3 CHINESE ARESTADO, 23 PINOY WORKERS NASAGIP SA POGO

LAGUNA – Tatlong Chinese nationals ang naaresto at 23 Pilipinong manggagawa ang nasagip sa isinagawang raid sa isang hinihinalang ilegal na POGO sa Sitio Ilaya, Brgy. Lamesa, Calamba City noong Biyernes. Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station, bandang alas-9:00 ng umaga nang isagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng CIDG RFU 4A, Laguna PPO, RIU4A, RID4A, Calamba Police, Bureau of Immigration (BI), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), OCC-Cyber Crime Unit, DOJ, at LGU ng Calamba City, Laguna. Ang operasyon ay base sa impormasyon mula sa mga opisyal…

Read More

TANDEM HOLDAPER TIMBOG

SWAK sa selda ang tinaguriang riding in tandem holdaper makaraang madakip sa isinagawang anti-criminality operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Malate Police Station 9 noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang dalawang suspek na sina “Ronnie”, 27, at Benidic,18-anyos. Base sa ulat nina Police Staff Sergeant Marlon Nobleza at Police Staff Sergeant Alquin Arcega kay Police Captain Bryan Rei Salonga, hepe ng Intelligence Section, bandang alas-3:00 ng hapon nang mabingwit ang dalawang suspek sa Barangay 701, Malate, Manila. Ang mga suspek ang itinuturong homoldap sa biktimang si alyas…

Read More

Kahit apektado ng rice tariff reduction KOLEKSYON NG BOC UMABOT SA P931-B

NAHIGITAN ng Bureau of Custom ang kanilang naitalang revenue collection noong 2023 nang umakyat ang nakolektang kita ng Aduana sa P931.046 bilyong nitong 2024, sa likod ng epekto ng tariff reduction sa bigas at iba pang imported items. Ayon sa BOC, mas mataas sa 2023 collection nitong P874.166 billion ang kanilang revenue collection para sa nakalipas na taon ng 2024. Ipinagmalaki pa ng Aduana, ang full-year 2024 revenue collection ay nakamit “despite the lower 2024 baseline due to the impact of tariff reduction in rice and selected electric vehicles, and…

Read More

2 HIGH-RANKING CTG LEADERS NAPATAY NG AFP EASTMINCOM

DALAWANG high ranking Communist New People’s Army leaders ang napaslang ng mga tauhan ng Philippine Army Eastern Mindanao Command sa Agusan del Sur. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. General Roy Galido, nasabat ng mga tauhan ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn), na nasa ilalim ng operational control ng 401st Infantry Brigade, 4th Infantry Division (4ID) ng EastMinCom, ang isang grupo ng armadong kalalakihan na nagresulta sa ilang minutong sagupaan. Una rito, nakatanggap ng intelligence information ang 3SFBn mula sa lokal na mga residente…

Read More

SSS PABABABAIN ANG LOAN INTEREST, SELF-EMPLOYED COVERAGE

(Ni Tracy Cabrera) DILIMAN, Lungsod Quezon — Sa pagnanais na mapaigting ang kanilang serbisyo sa mga pensyonado, nakatakdang pababain ng Social Security System (SSS) ang interest rates sa salary at calamity loan program nito at gayun din sa self-employed coverage. Sa talatang inilabas nito, hinayag ng SSS na inaasahan nilang maipapatupad ang pagbabawas sa loan interest at self-employed coverage ngayong taon upang mapadaling sundin ng mga pensyonado ang mga requirement at iba pang proseso ng beripikasyon na kailangang isumite. Ayon kay SSS president at chief-executive-officer Robert Joseph De Claro, pinag-aaralan…

Read More

MAS MAGINHAWANG BIYAHE SA MGA EXPRESSWAY

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SIMULA Marso 15, muling ipatutupad ng Toll Regulatory Board (TRB) ang cashless o contactless toll collection sa lahat ng mga expressway. Mahalaga ang inisyatibang ito para mas mapadali, mapabilis at magkaroon ng mas maginhawang biyahe ang mga motorista. Nauna nang inilunsad ang naturang programa noong Disyembre 2020 bilang solusyon sa matagal na pila at congestion sa mga toll plaza pero hindi pa ito ganap na naipatupad dahil sa ilang operational na isyu. Ngayong handa na ang pamahalaan at siyempre ang mga concessionaire na nagpapatakbo dito,…

Read More

ANG MGA NAGAWA NI DRA. MARICEL NATIVIDAD NAGAÑO SA KANYANG MGA NASASAKUPAN

TARGET NI KA REX CAYANONG SA panahon ng pamamahala, ang mga proyekto at programa ang nagiging salamin ng tunay na paglilingkod sa bayan. Ngunit paano nga ba natin malalaman kung ang isang lider ay talagang nag-iwan ng makabuluhang pamana? Sabi nga ni Konsehal Regie Angeles ng bayan ng Cabiao, panahon na upang ikumpara ang nagawa ng dalawang kongresista ng 4th District. Ihambing natin ang kasalukuyan sa nagawa noon ni Dra. Maricel Natividad Nagaño. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naipatayo ang barangay halls, senior citizens buildings, at day care centers na nagbigay…

Read More

TITINDI PA ANG BANGAYAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAINIT na ang pulitika habang lumalapit ang araw ng eleksyon sa Mayo. Numero unong nagbabangayan syempre ang kampo ng Marcos at Duterte. Kanya-kanyang patutsadahan at panlalait sa pambato ng magkabilang kampo. Expected na ‘yan, ganyan naman talaga eleksyon sa Pilipinas. Pero pag natapos na ang eleksyon at mayroon nang panalo, magugulat ka na lang dahil ‘yun dating nasa kabilang bakod ay kumakampi na sa kanyang nakalaban. Sa pulitika nga raw kasi ay walang permanenteng kaaway o kaibigan paano kasi, puro pansariling interes. \o0o Bukod sa pulitika,…

Read More

BILANG NG MAHIHIRAP NA PAMILYA SA BATANGAS UMAKYAT

SA kabila na kilala bilang isa sa maunlad na lalawigan sa Region 4A o CALABARZON, tumaas pa rin ang bilang ng mahihirap na pamilya sa Batangas. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 2025, nadagdagan ang bilang ng mahihirap na pamilya sa Batangas ng 7,200 mula sa 32,300 noong 2021 patungong 39,500 noong 2023. Tumaas din ang poverty incidence rate ng Batangas mula 4.3 percent noong 2021 patungong 4.9 percent noong 2023. Kung ikukumpara sa ibang lalawigan sa rehiyon, bumaba ang bilang ng mahihirap na pamilya sa…

Read More