MOTORSIKLO NASABITAN, MAY-ARI NAMARIL

LAGUNA – Sugatan ang isang motorcycle rider matapos na pagbabarilin ng may-ari ng isa ring motorsiklong kanyang nasabitan habang nagpa-park sa isang gasolinahan sa Brgy. Makiling, Calamba City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling araw, galing sa inuman ang biktimang si alyas “Ken” at isa niyang kaibigan at pauwi na sa kanilang bahay nang maisipan nilang bumili ng pagkain sa tindahan sa gasoline station. Ngunit habang inaatras ng biktima ang motorsiklo para mag-park, aksidente niyang nasabitan ang motorsiklo ng tatlong lalaking nasa…

Read More

2 PILOTO NG PAF NAIBABA NA MULA SA CRASH SITE, PROBE PINASIMULAN NA

ANIM na oras ang kinailangan ng mga tauhan ng Philippine Army Special Forces para maibaba mula sa crash site ang bangkay ng dalawang piloto ng Philippine Air Force, na nagsagawa ng midnight air artillery support sa mga tauhan ng Army na tumutugis sa isang grupo ng New People’s Army sa Cabanglasan sa Bukidnon. Ayon Kay Lt. Col. Francisco Garello, “Successfully extracted na po sila, around midnight, around 1 am nailabas na po sila from crash site going to pick-up point sa munisipyo ng Pangantucan, Bukidnon. From there, the cadavers were…

Read More

LOCAL CAMPAIGN TUTUTUKAN NG COMELEC

TUTUTUKAN ng Commission on Elections (Comelec) ang nalalapit na kampanya para sa lokal na posisyon. Sa “Meet The Manila Press”, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, itinuturing ng komisyon na mainit ang laban sa pulitika sa lokal kaya naman kanila itong babantayan. Aniya, dito kadalasan nagkakaroon ng mga problema kung saan kahit hindi sapat ang resources ng Comelec, sisikapin pa rin nila na magawa ang kanilang trabaho. Bagama’t nakapapagod, hindi magsasawa ang Comelec na magpadala ng notice o sulat sa mga local candidate na may election offense. Partikular ang mga…

Read More

MANHUNT INILUNSAD SA PUGANTENG KOREANO

NAGLUNSAD ng manhunt operation ang Bureau of Immigration laban sa isang Koreano matapos itong maaresto ngunit nakatakas mula sa mga awtoridad. Ayon sa BI, wanted sa South Korea ang suspek na si Na Ikhyeon na dahil sa pekeng investments. Siya ay naaresto noong Mayo 2023 at ipinagpaliban ang pagpapatalsik sa kanya dahil tinatapos pa ang pagdinig para sa kanyang kasong estafa. Noong Marso 4 naman ng sumunod na taon nang makatakas si Na mula sa mga awtoridad habang nasa korte, kaya iniutos ang manhunt operation laban sa kanya. Samantala, nakapag-establish…

Read More

3 PATAY SA SUNOG SA MARIKINA; 3 SUGATAN

PATAY ang tatlo katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa sunog nitong Huwebes ng umaga sa isang residential area sa Concepcion Uno sa Marikina City. Kinilala ni SSO2 Balbuena, ang mga nasawi na sina Rodolfo J. Jamisola, 59-anyos, Angelica Jarlego 23-anyos at si Annaleah M. Jarlego, 18-anyos. Sa ulat, natagpuan ang mga biktima na sama-sama sa isang kwarto sa nasunog na bahay. Kinilala naman ang mga nasugatan na sina si Ronel Jam Jarlego, 29; Stacy Ane Jarlego, 6 at Sid Andrei Jarlego na nagtamo ng konting sunog sa…

Read More

KAPANATAGAN AT SIGLA IBABALIK SA MAYNILA

NANGAKO si dating Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na ibabalik ang sigla at kalinisan ng Maynila bilang kabisera ng bansa sakaling siya ay makabalik bilang alkalde ng lungsod sa darating na May 12 elections. Bukod dito, tiniyak din ni Domagoso sa The Manila Press forum na ibabalik niya ang kapanatagan at pamumuhay na bawat Manilenyo. Ayon sa dating alkalde na muling sumasabak sa mayoralty race sa Maynila, ipagpapatuloy niya ang nasimulan kung saan may gobyerno ang Maynila- ang kaayusan, kalinisan. “Aalisin ko ang kadugyutan,” pahayag ni Domagoso at sinabing ibabalik niya…

Read More

RAPE SUSPECT SA VALENZUELA, NATUNTON SA MINDORO

NAGWAKAS ang sampung taong pagtatago sa batas ng isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa sa Valenzuela City, nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Mamburao, Occidental Mindoro. Ayon sa Valenzuela City Police, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa nasabing lugar ang akusadong si alyas “Jonathan”, 30, na kabilang sa most wanted persons sa lungsod, kaya agad bumuo ng team mula sa Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Unit. Nakipag-ugnayan sila sa 402nd Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion (MC-RMFB), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at…

Read More