HINIGPITAN ng Department of Health (DOH) ang monitoring sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas sa gitna ng pagtaas ng mga kaso nito sa ibang bansa.
Tiniyak ito ni Health Sec. Teodoro Herbosa na nagsabing bumaba pa nga ng 87% ang kaso ng Covid sa bansa mula Enero hanggang May 03 ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2024.
Mula sa 14,074 noong nakalipas na taon ay bumaba ito sa 1,774 ngayong 2025.
Mababa rin ang case fatality rate na 1.13% o isa ang namamatay sa kada 100 tinatamaan ng sakit.
Sa kabila nito, nanindigan ang Kalihim sa pangangailangan na magpatuloy sa pag-iingat ang publiko para iwas-sakit.
Kasama rito ang maayos na paghuhugas ng kamay, paggamit ng face mask at iba pa.
(JULIET PACOT)
