NAKIISA rin si Senador JV Ejercito sa mga mambabatas na nag-endorso sa kandidatura ni dating senador Bam Aquino bilang Senador para sa halalan sa Mayo. Sa kanyang video message sa Facebook, todo ang puri ni Ejercito kay Aquino na inilarawan niyang masipag at may dedikasyon sa trabaho. Patunay anya rito ang maraming batas na pinakikinabangan ng maraming Pilipino, kabilang na ang batas ng libreng kolehiyo. “Dahil sa sipag niya ngayon, libre na ang kolehiyo sa Pilipinas,” ani Ejercito, na nakatrabaho si Aquino sa Senado mula 2013 hanggang 2019 at tumayo…
Read MoreDay: April 9, 2025
ELEKSYON Magpapaloko na naman tayo?
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MARAMI nang pambansang eleksyon ang naganap sa ating bansa at paulit-ulit lang na ginagasgas ng mga kandidato ang matatamis na mga pangakong ito: iaahon ang mga Pilipino sa kahirapan; pauunlarin ang bansa; magkakaroon ng trabaho ang mga wala; sasagana sa pagkain ang lahat; mumura ang presyo ng mga bilihin; magkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan sa buong bansa, etsetera at etsetera pa. Sa kabuuan, gagawing isang parang paraiso ang bansa ni Juan de la Cruz sa mga binabalak nila. Pero pagkalipas ng maraming halalan…
Read MorePAGTATAAS NG TARIPA NG US, MASAMA SA BANSA
RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI maganda ang magiging epekto sa ating bansa ng labing-pitong porsiyentong taripa (tariff) na ipinataw sa ating mga produktong ini-export papunta sa US. Ito ay ayon kay Prof. Emmanuel Leyco, kilalang ekonomista at dating presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Kinontra ni Prof. Leyco ang sinabi ng ilang miyembro ng gabinete ng administrasyon, na makikinabang ang bansa rito dahil pangalawa tayo sa pinakamababang tinaasan ng taripa kasunod ng Singapore. Sa paliwanag nito sa ating programa na may kapareho ring titulo na napakikinggan sa istasyong…
Read MoreBatang Maynila, negosyante, lahat ay excited na sa pagbabalik ni Isko
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ISA sa matinding pagsubok sa liderato ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noon ay hagupit ng pandemyang COVID-19 — na alam na alam ng katunggali niya na ngayon ay city mayor — na ang mga propagandista ay nagkakalat ng paninira, wagas sa kasinungalingan. Ibinaon daw ni Yorme Isko sa utang ang gobyerno ng Maynila noong pandemya! Teka, ang kalagayan ng lungsod, at ang buong bansa noon ay bagsak ang ekonomiya, marami ang walang trabaho at ikabubuhay pero kailangan na patuloy na mabuhay…
Read MoreLIGTAS, MAGINHAWANG BIYAHE SA HOLY WEEK PINATITIYAK
NAGBIGAY ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan at kaginhawahan ng lahat ng mga pasahero na maglalakbay sa kanilang sariling bayan o magbabakasyon ngayong Semana Santa. Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hindi lamang sa Department of Transportation (DOTr) nagbigay ng direktiba ang Pangulo kundi maging sa mga attached agency. “Ang direktiba po sa DOTr na dapat pong paigtingin ang kanilang pagmo-monitor sa nalalapit na pag-uwi…
Read MoreSPEEDY JUDICIAL PROCESS IHIHIRIT NG DU30 CAMP SA ICC
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMAPELA ang defense team ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber para hindi tumagal ang proseso ng paglilitis at hindi ito mapagkaitan ng karapatan sa “speedy judicial process.” Ang hiling ng kampo ng dating pangulo ay may kaugnayan sa admission process sa mga biktimang magbibigay ng testimonya hinggil sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte. Nais nilang ang ICC Office of Public Counsel for Victims ang tanging payagang maging legal representatives ng mga biktima at hindi ang mga…
Read More