BISTADOR ni RUDY SIM DAHIL sa katandaan ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration at nais pa nitong mapaligaya ang kanyang batang-bata na bebot na itatago natin sa pangalang Miss Rich, ay pilit nitong pinatitigas ang kanyang pagkalalaki. Itatago natin ang opisyal sa pangalang alias “Thunder”, hindi na umano nito itinatago ang relasyon sa bente sais anyos na bebot, at madalas na sila’y makitang sweet na nagsusubuan kada tanghali sa kanyang tanggapan sa ikalawang palapag ng BI main office. Aba, kaya pala masipag itong si Sir sa fixing…
Read MoreDay: February 14, 2025
PAGPUPUGAY SA ASENSO PINOY PARTY-LIST AT KAY GOV. OAMINAL
TARGET NI KA REX CAYANONG ANG Asenso Pinoy Party-list ay matagumpay na pumuwesto sa ika-9 na ranggo sa pinakahuling Pulse Asia nationwide survey, na may inaasahang dalawang puwesto sa Kongreso. Isang malinaw na patunay ito na nagbubunga na ang pagsusumikap ng mga miyembro ng partido nitong mga nagdaang buwan. Gayunpaman, hindi maaaring maging kampante. Marami pang kailangang gawin upang mapanatili at mapalawak ang tagumpay na ito, sa layuning makamit ang maximum na tatlong puwesto sa Kongreso. Kung kaya’t patuloy ang pagkilos at determinasyon nila upang mapalapit sa layuning ito. Sa ngayon,…
Read MorePNP DAPAT PANGALANAN MGA PULIS NA NAGDAWIT SA PNP CHIEF
RAPIDO NI TULFO SINO kaya ‘yung mga pulis na sangkot sa pagdawit ng pangalan ni PNP chief, Gen. Rommel Marbil matapos na sitahin ng mga miyembro ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), ang isang convoy na may escort na mga pulis dahil sa pagdaan sa EDSA Bus Way? Matatandaang matapos na masita ang naturang convoy at natiketan ang driver ng van, pinuntahan ng hindi pa nakikilalang mga pulis ang mga miyembro ng SAICT at sinabing pinatitigil daw di-umano ng PNP chief ang operasyon nito. Ito ay itinanggi…
Read MorePALPAK ANG PARTY-LIST SYSTEM
EDITORYAL MULA sa pagbabalangkas hanggang sa ganap na maging batas noong Marso 1995, inakala ng mga abang sektor ng lipunan na magkakaroon na sila ng tinig sa Kongreso sa bisa ng Party-list System Act. Subalit makaraan ang tatlong dekada, nganga pa rin ang mga magsasaka, mangingisda, may kapansanan, migrante, manggagawa, maralita at iba pa. Dangan naman kasi, hindi naman mga tunay na marginalized sector ang kinakatawan ng mga party-list congressman sa ating Kamara de Representante at sa madaling salita, puro sila mga pekeng kinatawan ng abang sektor ng lipunan. Sa…
Read More