SM Mall of Asia’s 12th Philippine International Pyromusical Competition (PIPC)!

South Korea and the United Kingdom delivered a spectacular pyromusical battle at SM Mall of Asia’s 12th Philippine International Pyromusical Competition (PIPC)! The competition is fierce! Don’t miss the finale with Canada and the Philippines on March 15! Join the celebration and grab your tickets at SM Tickets outlets, the SM Tickets website, or the 12th PIPC Ticket Booth at SM MOA. Let’s light up the night together! #12thPIPCBattleOfTheChamps #12thPyromusicalAtMOA 390

Read More

PH EMBASSY SA NETHERLANDS PINURI SA PAGTULONG KAY DUTERTE

PINURI at pinasalamatan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang embahada ng Pilipinas sa Tha Hague sa agarang pagtulong kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasamahan nito na kinabibilangan nina dating Executive Secretary Salvador Medialdea. “We commend the embassy and its staff for extending assistance. We believe it was part of their job – to help any Filipino in distress in their assigned area, whether he is a former official or ordinary overseas Filipino worker or tourist,” ani Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. Bago dumating ang dating pangulo sa…

Read More

REP. ERWIN TULFO NAGPASALAMAT SA PAGKAKABASURA SA 2ND DQ

NAGLABAS ng opisyal na pahayag si ACT-CIS Congressman Erwin Tulfo sa pagbasura ng disqualification petition na inihain ng isang Berteni Causing laban sa kanya. Ibinasura rin ng 1st Division ng Commission on Elections ang isa pang disqualification case na isinampa ni Causing laban kay Cong.Tulfo. Ito ay kasunod ng pagbasura ng Comelec sa naunang DQ case na inihain naman ng isang Virgilio Garcia. Bunsod nito ay lubos ang pasasalamat ng mambabatas. “Una sa Poong Maykapal sa Kanyang patuloy na paggabay sa akin sa mga pagsubok na ito,” ani Tulfo. Nagpapasalamat…

Read More

VICO TINAWAG NA IPOKRITO NG MARCOS SUPPORTERS

BINATIKOS ng mga tagasuporta ng Marcos administration si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagtawag sa yumaong pangulong Ferdinand Marcos Sr., bilang isang diktador. Tinukoy ng mga supporter ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga post noon ni Sotto sa dating Twitter na ngayon ay “X” kung saan nananawagan ito na ihinto ang historical revisionism. Kalakip ng post ang larawan na may nakasulat na “Marcos Diktador ‘Di Bayani”. Si Sotto ay kilalang kaalyado ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa The Hague para harapin ang kanyang kasong may…

Read More

PROGRAMA SA PAGPAPABABA NG PRESYO NG BILIHIN, SUPORTADO NG A-TEACHER

NAGPAHAYAG ng suporta si Ateacher party-list nominee Virginia Rodriguez sa mga programa at inisyatiba ng Marcos administration na layong mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin kabilang ang bigas at iba pang agricultural products. Dahil sa pagbaba ng presyo ng bilihin, bumaba rin ang inflation rates noong Enero at Pebrero na napanatili sa minus 2.3 percent kumpara sa minus 2.8 percent noong Hunyo 2020, ayon sa ulat ng Department of Agriculture. Ayon kay Rodriguez, bunsod din ito ng mga hakbang ng pamahalaan at pakikipagtulungan ng ATeacher party-list na nagkakaloob ng organic…

Read More

ZERO HOSPITAL BILL SA OFWs, PAMILYA ITINULAK NI CONG. TULFO

BILANG pagkilala sa kanilang sakripisyo at pagtulong sa ekonomiya ng bansa, marapat lamang na sagutin ng PhilHealth ang hospital bill ng mga OFW at pamilya nito. Sa isang panayam, sinabi ni Cong. Erwin Tulfo, na malaking tulong ito ng PhilHealth sa OFWs at pamilya nila pagdating sa pangangalaga ng kanilang kalusugan. Sabi ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Cong. Tulfo, “Sobrang malaking kabawasan ito sa gastusin ng ating OFW lalo na yung mga domestic helper, labor, at mabababang sahod sa ibang bansa”. Aniya pa, “Kahit kalahati man lang ng kanilang…

Read More

KOOPERASYON NG PINAS SA INTERPOL KINATIGAN

KINATIGAN ng lider ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang desisyon ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. “By collaborating with Interpol, the Philippines sends a strong message to the global community: we are committed to upholding the rule of law, respecting international legal norms, and ensuring that justice prevails,” ani House minority leader Marcelino Libanan. Ipinaliwanag ng mambabatas na dating Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na napaka-importante ang papel ng Interpol…

Read More

Writ of habeas corpus inihain sa Korte Suprema DIGONG IUUWI NI BASTE

(JULIET PACOT) NAGHAIN ng panibagong petisyon sa Korte Suprema kahapon ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para mapauwi ang ama. Naghain ng writ for habeas corpus ang pangatlong anak ni Digong para manikluhod sa high tribunal na dinggin ang kanilang kahilingan para sa agarang pagpapauwi at pagpapalaya sa ama na ibiniyahe patungo sa The Netherlands hinggil sa kasong Crimes Against Humanity. Base sa judicial records, natanggap ng Supreme Court ang petisyon ni Mayor Baste Duterte pasado alas-9:00 ng umaga, Marso 12,…

Read More

Sympathy protest sisiklab? RALLY AREAS SA NCR BANTAY-SARADO

MAHIGPIT ang pagbabantay ng pulisya sa mga lugar na maaaring pagdausan ng protesta sa Metro Manila sa gitna ng banta ng malawakang pagkilos ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte na inaresto at binitbit patungong The Hague, Netherlands kasunod ng kanyang pagkakaaresto nitong Martes, Marso 11. Nauna nang ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng police forces nito na ilagay sa heightened alert status. Ayon kay NCRPO PBrig. Gen. Anthony Aberin, nakapokus sila sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon partikular na ang pagtugon sa lahat…

Read More