DALAWANG LINGGO BAGO HALALAN, ERWIN TULFO NANGUNA SA PINAKABAGONG SENATORIAL SURVEY

DALAWANG linggo na lang bago ang May 12 election, nangunguna pa rin si ACT-CIS Party-list Representative at Alyansa para sa Bagong Pilipinas candidate Erwin Tulfo para sa Senado.

Nagkamit si Tulfo ng 100% awareness at 61.2% voting preference rating sa pinakabagong Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Abril 10-16 na naglagay sa kanya sa rank 1-2.

Lamang si Tulfo ng 15.8% sa voting preference rating sa kandidatong sumunod sa kanya.

Ani Tulfo, “Nagpapasalamat po ako sa ating mga kababayan sa patuloy nilang pagsuporta sa akin lalo na’t dalawang linggo na lang bago ang eleksyon”.

Pahayag pa niya, “Lagi ko naman sinasabi sa ating mga pag-iikot na ‘di pagsisisihan ng mga kababayan natin ang tiwalang ibinibigay nila sa akin.

Susuklian po natin ito nang mas masipag na serbisyo sa Senado”.

Hindi matatawaran ang magandang performance ni Tulfo sa kabi-kabilaang survey dahil bukod sa OCTA, parte rin siya ng mga nangungunang kandidato na lumabas sa resulta ng mga bagong survey ng WR Numero, Social Weather Stations, at Pulse Asia. Kasabay ng magandang posisyon sa mga survey ay ang tuloy-tuloy na pag-endorso ng mga lokal na opisyal kay Tulfo.

Kamakailan lamang ay naselyuhan niya ang suporta ng vote rich provinces na Pampanga at Pangasinan. Gayundin ang malaking pagsuporta ng mga pinuno ng Quirino Province.

83

Related posts

Leave a Comment