Brian Poe: Tuloy ang legasiya! FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTY-LIST PORMAL NANG NAIPROKLAMA

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang isang makasaysayang tagumpay matapos makakuha ng 533,953 boto ayon sa PPCRV at ngayon ay may kinatawan na sa Kongreso. Ang pangunahing nominado na si Brian Poe ay handa nang ipaglaban ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang pagpapatuloy ng misyon ng partido na pagandahin ang buhay ng maraming Pilipino, kundi isang hakbang para sa makabuluhang pagbabago at kaunlaran sa hinaharap. Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Congressman Brian Poe sa kanyang victory speech: “Unang-una, maraming salamat sa aking pamilya!…

Read More

‘TRIGGER HAPPY’ BINITBIT SA SELDA

CAVITE – Arestado ang isang 58-anyos na lalaki makaraang ireklamo dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Indang sa lalawigan noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong alarms and scandal at paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code ang suspek na si alyas “Rodolo”, binata, residente ng Indang, Cavite. Ayon sa reklamo ng ilang residente sa Purok 5, Brgy. Calumpang Cerca, Indang, Cavite, nabulabog sila sa katahimikan ng gabi dahil sa walang habas na pagpaputok ng baril ng suspek bandang alas-11:55 ng gabi. Agad namang…

Read More

TONE-TONELADANG BASURA NAHAKOT SA ‘OPLAN BAKLAS’

ISANG linggo matapos ang eleksyon, humarap ang mga pulis sa CALABARZON sa gawaing pagbabaklas, o pagtatanggal ng ginamit na election campaign materials. Matagumpay na isinagawa ng PNP CALABARZON ang “Simultaneous Oplan Baklas” noong Martes ng hapon, at tone-toneladang basura ng kampanya ang kanilang nahakot. Kaugnay ito sa utos ng PRO 4A sa lahat ng mga istasyon ng pulisya sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon na lumahok sa “Oplan Baklas” pagkatapos ng eleksyon. Malinaw ang layunin ng nasabing kautusan, ang alisin ang lahat ng natitirang campaign materials, lalo na ang…

Read More

MALACAÑANG NAMIMILI NA NG IPAPALIT KAY NI PNP CHIEF GEN. MARBIL

MALAKI ang posibilidad na sadyang hindi makatutulong ang pinalutang na panibagong extension ng termino ni Philippine National Police chief PGeneral Rommel Francisco Marbil. Bunsod ito ng pahayag ng Malacañang na namimili na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng posibleng ihahalili kay General Marbil. Sinasabing ihahayag agad ng commander-in-chief ang magiging kahalili ni Gen. Marbil na nakatakdang mapaso ang extension bilang hepe ng pambansang pulisya ng bansa sa Hunyo 7. Kabilang umano sa mga ikinokonsidera sina PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.; PNP chief directorial…

Read More

PULIS ISINASANGKOT SA ROBBERY, PANGINGIKIL AT PAG-MOTORNAP

KINUMPIRMA ng Quezon City Police District (QCPD) na isang insidente ng umano’y robbery-extortion at carnapping ng motorsiklo ang naganap bandang 7:00 PM noong Mayo 17, 2025 at isinasangkot dito ang umano ‘y isa sa mga suspek na isang pulis sa naganap na krimen sa panulukan ng EDSA Balintawak at NLEX Cloverleaf Interchange sa Barangay Unang Sigaw, Lungsod Quezon. Ayon sa QC police, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima, na kinilalang si alyas “Allan,” ay na-flag down ng mga suspek na sakay ng isang itim na Toyota Fortuner, sapilitang…

Read More

PINAS DELIKADO SA PAGSUPORTA SA ASEAN VISA

LALONG dadami sa Pilipinas ang mga espiya at criminal fugitive mula sa Tsina kapag hindi inatras ng gobyerno ang pagsuporta nito sa unified visa system na pinagkasunduan at pinaiiral sa ngayon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Babala ito ni Cagayan de Oro City representative Rufus Rodriguez kaya hiniling nito kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na atasan si Department of Tourism (DoT) secretary Christina Frasco na iurong na ang suporta sa nasabing sistema. Ayon mambabatas, ang ASEAN visa system ay katulad ng Schengen visa sa Europe na kapag…

Read More

PARTY-LIST NAKOPO NG POLITICAL FAMILIES

MISTULANG nanaig ang mga kilalang political family at maging ang mga partido pulitikal sa katatapos na eleksyon, hindi lamang sa national at local na posisyon kundi maging sa party-list system. Sa 54 party-list organizations na nanalo sa nakaraang eleksyon kung saan 52 dito ang naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec), 19 sa mga ito ay mula sa mga kilalang pamilya ng mga politiko at political party. Una ang Tingog party-list na pag-aari ni House Speaker Martin Romualdez kung saan ang kanyang misis ang isa sa mga kumatawan sa Kamara…

Read More

KASO NG RAPE SA AFP KINONDENA NG GABRIELA

MARIING kinondena ng grupong Gabriela ang napaulat na panggagahasa ng isang high-ranking official ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dalawang babaeng junior officer dahil nagpapatunay lamang umano ito na malalim na ang ‘culture of impunity’ at mga karahasan sa kababaihan sa hanay ng militar. “Military officials who shamelessly abuse women must be held accountable immediately! Walang puwang sa lipunan ang mga nang-aabuso ng kapangyarihan para manggahasa at manakit ng kababaihan,” deklara ni Gabriela secretary-general Clarice Palce. “Kung nagagawa ng mga opisyal ng militar na abusuhin ang mga junior…

Read More

SENIOR MILITARY OFFICIAL POSIBLENG MA-COURT MARTIAL

MAAARING maharap sa court martial proceedings ang isang senior official ng Armed Forces of the Philippines matapos siyang ireklamo ng pangmomolestiya ng dalawa niyang junior officers. “A pre-trial investigation was subsequently conducted and has since been completed. The case is now pending the approval of the convening authority (chief of staff) for referral to a General Court Martial (GCM) and its eventual convening,” ayon sa AFP. Nag-ugat ito nang kasuhan ng rape ng dalawang junior officer na nagsisilbing office assistant ang isang high-ranking military official. Naganap ang umano’y pangmomolestiya ng…

Read More