KINATIGAN ng lider ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang desisyon ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
“By collaborating with Interpol, the Philippines sends a strong message to the global community: we are committed to upholding the rule of law, respecting international legal norms, and ensuring that justice prevails,” ani House minority leader Marcelino Libanan.
Ipinaliwanag ng mambabatas na dating Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na napaka-importante ang papel ng Interpol sa paglaban sa transnational crimes tulad ng drug trafficking at human smuggling.
Bukod dito, malaki rin ang tulong aniya ng nasabing organisasyon sa Pilipinas lalo na sa BI, hindi lamang sa kagamitan kundi sa paghahanap ng mga wanted na Pinoy o dayuhan na nagkasala sa batas.
“During my tenure at the BI, we secured P250 million worth of computer systems from Interpol. These systems significantly enhanced our capabilities, enabling immigration officers at international ports of entry to access Interpol’s global database of wanted individuals,” ani Libanan.
Ang Interpol ay may binubuo ng 196 na bansa sa mundo at isa sa mga pinakamalaking international law enforcement organization at sumali dito ang Pilipinas noong 1951. (PRIMITIVO MAKILING)
