FAKE news ang kumakalat na may mga barkong pandigma ang China na namataang naglalayag malapit sa Jose Panganiban sa Camarines Norte. Agad na nagpalabas ng paglilinaw ang Philippine Navy noong Lunes, Pebrero 17, na ang foreign warships na namataan malapit sa Jose Panganiban ay pagmamay-ari ng France, United States at Japan. Hindi umano ito pagmamay-ari ng China. Ipinaliwanag ng PN na ang United States Navy, Marine Nationale, at Japanese Maritime Self-Defense Force ay nagsasagawa ng malaking naval exercises sa Philippine Sea bilang bahagi ng “Exercise Pacific Steller 2025.” “These are…
Read MoreDay: February 18, 2025
SUPORTA NG RIDERS NAKUHA NI TOLENTINO
SINALUBONG ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino ang mga rider na galing sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Sama-samang nagpakita ng kanilang suporta sa Senador ang mga rider dahil sa kanyang panukala na nag-alis sa dobleng plaka at sa isinusulong nitong pagtrato sa riders bilang regular na empleyado na may benepisyo at makatatanggap ng 13th month pay. (Danny Bacolod) 18
Read MoreTITSER ARESTADO SA RAPE SA ESTUDYANTE
ARESTADO ang isang 36-anyos na guro sa bisa ng dalawang warrant of arrest makaraang matunton ng mga awtoridad sa bayan ng Pavia sa lalawigan ng Iloilo noong Pebrero 13, 2025. Ayon sa natanggap na report ni District Director PCol. Villamor Tullao ng Eastern Police District (EPD), kinilala ang suspek na guro na si alyas “Dodzman”, itinuturing na no. 2 most wanted person ng Eastern Police District at no. 3 naman sa listahan ng most wanted persons ng Pasig City Police Station. Ayon pa sa report, unang naaresto ang suspek sa…
Read MoreKATOTOHANAN, ‘DI KASINUNGALINGAN MAGPAPALAYA SA ATIN– SY-ALVARADO
“GAWA, hindi salita; at katotohanan, hindi kasinungalingan ang magpapalaya sa atin.” Ito ang sagot ni dating Bulacan Governor Wilhelmino “Willy” Manucdoc Sy-Alvarado sa mga kalaban sa pulitika na nagpapakalat na hindi siya nakikita ng mga residente sa kanilang lalawigan. Katunayan aniya, lagi siyang may nakahandang tsinelas para ano mang oras, may putik man o wala, mapupuntahan niya ang mga kababayan niyang nangangailangan ng dagliang tulong. Binubuo ang Bulacan ng mga bayan ng Sta. Maria, San Rafael, San Miguel, San Ildefonso, Pulilan, Plaridel, Paombong, Pandi, Obando, Norzagaray, Angat, Balagtas, Baliuag, Bocaue,…
Read More“KAGALANG-GALANG”
KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari SA PAGSISIMULA ng kampanya para sa mga kandidatong senador ay lalong nabuyangyang ang maruming eleksyon sa bansa. Sa halip na mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na magkaroon sila ng pagbabasehan sa gagawing pagpili ng kanilang ihahalal ay dismaya ang inaabot. Sa unang salida ni PBBM sa Ilocos Norte sa kampanya ng kanyang 12 kandidatong senador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, agad niyang ipinagyabang na wala sa kanyang mga manok ang may record ng pagsangkot sa madugong drug war noong…
Read MoreANAK NI JANET LIM-NAPOLES TUMATAKBONG KONGRESISTA
RAPIDO NI TULFO ISA sa mga pagpipilian sa mga tumatakbong party-list sa darating na halalan ay itong “KAUNLAD PINOY” na ngayon pa lang sasabak sa larangan ng pulitika. At isa sa kanilang nominee ay itong si James Napoles, anak ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles Si Janet Lim-Napoles ay kasalukuyang nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City matapos na masentensyahan ng Sandiganbayan noong Oktubre 2023 sa walong kaso ng corruption cases. Nahatulan si Lim-Napoles ng mahigit sa 106 taong pagkakakulong at inutusan ng korte na…
Read MoreBAKIT SI YORME ISKO?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA mga town hall meeting, meet and greet sa iba’t ibang barangay at kuwentuhan sa kalye e iba talaga ang sinasabi ng tunay na survey sa mga tinanong na mga Batang Maynila — bukod pa ito sa tanong ng mga commissioned political survey. Opo, totoong-totoo ito, at talagang tunay na mas marami ang naniniwala na karapat-dapat na ibalik na alkalde ng Maynila si Francisco ‘Yorme Isko Moreno’ Domagoso sa 2025 midterm elections. Iisa ang sinasabi ng maraming nakausap, sumagot sa tanong kung bakit si…
Read MoreSinampal ng disqualification case TULFO HINDI PILIPINO
(JOCELYN DOMENDEN) KWESTYONABLE ang pagiging Pilipino ng mga Tulfo kaya hindi sila nararapat maluklok sa pwesto. Kabilang ito sa mga dahilan ng paghahain ng disqualification case ng isang abogado kamakalawa laban sa mga Tulfo na tumatakbo sa Kongreso para sa Halalan 2025. Sa 19 pahinang petisyon na inihain ni Atty. Virgilio Garcia sa Commission on Elections (Comelec), hiniling na idiskwalipika sina ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at broadcast journalist Ben Tulfo, na parehong tumatakbo sa Senado; ACT-CIS Rep. Jocelyn Pua-Tulfo at Quezon City Rep. Ralph Tulfo, na nagbabalik sa Kamara, at…
Read MoreDIWA NG PEOPLE POWER ‘DI KAYANG PATAYIN NI BBM
MARIING pinunto ni dating Bayan Muna party-list representative Teodoro ‘Teddy’ Casiño na kahit ano’ng gawin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay hindi nito magagawang patayin ang diwa ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa kanyang pamilya noong 1986. Reaksyon ito ng dating congressman Teddy Casino makaraang palabnawin o i-downgrade ni Pangulong Marcos Jr. bilang special working holiday na lang mula sa pagiging regular na holiday ang ika-39 na taong anibersaryo ng People Power sa Pebrero 25. “The EDSA People Power Revolution remains as a testament to the power…
Read More