EU MAGDE-DEPLOY NG EOM SA PHL MAY 12 ELECTION

MAGPAPADALA ang European Union (EU) ng Election Observation Mission sa Pilipinas upang obserbahan ang midterm elections ngayong Mayo 12. Napagpasyahan ni High Representative/Vice President of the European Commission (HR/VP) Kaja Kallas na mag-deploy ng EU Election Observation Mission (EOM) para obserbahan ang midterm polls. Ang EU ang kauna-unahang na magpapadala ng EOM sa pamamagitan ng imbitasyon ng Commission on Elections (Comelec). Sinabi ng EU na ang hakbang ay nagmamarka ng mas matibay na relasyon ng EU at Pilipinas. Itinalaga ni Kallas si Marta Temido, miyembro ng European Parliament, bilang chief…

Read More

5 MAG-AAMA SUGATAN SA LABO-LABO NG 2 PAMILYA

BATANGAS – Limang kalalakihan na mag-aama ang sugatan makaraang masangkot sa labo-labo ng dalawang pamilya sa Brgy. Bayanan, sa bayan ng San Pascual sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang si Cristoper Sola Sr., at mga anak nitong sina Cristoper Jr., Ken, Carl, at Ian, pawang mga residente ng lugar. Ayon sa ulat ng San Pascual Police, bandang alas-9:20 ng gabi, habang ang tatay na si Christopher ay nasa kanilang talyer ay dumaan ang suspek na kinilala sa pangalang “Rommel Jr.” na sakay ng motorsiklo. Sinasabing lasing…

Read More

BATO SA PAG-ARESTO NG ICC KAY FPRRD: BETRAYAL TO THE MAX!

BINATIKOS ni Senador Ronald Bato dela Rosa ang katwiran ng administrasyon na obligasyon ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Police Organization o Interpol kaya ipinatupad ang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Inakusahan pa ni dela Rosa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ipinagkanulo ang dating presidente sa International Criminal Court o ICC. “Betrayal to the max ang nangyari,” pahayag ni dela Rosa. Ipinaalala ni Dela Rosa na malinaw ang mga naging pahayag sa kanya noon ng Pangulo na hindi kailanman makikipagtulungan sa ICC kaya’t wala itong…

Read More

Bineberipika ng AFP MASS RESIGNATION NG MGA SUNDALO UMUGONG

NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na unverified at hindi validated ang pinakakalat sa social media na mass resignation sa hanay ng mga sundalo bilang suporta sa inarestong dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, “We urge everyone to exercise critical discernment and avoid spreading unconfirmed information”. “Maging mapanuri at responsable sa pagkuha at pagpapalaganap ng impormasyon, lalo na sa mga isyung maaaring magdulot ng pagkakawatak-watak.” Binigyang-diin ng tagapagsalita na ang Hukbong Sandatahan ay nananatiling propesyonal at tapat sa…

Read More

PINOY SA THE HAGUE: DU30 IBALIK SA PILIPINAS!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGKAKAISA ang mga Pinoy sa Netherlands sa paggiit na maibalik sa Pilipinas si dating pangulong Rodrigo Duterte matapos itong hulihin dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). Inabangan ng mga Pinoy ang pagdating ni Duterte sa The Hague Penitentiary Institution o Scheveningen Prison sa The Netherlands, Marso 12 (Miyerkoles sa Pilipinas). Sigaw nila, “Send him back”! habang inaawit ang Lupang Hinirang. Sa Pilipinas, patuloy ang pagtitipon-tipon ng mga tagasuporta ng dating pangulo sa ilang lalawigan. Kaugnay nito, iginiit kahapon ng Department of…

Read More

EXTENSION NG MRT OPERATION MAPUPURNADA

UMAPELA ang isang mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na huwag gamiting dahilan ang pagpalya ng escalator sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) para tablahin ang kahilingan ng mga commuter na palawigin ang operasyon nito kapag sinimulan na ang rehabilitasyon ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA). Sa halip, hiniling ni Akbayan party-list Representative Percival ‘Perci’ Cendaña sa kagawaran na magsagawa ng agarang pagsusuri sa operational system ng MRT-3 at ayusin ang mga dapat ayusin upang maiwasang magkaroon ulit ng aksidente. Ginawa ng mambabatas ang pahayag makaraang pumalya ang escalator sa…

Read More

POLITICAL DRAMA

Clickbait ni JO BARLIZO NAKATUTOK ang atensiyon kay dating pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa The Hague para harapin ang reklamong crimes against humanity sa International Criminal Court. Magkakasalungat ang iba’t ibang opinyon at reaksyon ng mga Pilipino sa pag-aresto at pagpapadala kay Duterte sa ICC. Ano ang kahihinatnan ng kanyang kaso? Mapabalik nga kaya siya agad sa bansa gaya ng iginigiit ng kanyang kampo o mananatili siya ng walo o higit pang taon sa Netherlands kapag umusad ang kaso? Napakaraming tanong na kailangan ipaubaya sa mga dalubhasa lalo…

Read More

MONA TAN MUKHANG MALALAGAY NA NAMAN SA ALANGANIN

RAPIDO NI TULFO MUKHANG ngayon palang talaga napagtutuunan ng pansin ng mga ahensiya gobyerno ang lumalalang problema sa abandonadong balikbayan boxes sa Bureau of Customs. Una naming natisod ang isyung ito noong taong 2023 matapos na makatanggap ng maraming reklamo sa aming messenger ukol sa inabandonang mga kahon mula sa Dubai, UAE. Inabot ng mahigit dalawang taon bago nagkaroon ng imbestigasyon sa Kamara dahil mas dumami pa ang bilang ng inabandonang containers na naglalaman ng balikbayan boxes. Sa naturang imbestigasyon na isinasagawa ngayon ng Committee on Overseas Workers Affairs, nabuko…

Read More

Isko at buong Yorme’s choice, sigurado isusulat na sa balota

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NAGBIBILANG na lang ng araw, ang kalat na usap-usapan sa bawat sulok ng City hall, wala na nga — tapos na ang eleksiyon sa Maynila, at kahit ano pang propaganda, pabida o pagbibigay ng ayuda, mga pangakong itataas ang social pension ng seniors, solo parents at PWDs at kahit pa lumuhod sa katedral ang mga katunggali ni Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, naitadhana ang dramatikong pagbabalik niya bilang alkalde ng siyudad. ‘Yung survey, iisa ang sinasabi: runaway winner si Yorme — na bukambibig na tawag na…

Read More