SEN. VILLAR NAKISIMPATYA SA PAGPANAW NG SANTO PAPA

SUMULAT si Sen. Cynthia Villar sa Book of Condolence bilang parangal sa Kanyang Holiness Pope Francis nitong Lunes, Abril 28, sa Apostolic Nunciature, Taft Avenue sa Manila.

Siya ay tinanggap ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown.

Nitong Sabado, April 26, inihimlay na sa kanyang huling hantungan ang lider ng Simbahang Katolika na si Santo Papa Francisco sa Saint Mary Major Basilica.

Pribado at simple ang isinagawang seremonya gaya ng kanyang kahilingan.

(Danny Bacolod)

64

Related posts

Leave a Comment