
Ang tunay na adbokasiya ng AKO-OFW Party-list ni Dr. Chie Umandap ay para sa kapakanan ng OFWs kabilang ang OFW pension plan, Pabahay program, Livelihood, Expanded Scholarship, OFW hospital Ward at Free wi-fi sa bawat barangay.
Sa huli, nanawagan si Umandap na maging mapanuri ang mga botante pagdating ng halalan at hanapin ang 116-AKO OFW PARTY-LIST.
9