MAITUTURING na ng Philippine National Police (PNP) na lutas na ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito na si Armanie Pabillo pero hindi pa sarado. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng hapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Jean Fajardo, na hawak na nila si Gong Wei Li, alyas Kelly at Wu Jabing makaraang maaresto habang naka-check-in sa kilalang hotel resort sa Station 2 sa Isla ng Boracay, Sabado ng hapon. Nauna nang naaresto ang tatlong suspek kabilang si David…
Read MoreDay: May 19, 2025
BENTAHAN NG RIGHT-HAND MOTOR VEHICLES SA QC SINALAKAY NG LTO, QCPD
MAKARAAN ang direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na habulin ang mga indibidwal at grupo na lumalabag sa road safety, sinalakay ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DoTr) secretary Vince Dizon, ang isang establisimyento sa Quezon City na umano’y nasa likod ng bentahan ng mga second-hand right hand drive motor vehicle. Nabatid na sa operasyon naging katuwang ng mga tauhan ng LTO ang mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), bunsod ng naiulat sa social media monitoring hinggil sa naturang mga ilegal na…
Read MoreOCD NAKA-BLUE ALERT; TF SAN JUANICO BRIDGE BINUO
NILIKHA ngayon ng pamahalaan ang San Juanico Task Group (SJTG) sa pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., para tutukan ang seguridad, kaligtasan at operational coordination sa mga bayan mula sa magkabilang dulo ng San Juanico Bridge, na ipinagutos na isailalim sa structural assessment. Ang Office of Civil Defense (OCD) ang siyang inatasan na magsilbing lead agency at overall chair ng SJTG, na responsable sa pagtiyak ng magandang daloy ng trapiko, seguridad at mga rapid response effort sa buong kahabaan ng tulay. Kasabay nito ang paglalagay sa blue…
Read MoreKasama ng US at Japan PHIL. COAST GUARD SASABAK SA TRILATERAL EXERCISE
NAKATAKDANG sumabak ang Philippine Coast Guard sa gaganaping second trilateral coast guard exercise kasama ng United States at Japan. Ang unang trilateral maritime exercise ay ginanap sa dalampasigan ng Mariveles, Bataan, noong Hunyo 2023. Una rito, nakipagsabayan sa maritime exercises ang PCG sa bumisitang U.S. Coast Guard (USCG) Cutter Stratton na nagsagawa ng port visit sa Puerto Princesa City. Sa pagbisita ng USCGC Stratton, nagpartisipa ang kanilang crews sa series of engagements kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) na layuning palakasin ang kanilang bilateral partnership at isulong ang kanilang interoperability.…
Read More2 GRUPO NG MGA TULAK NAGSAGUPA, 1 ARESTADO
QUEZON – Isang lalaki ang nadakip matapos magsagupa ang dalawang grupo ng hinihinalang mga sangkot sa ilegal na droga sa bayan ng Candelaria sa lalawigan. Nangyari ang sagupaan bandang alas-diyes y medya ng gabi noong Linggo, Mayo 18, sa Sitio Bagongbong, Brgy. Malabanban Sur sa nasabing bayan. Agad nagresponde ang mga pulis matapos makatanggap ng ulat hinggil sa naririnig na palitan ng putok sa lugar. Nagpalitan ng putok ang magkalabang grupo ng mga suspek gamit ang iba’t ibang uri ang mga armas at pagkatapos ay naghiwa-hiwalay upang tumakas. Nagresulta ang…
Read MoreINCUMBENT BRGY. COUNCILOR NIRATRAT NG TANDEM
CAVITE – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pamamaril at pagpatay sa isang incumbent barangay councilor sa Brgy. Bagtas sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa MV Santiago Hospital ang biktimang si Christopher Arcon, 48, dahil sa tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril. Base sa footage ng CCTV sa lugar, sakay ang biktima sa kanyang Toyota Innova at pababa ito…
Read More12 DATING REBELDE SA CENTRAL LUZON NAGBALIK-LOOB
BILANG patunay sa epektibong kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa insurhensiya, sumuko at nagbalik-loob ang 12 dating kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) at Underground Mass Organizations (UGMO) mula sa mga lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija, at Bulacan. Ang mga ito, ayon kay PBGen Jean Fajardo, Regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ay sumuko noong Mayo 13 at Mayo 16, 2025. Sinabi ni Fajardo na boluntaryong sumuko ang isang kinilala sa alyas na “Ka Mia,” isang magsasaka mula sa Brgy. Pao 3rd, Camiling,…
Read MoreMAHIGPIT NA MONITORING SA COVID-19 TINIYAK NG DOH
HINIGPITAN ng Department of Health (DOH) ang monitoring sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas sa gitna ng pagtaas ng mga kaso nito sa ibang bansa. Tiniyak ito ni Health Sec. Teodoro Herbosa na nagsabing bumaba pa nga ng 87% ang kaso ng Covid sa bansa mula Enero hanggang May 03 ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2024. Mula sa 14,074 noong nakalipas na taon ay bumaba ito sa 1,774 ngayong 2025. Mababa rin ang case fatality rate na 1.13% o isa ang namamatay sa kada 100 tinatamaan ng sakit.…
Read MoreCITY PROPERTIES ALAGAAN – LACUNA
NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng opisyal at kawani ng local government na alagaan ang pag-aari ng lungsod maliit man ito o malaki. Sa kanyang mensahe sa regular flag raising ceremony nitong Lunes, sinabi ni Lacuna na ang lahat ng city properties ay binili gamit ang taxpayer’s money kung kaya dapat itong alagaan na parang sarili nilang pag-aari. “Ito ay responsibilidad ng bawat isang tanggapan dito sa ating pamahalaan. Samakatuwid, sana, ayusin po natin at siguraduhin na lahat ng pag-aari ng ating lungsod ay nagagamit nang wasto…
Read More