DATING KONSEHAL NG MAYNILA, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating konsehal ng Maynila, sa kinahaharap nitong kasong kidnapping for ransom (KFR), nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Pasay City noong Martes ng umaga. Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si alyas “Roderick”, nasa hustong gulang, umano’y dating konsehal ng ika- 5 Distrito ng Maynila. Ayon sa NBI – International Airport Investigation Division (IAID), inaresto ang suspek bandang alas-10:37 ng umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 1 galing sa Las Vegas.…

Read More

SOUTH UPI MAYOR, ASAWA INARESTO SA AMBUSH SA VICE MAYOR

WALANG piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip na isang Maguindanao del Sur mayor at asawa nito matapos silang silbihan ng arrest warrant ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group dahil sa umano’y kaugnayan nila sa 2024 ambush na ikinamatay ng isang vice mayor at security aide nito. Nasaktan din sa pananambang si Barangay Chairperson Analyn Benito, maging ang asawa ng napaslang na vice mayor at ang 11-anyos na anak bunsod ng mga tama ng punglo. Inaresto ng PNP-CIDG sina South Upi, Maguindanao del Norte…

Read More

PUGOT NA ULO NATAGPUAN

BULACAN – Isang pugot na ulo ng lalaki ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang irrigation canal sa Barangay Salapungan sa bayan ng San Rafael sa lalawigan. Ayon sa San Rafael Municipal Police Station, wala pang pagkakakilanlan ang nasabing biktima. Subalit malaki ang posibilidad na ang ulong pugot ay sa bangkay ng isang lalaking walang ulo na nakitang palutang-lutang noong Lunes ng hapon sa ilalim ng tulay malapit kung saan natagpuan ang ulo. Natagpuang palutang-lutang ang isang bangkay ng isang lalaking walang ulo sa ilalim ng tulay sa Barangay Salapungan.…

Read More

PRO3 HANDANG-HANDA NA SA PAGTUGON SA KALAMIDAD

BUONG giting na ipinamalas ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna sa isinagawang Simultaneous Showdown Inspection of the PNP Disaster Response Equipment Capabilities sa Camp Capt. Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga noong Mayo 21. Ang aktibidad ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na layong paigtingin ang kakayahan ng mga ahensiya ng pamahalaan, partikular ng Philippine National Police (PNP), sa pagtugon sa mga kalamidad at krisis, bilang bahagi ng kanyang programang Bagong Pilipinas. Pinangunahan ni Police General Rommel Francisco…

Read More

P9.1 MILYON UNREGISTERED VAPE NAKUMPISKA SA CHINESE NATIONAL

KALABOSO ang isang Chinese National makaraang salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanyang bodega sa Marilao, Bulacan. Sinabi ni CIDG Director P/Major Gen. Nicolas Torre, na ikinasa ang operasyon noong Martes ng hapon sa Brgy. Prenza kung saan nakumpiska ang assorted unregistered na mga vape product na nasa 26,000 piraso at nagkakahalaga ng P9.1 milyon. Ayon kay Torre, ang pagsalakay sa bodega ng hindi rehistradong vape ay alinsunod sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil para sa kaligtasan ng bawat komunidad mula…

Read More

HIGIT 100 DRIVING SCHOOL SINUSPINDE

MAHIGIT 100 driving schools ang sinuspinde sa nakalipas na dalawang linggo dahil sa iba’t ibang paglabag, ayon sa Land Transportation Office (LTO). “We have already suspended around 107 driving schools just in the last two weeks. Nahuhuli, na-audit trail namin ‘yan sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa,” sabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II sa press conference. “Wala nang takas ngayon. Malinaw ang instruction sa amin ng ating (transportation secretary Vince Dizon) at (President Ferdinand Marcos Jr.). Hinihigpitan po ‘yan. Wala nang lulusot,” idinagdag pa ni Mendoza.…

Read More

DEFENSE SECRETARY TEODORO UNANG NAGHAIN NG RESIGNATION

NAUNA nang naghain ng kanyang courtesy resignation kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. nitong Huwebes ng umaga kasunod ng kahilingan ng Pangulo na magsumite ng kanilang courtesy resignation ang 30 miyembro ng kanyang gabinete. Tiniyak naman ni Sec. Teodoro sa sambayanang Pilipino na patuloy na tutupad sa kanilang mandato ang lahat ng kawanihang nasa ilalim ng defense department lalo na ang Armed Forces of the Philippines na siyang responsable sa pangangalaga sa soberanya at territorial integrity ng bansa. Tuloy-tuloy rin…

Read More

‘Drayberks: Ready 4 Safety’ Kampanya ng MPT South sa Buwan ng Kaligtasan sa Kalsada

SA layuning bumuo ng mas ligtas na kinabukasan sa mga kalsada sa Pilipinas, minarkahan ng Metro Pacific Tollways South (MPT South) ang Road Safety Month sa pamamagitan ng paglalahad ng pinakabagong tema para sa kanilang road safety advocacy campaign na “Drayberks: Ready 4 Safety,” sa isang ceremonial launching na ginanap sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay City. Mahigit 100 stakeholders mula sa pampubliko at pribadong sektor ang dumalo sa pagdiriwang, katuwang ang mga pambansang ahensya kabilang ang Department of Transportation (DOTr), Toll Regulatory Board (TRB), Land Transportation Office (LTO), Land…

Read More

Your Dreams Can’t Wait: UnionBank Launches Fastest Personal Loan Yet

UnionBank continues to raise the bar in digital innovation to empower customers with faster financial access through its enhanced Personal Loan—providing funds in as fast as five minutes upon approval, the fastest turnaround time among traditional banks.”* Designed to meet the needs of today’s fast-paced lifestyles, UnionBank’s fully digital loan process gives customers access to fast, flexible financing for major milestones — from upgrading their dream home, pursuing higher education, making home improvements, to supporting a growing family — anytime and anywhere. The Fastest Way to Fund Your Dreams UnionBank…

Read More