ITO ang isa sa mga concern ng abogado ng dalawang Philippine Air Force personnel na umano’y naging biktima ng rape at attempted rape ng isang PAF Major General. Ayon kay Atty. Nico Robert Martin, abogado ng dalawang junior officers ng Air Force na nakararanas ng severe trauma at depression, lumapit at humingi ng tulong ang mga ito sa mga abogado na nasa ilalim ng Unified Legal Aid Service (ULAS) ng Supreme Court. “My clients were diagnosed with stress disorder and depression. After the incident, they were seen by a psychiatrist.…
Read MoreDay: May 25, 2025
BOMB EXPERT NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Tuluyan nang isinuko ng isang kilalang bomb expert mula sa hanay ng lokal na grupong terorista, ang kanyang sarili sa pamahalaan sa pamamagitan ng 1st Brigade Combat Team (1BCT) nitong nakalipas na linggo sa bayan ng Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ayon kay Brigadier General Jose Vladimir Cagara, commander ng 1BCT, hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng nasabing indibidwal para sa kanyang seguridad. Ang 35-anyos na dating rebelde ay boluntaryong sumuko bunsod ng matinding takot sa kanyang kaligtasan dulot ng sunod-sunod…
Read MoreMINDANAO SOLON PUMALAG SA TRAVEL ADVISORY NG AMERIKA
PINALAGAN ng isang Mindanao solon ang travel advisory ng Estados Unidos (US) na nagbabala sa mga Amerikanong may planong bumiyahe sa Pilipinas, partikular na sa Mindanao, dahil sa panganib na kakaharapin umano ng mga ito. Hindi matanggap ni Cagayan de Oro City representative Rufus Rodriguez ang travel advisory na ito ng Amerika na itinuturing ng Pilipinas na mahigpit na kaalyado kaya inatasan nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) na iprotesta ito. “This is an unfair, shotgun warning. There are certainly many places in our country that are safe to…
Read MoreLAPID NANUMPA SA KAPATID NA PUNONG BARANGAY
OPISYAL nang nanumpa si re-elected Senator Lito Lapid sa kanyang bagong mandato sa Senado sa isang simpleng seremonya sa Porac, Pampanga nitong Sabado. Kasama ang kanyang pamilya, nanumpa si Sen. Lapid sa harap ng kapatid na si Kapitan Arturo M. Lapid, Punong Barangay ng Poblacion, Porac, Pampanga. Ito na ang ika-apat na termino ni Lapid sa Senado sa pag-upo niya sa 20th Congress. Nagpasalamat si Lapid sa mahigit 13 milyong botanteng nagtiwala at nagbigay sa kanya ng bagong mandato. Nangako si Lapid na isusulong ang mga panukalang batas na makatutulong…
Read More17 SUGATAN SA ROAD ACCIDENT SA LA UNION
UMABOT sa 17 katao ang sugatan sa pagbaligtad ng isang passenger jeep, kabilang ang driver nito, sa Brgy. Nagyubuyuban, San Fernando City, La Union noong Sabado ng gabi. Sa ibinahaging ulat ng San Fernando City Police Station, sangkot sa aksidente ang isang Isuzu jeepney na minamaneho ng 45-anyos na driver na naninirahan sa Cardiz, Bagulin, La Union, na kabilang sa sugatan. Walo sa mga sugatan ay mga menor-de-edad na ang mga edad ay 10, 9, 11, 15, 12, 8, 14, at 1 taong gulang habang ang iba pang sugatan ay…
Read MorePUVs binalaan sa diskriminasyon DOBLENG SINGIL SA MALALAKING PASAHERO, BAWAL ‘YAN – LTFRB
BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga driver at operator ng Public Utility Vehicle (PUV) laban sa pagpapataw ng “double fare” sa mga pasahero batay sa pisikal na hitsura, laki, o timbang. Ito ay bilang pagtugon ng (LTFRB) sa pangunguna ni Chairperson Atty. Teofilo E. Guadiz III sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang inklusibo at marangal na serbisyo publiko para sa lahat ng Pilipino. Kamakailan ay nakatanggap ang LTFRB ng ilang reklamo na nagsasabing ang mga overweight o plus-size na…
Read MoreSENADO WALANG DAHILAN PARA ‘DI ITULOY IMPEACHMENT TRIAL KAY VP SARA
WALANG dahilan sa ngayon ang Senado upang hindi ituloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ni Senate Spokesman Atty. Arnel Bañas sa gitna ng pahayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na bukas siya sa reconciliation sa mga Duterte. Ipinaliwanag ni Bañas nasa hurisdiksyon na ngayon ng Senado ang reklamo at bilang pagtugon sa mandato ay obligado ang mga senador na dinggin ito. Tulad ng naunang inanunsyo ni Senate President Chiz Escudero, sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa June 2, ay babasahin ng…
Read More3M ESTUDYANTE NA MAY ‘LEARNING GAPS’ PINASASAGIP
MAY TATLONG milyong mag-aaral ang nangangailangan ng tulong dahil sa ‘learning gaps’. Ito ay base sa naging assessment ng Department of Education (DepEd) matapos matuklasan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may 5.58 milyong high school graduates ang “functionally illiterate” o mayroong problema sa ‘comprehension at understanding.’ “Mayroon pong expected na dapat matutunan ng mga bata. [Kung] hindi po nila inabot yung expectation na ‘yon, may gap po sa pagkatuto… Marami pong problema, marami pong factors kung bakit nangyayari yan, kaya dapat po talagang pagtulungan ng teacher [at] ng magulang…
Read MorePAGBABALIK NG NFA RICE SA PALENGKE TATRABAHUHIN NI TULFO
UUNAHING trabahuhin ni Senator-elect Erwin Tulfo sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Hulyo ang maibalik sa mga palengke ang NFA rice. Ayon kay Tulfo, “Kailangan munang balikan at i-adjust ang ilang probisyon sa Rice Tariffication Law (RTL) o ang Republic Act 12078. Inalisan ng kapangyarihan ang NFA ng nasabing batas na magbenta ng bigas sa mga palengke. Maari lang itong bumili ng bigas sa mga magsasaka o mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa para gawing “buffer stock” ng bansa. “At dahil inalis sa NFA ang pagbebenta ng murang…
Read More