MANHUNT INILUNSAD SA PUGANTENG KOREANO

NAGLUNSAD ng manhunt operation ang Bureau of Immigration laban sa isang Koreano matapos itong maaresto ngunit nakatakas mula sa mga awtoridad.

Ayon sa BI, wanted sa South Korea ang suspek na si Na Ikhyeon na dahil sa pekeng investments.

Siya ay naaresto noong Mayo 2023 at ipinagpaliban ang pagpapatalsik sa kanya dahil tinatapos pa ang pagdinig para sa kanyang kasong estafa.

Noong Marso 4 naman ng sumunod na taon nang makatakas si Na mula sa mga awtoridad habang nasa korte, kaya iniutos ang manhunt operation laban sa kanya.

Samantala, nakapag-establish na ang BI ng matibay na lead laban sa dayuhan at ikinakasa na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal na posibleng tumulong sa pagtakas nito. (JOCELYN DOMENDEN)

23

Related posts

Leave a Comment