BAWAL BASTOS LAW WALANG KUWENTA?

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT PARANG walang sumeseryoso sa Republic Act (RA) 11313 o Safe Space Act na mas kilala bilang Bawal Bastos Law, dahil naglipana pa rin ang mga bastos tulad ngayong panahon ng kampanya para sa midterm election. Ang batas na ito ay unang inimplementa noong October 2019 at ang inatasang mag-implementa nito ay ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Local Government Units (LGUs) at Philippine National Police (PNP). Malamang ay alam nina ni Atty. Christian Sia at Misamis Oriental Governor Peter Unabia ang batas na…

Read More

MAHALAGA ANG MGA SALITA SA PULITIKA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HABANG papalapit ang panahon ng halalan, maraming kandidato ang nagsisimula nang ipakita ang kanilang tunay na kulay. Panahon na kung kailan nagsisimulang lumabas ang tunay na panig ng mga politiko, at tayo, bilang mga botante, ay dapat na bigyang-pansin ito. Sa nakalipas na mga linggo, nakita natin ang pagbabago sa ugali ng ilang tao. Dati silang naging maingat sa kanilang mga salita, ngunit ngayon ay inilalantad na nila ang kanilang mga sarili sa mga paraan na dapat mag-isip tayo ng dalawang beses bago bumoto.…

Read More

ABP, 6 NGOs NAGKAISA SA PAGKONDENA SA PAG-ARESTO SA 3 PINOY SA CHINA

PUNA ni JOEL O. AMONGO PINANGUNAHAN ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list ang anim na civic-oriented groups, sa pagkondena sa ilegal na pag-aresto ng China sa tatlong Pilipino dahil umano sa pag-eespiya. Kasama ng ABP Party-list sa pagkondena ang Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Isang Bansang Pilipinas (IBP) at ang Kalipunan ng Mamamayang Pilipino (KAMPIL), sa hakbang na ito ng China na anila ay isang propaganda tactic upang ilihis ang totoong…

Read More

Inulan ng batikos IMEE NANDIRI SA SUPPORTER?

UMANI ng batikos si Senadora Imee Marcos matapos kumalat sa social media ang video na nagpapakitang tila nandiri siya sa isang supporter na nagpakuha ng larawan sa kanya. Sa video post ng Facebook page na Boldyakera, makikita ang isang babae na excited magpakuha ng larawan kay Imee pagkatapos ng isang event. Humawak ang babae kay Imee, na agad namang inalis ang kanyang braso at lumayo na tila nandidiri. May bodyguard namang lumapit sa babae at inilayo ang kanyang braso sa mambabatas. “Kawawa naman si ate napahiya. Ayaw pahawakan, kasi feeling…

Read More

3 KANDIDATO SA QC INIREKLAMO NG VOTE BUYING

INAKUSAHAN ng isang grupo si dating Quezon City congressman Jesus ‘Bong’ Suntay at dalawang city council candidate ng vote-buying sa pamamagitan ng tinatawag na networking scheme. Mismong ang civic group na Quezon City Against Corruption (QCAC) ang naghain ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) Law Department nitong nakaraang Martes, na kung saan inakusahan si Suntay ng paglabag sa Omnibus Election Code. Kasama sa inireklamo ang dalawang city council candidate na sina Miguel ‘Migz’ Suntay at Emmanuel ‘Kiko’ Del Mundo. Base sa reklamo, inakusahan ang mga nabanggit ng “pyramid-like vote-buying…

Read More

ALYAS BATMAN SA TANGKANG PAGTAKAS NG 5 CHINESE TINUTUGIS

SA utos na rin ng Department of Justice (DOJ), sinisikap ng Bureau of Immigration (BI) sa tulong ng Philippine National Police (PNP) na matukoy at makuha ang detalye ng tunay na pagkakakilanlan ni alyas Batman, na itinuturong nagmaniobra sa tangkang pagtakas ng limang Chinese fugitives. Nauna rito, ang limang puganteng Chinese national na sina Ying Guanzhen; Yang Jinlong; Liu Xin; Shen Kan; at Luo Honglin, ay inaresto ng pinagsamang pwersa ng Immigration Intelligence Division at Fugitive Search Unit. Ang limang Chinese ay konektado sa Lucky South 99 na isang POGO…

Read More

Ashfall sa Kanlaon lumawak BILANG NG BAKWIT LOLOBO PA – OCD

SINABI ng Office of Civil Defense (OCD) na inaasahan na nito ang mas maraming bilang ng bakwit sa gitna ng matinding ashfall kasunod ng “explosive eruption” ng Bulkang Kanlaon. “There are 2,000 families in the 22 evacuation centers, but this could increase because the ashfall is really intense due to the Kanlaon volcano explosion, reaching 4,000 meters or four kilometers [from the volcano],” ang sinabi ni OCD spokesperson Chris Noel Bendijo. “We are monitoring residents in nearby areas in Bago, Canlaon, La Carlota, La Castellana and even San Carlos,” aniya…

Read More

PAGIGING BASTOS PWEDENG GROUND SA DQ – SOLON

MAGIGING ground for disqualification ng isang kandidato ang pagiging bastos, ayon sa panukalang batas na inihain ng isa sa miyembro ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan. Sa House Bill (HB) 11493, na inihain ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas, pinaaamyendahan nito ang Sections 68 at 261 ng Omnibus Election Code upang maisama ang pambabastos sa ground for disqualification ng isang kandidato. “Ang mga bastos at mapanghamak na pananalita laban sa kababaihan ay hindi dapat maging kalakaran sa ating pulitika. Dapat may pananagutan ang mga kandidatong gumagamit ng plataporma upang…

Read More

2 PRO-CHINA VLOGGERS HINUBARAN NG MASKARA

HINUBARAN sa House Tri-Committee hearing ang dalawang pro-China vlogger na nasa likod ng paninira sa Philippine Coast Guard (PCG) sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). Sa kanyang pagharap sa ikaapat na pagdinig ng komite sa fake news, misinformation at disinformation, pinangalanan ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela ang mga binanggit na vlogger na sina Anna Malindog Uy at Ado Paglinawan dahil sa kanilang pro-China post. Bukod sa paninira at paninisi ng dalawa sa PCG sa komprontasyon sa WPS, idinedepensa din umano ng mga ito ang mga Chinese national na…

Read More