SANDY CAY DISPUTED TERRITORIES ‘DI SAKLAW NG CHINA – PHIL. NAVY

MARIING pinabulaanan ng Philippine Navy ang pahayag ng China na naokupa o nakubkob na nito ang Sandy Cay na tinatawag nito bilang Tie Xian Reef sa disputed waters o pinagtatalunang karagatan sa South China Sea.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea, layon ng pahayag ng China na ilayo ang atensyon ng publiko sa mga alegasyon ng Chinese spies at troll farm na kinuha ng Chinese Embassy sa Manila noong 2023.

“Tsineck natin kasama ang Coast Guard, ang Navy, ang AFP, ang BFAR, and other agencies. Walang nakita doon and we were able to debunk ‘yung pinapalabas nila na may picture sila,” paglilinaw ni Trinidad.

“Hindi nga nakalagay kung kailan ‘yung picture na nakuha,” sabi pa ni Trinidad, kasunod ng pahayag ng China na nakuha na nito ang kontrol sa Sandy Cay, na bahagi ng Spratly Islands.

Bagama’t may mga namataan aniyang apat na China Coast Guard vessels at 19 maritime militia vessels malapit sa Sandy Cay.

Ginawa ng PN official ang paglilinaw matapos ipahayag ng China na naagaw nito ang kontrol sa Sandy Cays na parte ng Spratly Islands.

“May nakitang mga CCG at maritime militia na dati-rati naman ay nandoon sila sapagkat ang Sandy Cay ay malapit naman ito sa Pag-Asa [Island],” sinabi pa niya.

Tiniyak naman ni RAdm. Trinidad ang patuloy na pagbabantay ng pwersa ng Pilipinas sa Sandy Cay.

(JESSE KABEL RUIZ)

62

Related posts

Leave a Comment