LOCAL CAMPAIGN TUTUTUKAN NG COMELEC

TUTUTUKAN ng Commission on Elections (Comelec) ang nalalapit na kampanya para sa lokal na posisyon.

Sa “Meet The Manila Press”, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, itinuturing ng komisyon na mainit ang laban sa pulitika sa lokal kaya naman kanila itong babantayan.

Aniya, dito kadalasan nagkakaroon ng mga problema kung saan kahit hindi sapat ang resources ng Comelec, sisikapin pa rin nila na magawa ang kanilang trabaho.

Bagama’t nakapapagod, hindi magsasawa ang Comelec na magpadala ng notice o sulat sa mga local candidate na may election offense.

Partikular ang mga nagkakabit o naglalagay ng mga tarpaulin sa hindi designated poster area.

Paliwanag ni Chairman Garcia, kahit papaano ay sumusunod naman ang mga kandidato habang nananawagan siya sa mga local candidate na magkusa na sa pagtanggal ng mga poster at pasabihan din ang kanilang supporters sa patakaran nito. (JOCELYN DOMENDEN)

18

Related posts

Leave a Comment